Chapter Ten

9.7K 475 49
                                    

Chapter Ten



Think



The dinner went well. Nang paalis na kami narinig ko si Jake at ang Mommy niya na nag-uusap. Hindi ko naman sinasadya at babalikan ko na sana si Jake malapit sa kusina kung saan siya naiwan kanina kausap ang parents niya. Giniya rin kasi ako ng Daddy ni Jake sa living room ng malaki talaga nilang bahay. Dito lumaki si Jake. He's really born rich. Kinausap din ako ng Dad niya at tinanong lang naman tungkol sa dati kong trabaho at kinumusta ang pag-a-adjust ko rito sa Manila. Tahimik lang din kasi kanina 'yong dinner at hindi rin nagsasalita ang Mommy ni Jake. Si Jake lang halos at ang Daddy niya ang nag-uusap. Mukhang mabait din pala ito kahit medyo pormal talaga. Nang maiwan na ako nito para sagutin ang isang humabang tawag ay naisipan kong puntahan si Jake.

"Paano si Criselda?" naabutan kong tanong ng Mommy niya kay Jake.

Natigilan ako.

"Mom, I told you, there's nothing going on between me and Crisel. We're just friends."

"I don't like that woman, Jake!"

"Lou is a good woman, Mom-"

"I don't care! Dapat si Criselda Go ang dinadala mo rito sa bahay natin. Ano naman ang matutulong ng babaeng iyan sa company natin? At saan ba siya nanggaling? She's poor! Baka pa iniisip niya lang na masuwerte siya dahil inaakala na niyang makakadikit siya sa pamilya natin-"

Parehong Criselda siguro ang binabanggit nila sa nakita ko rin noon na nag-comment sa isang picture ni Jake sa social media.

Nasaktan ako sa mga narinig mula sa Mommy ni Jake. Hindi pala talaga niya ako gusto. Pero mas masakit na hinuhusgahan na niya agad ako ng gan'yan hindi pa naman niya ako kilala talaga. I never thought like how she's telling Jake about me. Ni minsan hindi ako nagka-interes sa yaman nila kahit alam kong galing nga sa mayamang pamilya si Jake. Hindi naman ako mapaghangad na tao. Kontento ako sa kung ano'ng mayroon ako. At minahal ko si Jake dahil si Jake siya na nakilala ko at hindi dahil sa pera o sa yaman niya.

"That's enough, Mom." putol ni Jake sa sinasabi ng Mommy niya, mukhang hindi na niya nagustuhan.

Umatras na ako at babalik na sa sala para doon nalang hintayin si Jake. Sinalubong ko siya ng ngiti nang lumabas na rin siya sa living room. Ngumiti rin siya at nilapitan ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan at giniya na rin ako paalis. Nanahimik nalang ako. Sa condo ko ulit siya natulog nang gabing 'yon.

Mas pinagbutihan ko sa trabaho. Ayaw kong masiyadong magpaapekto sa narinig kong mga sinabi ng Mommy ni Jake pero hindi ko napigilan. I was still affected. Hindi ko inasahan na mangyaring ang ina ng boyfriend ko ay hindi ako nagustuhan. Oo, hindi ako mayaman tulad nila. Pero maayos din naman akong babae. Nakapag-aral din ako at may maayos din naman na trabaho ngayon.

"Lou, lunch na tayo." dumaan si Dina sa cubicle ko.

Tumango ako at tumayo. Sumama na ako sa kaibigan kong mag-lunch. Gutom na rin ako at parang may gusto pa akong kainin. Sumunod na rin sa amin si Pocholo sa cafeteria. We found a vacant table at nasa mesa na kami nang napatakip ako sa ilong at bibig ko nang naamoy ang in-order ni Pocholo. Parang maduduwal pa ako.

"Hala, 'di naman panis 'to?" inamoy din ni Pocholo ang pagkain niya.

"Palit nalang tayo, Lou," nakipagpalit sa 'kin si Dina ng upuan. Para malayo na ako kay Pocholo.

Kumunot ang noo ni Pocholo sa akin. Nagbuntong-hininga rin si Dina sa tabi ko. "May sakit ka ba, Lou?" she asked.

Umiling ako. "Wala naman," wala naman akong lagnat.

Tumango siya.

Pagkatapos kumain bumalik din kami agad sa trabaho. Halos hindi pa ako makapagtrabaho ng maayos dahil parang inaantok yata ako. Halos pinilit ko nalang ang sarili na magtrabaho at tapusin ang araw.

Addicted To You (Villa Martinez Series #3)Where stories live. Discover now