Chapter Sixteen

10.8K 487 23
                                    

Chapter Sixteen



Carefree



I was wearing a long evening gown like every lady in the party. Nakakapit ako sa braso ni Jake. Sinalubong kami ng ilang tao at tumingin din sa amin ang iba pang naroon. Nakaramdam ako ng kaba at konting hiya. Nilapitan na rin kami ng parents ni Jake.

"Mr. Go," bati ni Jake sa isang lalaki.

"Hijo," mula kay Jake ay lumipat ang tingin nito sa akin.

Pinakilala ako ni Jake na girlfriend. Ngumiti ako at bumati na rin.

Jake became busy with the businessmen. Ganoon din ang parents niya. Nagpaalam ako na mag-l-ladies' room muna. Sandaling bumaling sa akin si Jake. "Are you fine alone?" he asked.

I nodded and smiled at him. "Oo," I assured him.

Natagalan pa ako. Pagkapasok ay nanatili pa ako sa harap ng salamin, tiningnan ang sarili ko. Maganda naman ang dress ko at mukhang bagay naman sa akin. This is also expensive. Maayos din naman ang makeup ko. Ngayong narito na ako at mukhang mag-isa parang nakahinga na ako. Hindi ako sanay sa ganito. Pero ito ang mundo ni Jake at kailangan ko rin tanggapin.

I was already inside a cubicle when I heard girls talking who just entered the ladies' room. Natigilan ako. Hindi ko agad nabuksan ang pinto at nanatiling nakatayo roon.

"What happened to Jake's taste?" maarteng boses ng isang babae.

"I know right! She's fat!" anang isa pang boses.

Maliit at payat akong babae. But I just gave birth... I experienced some changes. At ayos lang iyon. Palatandaan lang ito na isa na akong ina. Ang konting pagbabago ay dahil nagbigay ako ng isang buhay. And I love my son so much. Kaya wala itong problema sa akin.

"They're not married yet!"

"May anak sila. Baka naman pinikot lang ng babae si Jake! He shouldn't marry or stay with her! He deserves better!"

"Yes, someone like you, Crisel!"

"Stop it, girls." isa pang boses ng babae.

"Turn off ka na ba kasi may anak na siya?"

"No," anang parehong boses, probably Criselda Go...

"Right! Jake can still be a father to his child without marrying the mother, duh!"

"Jake should marry you instead, Crisel! You two are perfect together! And he's talking with your Dad right now!"

Nang makaalis na sila ay saka pa lang ako lumabas. Nagtuloy-tuloy ako at bumalik sa kung nasaan si Jake, sa tabi niya. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ang party na ito. Lalo at pakiramdam ko pinagtitinginan ako. Na para bang disappointed din sila kay Jake dahil nasa tabi ako nito. Na parang isa akong disappointment kay Jake. Na gaya sa narinig kong usapan kanina sa ladies' room ay hindi ako nakabubuti kay Jake.

"Are you okay?" Jake asked beside me.

I looked at him and nodded. I also smiled to assure him. We were already having dinner. Hindi rin ako nakakain nang maayos.

Nahagip ng paningin ko si Criselda Go. Ngayon ko pa lang siya nakita talaga. Sa pictures ko pa lang siya nakita noon. At maganda nga siyang babae. She's a model. Kita rin sa mukha at katawan niya. She's gorgeous.

She was talking and smiling with Jake's Mom. Hindi kami naging ganoon ng Mama ni Jake. I can see their closeness.

Pakiramdam ko ay nakapagpahinga lang ako at parang napagod galing sa party nang nasa loob na kami ni Jake ng sasakyan. Kahit wala naman akong masyadong ginawa roon. Niyakap ako ni Jake sa tabi ko. Hinatid kami ng driver kaya magkatabi kaming naupo sa backseat. He also look tired to drive us home. Marami rin siyang hinarap na tao kanina.

Addicted To You (Villa Martinez Series #3)Where stories live. Discover now