Chapter Two

13.8K 592 20
                                    

Chapter Two



Addicting



"Where will I put these?" he asked.

"Ah, dito nalang..."

Nagkatinginan kami matapos niyang ilapag doon ang pinamalengke ko. Hindi pa ba siya aalis?

Parang ang rude naman kung paalisin ko kaagad siya gayong tinulungan pa niya ako sa mga dala ko kanina. "Thank you." sabi ko nalang muna sa kaniya.

He gave me that smile of his again. Ba't bagay na bagay sa lalaking ito ang mga ngiti niyang 'yan? He looked carefree. Hindi naman ako kinabahan sa kaniya. He also looked harmless. Mukha naman siyang hindi gagawa ng masama... "You're welcome." he smilingly said.

"Ah, upo ka muna." nilahad ko sa kaniya ang sofa sa sala. "Hala, umuulan?" Nakita ko iyon sa bintana. Mabuti at wala naman akong sinampay sa labas. "Ano'ng gusto mo? Kape, tsaa, o mainit na tsokolate?" I offered. Parang gusto ko rin uminom muna ng mainit at malamig ang panahon.

"Uh, I think I'd like a hot chocolate." aniya.

Tumango ako. Iyon din ang gusto ko. "Sandali lang, ha. Puwede mong buksan ang TV. Nandiyan lang ang remote." bilin ko.

Gumawa ako ng mainit na tsokolate sa kusina. Pagkatapos ay lumabas na muli ako sa sala dala iyon. "Hala, lumakas pa yata ang ulan..." puna ko habang tiningnan muli sa bintana.

Umupo na rin ako doon sa sofa. Binuksan niya na rin ang TV at nasa isang paborito kong teleserye iyon sa hapon. Kinuha ko sa kaniya ang remote at nilakasan ang volume. "'Yan nga sampalin mo!" I cheered the protagonist.

Napabaling ako sa kaniya nang naramdaman ko ang tingin niya sa 'kin nang sulyapan ko nga ay nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Napainom tuloy ako sa hot chocolate ko. Medyo napaso pa ako! Tiniis ko nalang at 'di na nagpahalata.

"Are you okay?" napuna pa rin niya.

Tumango ako. "Oo, okay lang. Uh, okay lang ba ang lasa?" tukoy ko sa hot chocolate na ginawa.

He nodded with a smile. "Yeah, tastes good. Thanks." aniya.

Tumango ako and I pursed my lips. Binaling ko muli ang tingin sa TV. Ngunit nawala na rin ang focus ko sa pinapanood. "Uh... Ikaw si Jake?" bumaling muli ako sa kaniya.

He nodded. "Yeah, Jake Montañez." naglahad siya ng kamay.

Tinanggap ko naman 'yon. Napansin ko ang liit ng kamay ko kung ikukumpara sa kamay niya. "Lou," pakilala ko na rin. "Nabanggit ka sa 'kin ng kapitbahay ko..."

Tumango siya ulit. "Oh, yeah, the resort's staff? Sa kaniya ko nalaman, sorry I asked her for your address..."

Umiling ako. "Bakit mo ba kasi ako hinanap?"

He looked a bit taken aback. Nakatingin kami sa isa't isa. And then he sighed a bit. "Why did you just left me? When I woke up you were already gone..." aniya.

Ako naman ang bahagyang natigilan. Binaba ko ang tingin sa hawak na mug. Saglit kong nakagat ang pang-ibabang labi bago muli nag-angat ng tingin sa kaniya. Nagpatuloy naman ang pagsasabunutan ng bida at kontrabida sa palabas nang masulyapan ko ang TV. "Bakit... Hindi ka ba sanay sa ganoon? One night stand..." marahan kong nasabi.

Napayuko muli ako. Hindi agad siya nakapagsalita.

"Ah!" basag ko sa humahabang katahimikan sa amin. "Maggagabi na." Tumingin muli ako sa bintana at kita na umuulan pa rin sa labas. "Magluluto lang ko ng hapunan... Dito ka na lang din siguro kumain? Mukhang magtatagal pa ang ulan..." sabi ko.

Addicted To You (Villa Martinez Series #3)Where stories live. Discover now