13. The one with the night in the bar. (Part one)

13 8 3
                                    

Sabay kaming napaimpit ng sigaw ni Yna nang biglang maghalikan ang mga bida sa teleserye. Magkadikit kaming naka upo ngayon sa sala't nakapatong pa ang mga paa sa lamesang nasa gitna habang nanonood sa tv.

"Get a room! Get a room!" Sigaw namin.

"Ang ingay!" Sabay sigaw nina Paul at Z. Nasa dining sila naka upo habang naglalaro ng ML. Alas tres na din pala ng hapon ngayon at kaninang umaga kami nakauwi dito galing Moalboal. Bukas na bukas din ay pupunta na kami sa aming third at last spot ni Paul para daw ma edit na namin at mapasa na. Parang kailan lang talaga. Sa ilang buwan ko rin dito sobrang ang dami nang nag bago. Mas nagkalapit kaming apat at higit sa lahat hindi na madalas ang pag-iyak ko.

"Hindi kayo sasama?" Tanong ko kay Yna na naka upo lang ngayon sa couch ng sala at hindi pa nakabihis. Ngayon ang lakad namin papunta sa Sirao Flower Garden.

"Hindi eh." Sagot niya at tsaka umiling ng nakangiti.

"Bakit?"

"Eh, madalas naman kami doon pag gusto nitong ni Z mag relax o di kaya'y sa Busay." Paliwanag niya. "At tsaka... monthsary kasi namin ngayon." Sabi niya ng mahina.

Natawa ako ng mahina. "Saan kayo niyan?"

"Surprise daw eh." Ani niya.

"Pano ba yan? Tayo nalang pala. Tara na." Nakangiting sabi ni Paul na nakatayo na malapit sa pintuan. Nagpaalam lang ako kina Yna at lumabas na rin kami ni Paul.

"Magmomotor tayo." Si Paul at lumapit na sa isang malaki at itim na motor.

"Hindi ba tayo mahuhulog riyan?" Tanong ko habang nakatingin sa kanyang motor. Ngayon palang ata ako makakasakay ng motor.

"Hindi mo pa na try?" Nakangiti niyang tanong. Umiling lang ako habang nakatingin parin don. Narinig ko naman siyang tumawa.

"There's always a first time for everything, Gab. I'm glad this is your first time at gwapo pa ang kasama mo." Sabi nito at kumindat.

"Ew." At natawa lang siya.

"Maghinay ka nga!" Pinalo ko siya sa kanyang braso. Huminto naman kami saglit dahil sa red na traffic light. "Higpitan mo kasi! Nakayakap ka nga, maluwag naman." Dinig kong sabi niya. Gusto kung kurotin ang pisngi niya kaso naka helmet kami pariho.

"Parang sa pag-ibig din, Gab. Kung magmamahal ka naman lang, higpitan mo na. Mahirap na't baka mapunta sa bisig ng iba." Sabi ni Paul tsaka pinaharurot ang motor.

"Ay pag-ibig!" Sigaw ko at napayakap bigla sa kanya. Ang bilis talagang mag drive! Uminit naman ang pisngi ko dahil na press 'yong dibdib ko sa kanyang likuran kaya umayos ako sa pagyakap.

"May laman ka din pala? Hindi
halata." Nang marinig ko ang sinabi niya ay uminit bigla ang mga pisngi ko. Kinurot ko tuloy sa beywang. Nasakitan naman siya kaya na distract siya saglit sa pag-drive at natakot naman akong matumba kami kaya tumigil na 'ko.

"Hala. Ganda dito ano?" Nasa harap na namin ngayon ang flower garden.

"Yeah. They call it little Amsterdam." He replied while recording. Nakatutok ang camera sa akin habang nagsasalita ako. He then turned the camera para sa direksyon niya. He went closer to me at umakbay.

"Hey guys! Welcome to the last and third spot!" Sabay naming sabi sa camera.

"Tara don tayo!" Hinila ko siya sa may mga sunflower. Nag pose naman ako nang bigla niya akong kinuhaan ng picture. "Groufie tayo, dali!" Excited kong sabi at ginawa naman namin.

"One, two, three, smile!" I counted before I clicked the camera. Naka pose sa harap si Paul habang ako naman ngayon ang kumukuha ng litrato niya.

"Come here, look at this." Lumapit naman siya. Ipinakita ko sa kanya ang kuha ko. Napangiti rin ako habang tumitingin dito. Ang gwapo ni Paul. Tiningnan ko siya pero sa akin lang siya nakatingin habang nakangiti. Bigla tuloy ako na conscious.

How Far Love Can Take You? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon