Chapter Thirteen

10.2K 490 20
                                    

Chapter Thirteen



I love you



Jake rushed me to the hospital.

"She almost had a miscarriage." I heard the doctor said. "Iwasan ang stress and let her rest. Kulang din siya sa pahinga."

"Overtime?" Parang narinig ko rin sa isip ko ang boses ni Dina. "Lou, baka nakakalimutan mo buntis ka." she would remind me na para bang nakakalimutan ko talaga iyon. Hindi naman...

Minsan din kasi akong nag-o-overtime sa trabaho kaya sinaway na rin ako noon nina ni Pocholo.

Narinig ko ang pinto at mukhang lumabas na ang doktora. I opened my eyes at nasa loob na ako ng isang hospital room. Maagap akong dinaluhan ni Jake.

"You're awake, thank God. How are you feeling, love?" may kislap ng luha sa mga mata niya.

"Ang baby ko?" I was so worried for my child. Siya lang ang naisip ko kanina.

"Our baby's fine, don't worry. You're both fine." he kissed my forehead.

Para akong nakahinga. Hindi ko yata kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak ko o mawala siya sa akin.

"I was so scared earlier..." Jake whispered. "I'm sorry... I'm sorry..." paulit-ulit niyang hingi ng tawad.

Nagkatinginan kami. He looks like he's in pain. I tried to smile at him. At inabot ko ang pisngi niya. "It's okay..." mahina pa ang boses ko.

Nabigla pa siya. Hindi pa naman talaga namin napag-usapan noon ang mga ganitong bagay. He's having a problem now with his parents. Ang tingin ko kay Jake kahit sa edad niya ngayon ay wala pa talaga siyang masyadong experience sa buhay. He was sheltered and well taken cared of. He grew up rich and was given everything, all the things he needs and wants. Hindi pa talaga niya naranasan mahirapan at sa sitwasyon namin ngayon pareho kaming nahihirapan... I think he's really not yet ready for this... for the responsibility. He's still young and still enjoying his life. I think he's still young to be a father. He still need to learn a lot of things. He still need to grow...

Ayaw ko namang akuin nang mag-isa ang responsibilidad. Jake was also reckless. Pero sa ngayon, bilang mas nakakaintindi... Kakayanin ko munang akuing mag-isa ito. I will give him time. I love him... I love Juan Karlos Montañez. I love the man I met in that island. Minahal ko ang lalaking nagpakilala sa akin at nakasama ko rin sa probinsya. And I accept his flaws... Ganoon talaga... Wala raw taong perpekto... Lahat tayo nagkakamali rin sa buhay. And I want him to learn... I want him to become the man that I know he will be. Because I have faith in him. Alam kong may mapapatunayan pa siya sa sarili niya.

Hindi ako iniwan ni Jake sa ospital. Pinuntahan kami ni Russel doon at may dala pa itong pagkain at mga damit at ilang gamit namin ni Jake. Mukhang nautusan ni Jake ang kaibigan niya. "Thank you, man." he thanked his friend.

Russel nodded at him. Bumaling din ito sa akin. "How is she?"

Tumingin din sa akin si Jake bago muling bumaling sa kaibigan niya. "She's fine now..." he talked to his friend at nanood nalang muna ako ng TV na naroon sa loob ng room.

Binisita rin ako nina Dina at Pocholo nang nalaman. Maging si Sony ay pinuntahan ako at may dala pa silang mga prutas. "Thank you." nakangiti kong sabi sa kanila. Alam na rin sa trabaho ko ang nangyari sa akin.

Tumawag na rin ang mga kaibigan ko sa probinsya at nag-aalala. I assured them that I'm already okay. "Ayos na ako, Sanna. Huwag na kayong mag-alala." sabi ko.

Kaming dalawa nalang muli ni Jake sa kuwarto. Nag-sliced siya ng apple para sa akin. Halos subuan pa niya ako. Napatawa nalang ako at inagaw sa kaniya 'yon dahil kaya ko naman.

Nakauwi na rin kami sa condo. Medyo maraming bilin si doktora at tinandaan talaga iyong lahat ni Jake. He was so attentive at ang dami niya rin tanong. The doctor assured him that I and our baby will be fine basta sumunod lang kami sa mga bilin nito.

Tahimik lang kaming nanonood ni Jake ng TV habang magkayakap sa couch. It was relaxing... "Jake," tawag ko.

"Hmm?" maagap siyang bumaling sa akin. "Are you sleepy now?"

Napatango ako kahit hindi pa naman talaga. Bahagya nalang akong napatawa nang binuhat pa niya ako patungo sa kama namin at pinahiga ako doon. He gave me a kiss on the forehead. Napapikit ako. Tiningnan niya ang mukha ko and gave me a swift kiss on the lips. Napangiti ako. Tapos nahiga na rin siya sa tabi ko. Niyakap niya ako.

"Jake,"

"Hmm?" nakasuksok na ang mukha niya sa leeg ko. Habang ako naman ay nasa kisame ang tingin.

Magsasalita na sana ako nang naunahan niya. "Quit your job, Lou." Nag-angat siya ng tingin at nagkatinginan kami. "Kahit ngayon lang. Para lang sa baby natin, at para sa 'yo. So I could keep you both healthy. After mong manganak puwede kang bumalik kung gusto mo talagang mag-work. For now let me. Ako na muna ang bahala sa lahat. I'll make a way. Focus ka lang muna sa inyo ng baby natin."

Unti-unti akong tumango. Ngumiti siya at muli akong hinagkan at niyakap.

"Jake... gusto ko sanang umuwi sa Negros,"

He looked at me. "I'm not sure, pero may mahahanap din naman siguro ako na trabaho roon-"

Inilingan ko siya. "You can work here." I assured him with a smile. "Ako lang ang uuwi. Doon, uh, muna kami ni baby... You can stay here."

He shook his head. Napaupo rin siya sa kama. Bumangon na rin ako para makausap pa siya. "No," iling niya.

"Jake, makinig ka sa 'kin. Para rin ito sa 'yo-"

"I don't get it. Iiwan mo ako? Ngayon pa na magkakaanak na tayo? Why? You were so disappointed? Hindi mo na ako gusto..."

Mabilis akong umiling. "No, Jake, hindi ganyan. Naisip ko lang na... Tama ka nga nabibigla ka pa sa mga responsibilidad. There's still a lot of things that you need to learn. You will still grow... At habang inaasikaso mo pa ang sarili mo, I want you to focus with yourself right now... Puntahan mo nalang kami ni baby kapag-"

"No! Fuck," as if tears automatically pooled in his eyes. Nanlaki ang mga mata ko. "Lou, please," he held my hand. "don't leave me... I know, siguro hindi na nga kita deserve... I caused you stress. Hinayaan lang kita na mapagod sa trabaho mo. I failed to take care of you at kasalanan ko kung bakit muntikan nang mawala sa 'tin ang baby natin... Siguro kaya hindi mo na 'ko gusto..." mukha siyang nabigo. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya muli. "But I will do everything now, I promise. Just give me a chance. Hindi ko na ulit kayo pababayaan ni baby." umiling siya kasabay na may tumulong isang luha at sumunod pa ang iba. "I can't, Lou... Please..." nanghina siya.

Namuo na rin ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi totoo 'yan, Jake." umiling ako. "I love you." He looked shocked. "Mahal kita, Jake. Mahal kita kaya ko gagawin 'to." I held his hand this time. "Sabi nila we sometimes grow separately... At tingin ko iyon ang kailangan natin. Kaya, Jake-"

Bigla niya akong niyakap, nang mahigpit. Natigilan ako. "No... I can't..." he was crying now... "Can't I grow with you by my side? Bakit kailangan pang umalis? Can't we do this together? Bakit kailangan mo pa akong iwan... Please, don't... Hindi na ako uulit. Magbabago na ako. I promise you. I will be a better person. I will be... I will be a man for you both... Huwag n'yo 'kong iwan, please. Handa na akong mahirapan. I swear magpapakahirap ako para sa inyo ni baby. Magiging responsible na ako. I'm sorry, please... I love you, too, Lou..."

"Jake-"

"If this isn't love then what else? I haven't yet experienced this before. But I know... Because I can't lose you. I can't lose you anymore... I don't know what I'll do if you'll leave me... Kaya alam ko, Lou. I know I love you, baby." he kept on hugging me. As if he doesn't ever want to let me go.

Tumulo na rin ang luha ko.

Addicted To You (Villa Martinez Series #3)Where stories live. Discover now