Chapter Fourteen

10.4K 487 13
                                    

Chapter Fourteen



Promise



Hindi lang si Jake ang kailangang may matutunan. Ako rin dahil siya pa lang ang una kong minahal. And I know love isn't love alone... Siguro ay nagsisimula pa lang talaga kami... Natakot akong maging dependent kay Jake. At sa aming dalawa mukhang siya ang mas dumepende sa akin... Nabigla siya at naguguluhan pa... But I trust him.

I think that is it. You can't love without trusting the one you love... And because I love him I am also giving him a chance. Maybe he's right. We can also do this together. At hindi na kailangang maghiwalay pa.

Umangat ang mga kamay ko and I hugged him back. "Ang iyakin mo," nasabi ko. Ilang beses na rin umiyak sa akin ang lalaking 'to. "Iyakin ka na ba simula noong bata ka pa?" sinubukan kong magbiro to make it light.

"Don't leave me..."

I kissed his cheek. "Hindi na." I said.

"Promise me."

Napangiti ako. "Promise,"

"So, iyakan ka na nga noon pa?" balik ko sa subok kong biro sa kaniya kanina.

I heard him sighing. Nakangiti lang ako habang yakap pa rin namin ang isa't isa. "I used to throw tantrums when I was still a kid kapag may gusto ako na hindi agad nabibigay." he said.

"Spoiled," sabi ko. Muli ko siyang hinalikan sa pisngi. "Tahan na, sorry rin kasi pinaiyak kita."

Kumalas na kami sa isa't isa at nagkatinginan. "Hindi na ako iyakin. Noong bata lang. But since you came ikaw lang nagpapaiyak sa 'kin." he said.

I chuckled. "Iyakin," I tried to tease him.

Muli niya lang akong dinala sa mga bisig niya para muling yakapin. Kinandong niya rin ako.

"It's getting late. You should be sleeping right now. Hindi rin makabubuti sa 'yo ang puyat." Jake said after looking at the time.

Pinahiga na niya akong muli sa kama at niyakap. Nang gabing 'yon ay nakatulog na ako nang mahimbing.

Hindi nga muna ako nagtrabaho at nag-stay lang sa bahay. Natakot na rin ako para sa baby ko. Jake started working. Ako naman ang naiiwan sa bahay at sa totoo lang boring din pala. Nanonood lang ako ng TV pagkatapos sa gawaing bahay at halos hindi pa nga iyon ipagawa sa akin ni Jake.

"Ako na," aagawin niya sa akin ang paghuhugas sa pinagkainan namin. Natuto na rin talaga siya sa mga gawaing bahay.

Siya rin ang nagwawalis sa condo at naglilinis ng CR. He learned. Pero wala rin siyang nagawa kasi kailangan ko pa rin magluto at hindi naman siya marunong.

"Promise, kukuha tayo ng maid para hindi ka na mahirapan." he said.

Umiling ako. "Hindi naman mabigat na trabaho ito. Don't worry too much about me, Jake. We'll be fine." I smiled and touched my protruding belly. Hinawakan din ni Jake ang tiyan ko.

"I can't help it." he sighed.

I touched his cheek. Natitigan ko na rin ang mukha niya. Gusto ko ang may kakapalan niyang kilay. May kalalimang mga mata. Magmumukha rin talaga siyang seryoso kung hindi lang din siya palaging nakangiti at parang mapagbiro. His nose is perfect. At ang nakakaakit niyang labi... Perpekto rin ang panga niya. "You're working in your company now?"

He nodded.

"Okay na kayo ng parents mo?" Nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Sana ay maayos na talaga sila ng parents niya. Siguro ay mahirap din sa parents niya pero alam kong mahirap din para kay Jake.

Umiling siya. "I asked for Lolo's help. Siya ang nagpapasok sa 'kin sa company."

"Okay na ba ang Lolo mo?"

Tumango siya. "Yeah, he's well. Noong nakaraan lang medyo nanghina... He's old." he sighed.

"Ang Mommy mo?"

"Wala na siyang nagawa kay Lolo. Although magsisimula ako sa mababa, okay lang. Basta may work na ako at may pera tayo para sa mga kailangan natin."

Ngumiti ako. "Thank you, Jake." I said. I can really see na kumikilos na siya. Alam kong tinutupad niya rin ang pangako niya sa 'kin.

He cupped my face. "Thank you, love. Thank you for staying and not giving up on me."

Niyakap namin ang isa't isa.

Nakikita kong nahihirapan din si Jake sa trabaho niya. Umuuwi siya minsan na late na at mukhang pagod na para bang pinapagod siya sa opisina. Ang dami pa niyang kinakain sa bahay na para bang ginugutom rin siya sa trabaho niya. Naawa na tuloy ako sa kaniya. But he would always assure me na okay lang at kaya niya.

Natutuwa rin ako kapag nakikita ko ang tuwa rin niya at excitement sa mga checkups namin. Lalo at nakita at nalaman na namin sa ultrasound ang gender ng baby namin. It's a baby boy. Kaya nag-isip na rin kami ng ipapangalan at namili na ng ilang gamit para kay baby. Hindi pa namin halos nakukumpleto at hindi kaya ng sahod ni Jake na pagsabayin kaya sabi ko kahit unti-untiin lang namin at hindi pa naman lalabas si baby. I would assure him na okay lang iyon lalo at kahit hindi siya nagsasalita ay nakikita kong parang bigo siya sa sarili at hindi niya agad mabili ang mga kailangan ng anak namin.

His friends and his grandfather is offering us help. Pero gusto yatang magpaka-independent na ni Jake at ayos pa naman kami. Kaya naman ng sinasahod niya. Nakakakain pa rin naman kami ng maayos at nabibili at nababayaran ang mga kailangan sa bahay. He's really trying to provide for our family. "Saka nalang siguro tayo manghihingi ng tulong kapag emergency o hindi na talaga kaya," aniya.

I smiled. He's making me proud each passing day. He really did changed. And I love him more.

"Sa Sunday punta tayo kay Lolo?"

Tumango ako sa kaniya. Nasabi na rin niya sa akin noon na gusto nga akong makita at makilala ng Lolo niya. Kaya sa araw na iyon ay nagpunta kami sa mansion ng grandparents niya. Matagal nang namayapa ang Lola niya at ang Lolo at mga kasambahay nalang ang narito, at guards.

Malaki ang ngiti ng Lolo ni Jake nang sinalubong kami. Nasa wheelchair na ito ngunit nakatayo rin naman at inalalayan lang ng isang personal nurse.

"Lolo," nagmano si Jake at sumunod din ako.

"It's big!" puna ng matanda sa tiyan ko.

Napahawak din ako doon. Jake's arm was wrapped around me para maalalayan ako. I gave his grandfather a smile pagkatapos din magalang na bumati. Inimbitahan na kami nito sa dining kung saan naghanda ito ng early lunch para sa amin.

Pinaghila ako ni Jake ng mauupuan at nakaalalay siya sa akin sa pag-upo ko. "Such a gentleman." anang matanda sa apo na mukhang natutuwa.

"Pasensya ka na, hija, sa inasal ng mga magulang ni Jake." the old man sighed. 

"Ayos lang po..."

Umiling ito. "Dapat ay pinaalam mo agad sa akin, apo." baling niya kay Jake. "Kumusta ang pagbubuntis mo, hija?" magaan itong ngumiti sa akin. "At nalaman n'yo na ba kung lalaki ba o babae?"

Ngumiti ako. Nakatingin ako sa Lolo ni Jake. Kahit halata na ang edad ay hindi pa rin matatangging isa rin itong magandang lalaki. Pinagpala nga naman sa physical na ganda ang pamilya ni Jake. Naisip ko kung sino kaya sa amin ni Jake ang magiging mas kamukha ng baby namin. "Okay naman, po, uh, medyo malikot na at panay ang sipa."

Natutuwang ngumiti pa ang matanda.

"It's a boy, 'Lo." Jake told his grandfather.

Lalo pang lumaki ang ngiti nito. Nag-usap ang mag-Lolo at kasali rin ako. I was smiling. Masaya ako na mukhang tanggap kami ng Lolo ni Jake. At mukhang mabait din talaga ito. Ang gaan din nitong kausap and he also mentioned that the necklace I was wearing that day na bigay din sa akin ni Jake actually came from his deceased wife. Nakakatuwa ang araw na iyon.

Addicted To You (Villa Martinez Series #3)Where stories live. Discover now