CHAPTER 6

7.1K 341 26
                                    

CHAPTER 6

Zuri Amihra Alondra’s POV

Hindi ganun kahaba ang mga kuko ko para hindi maputol pero kasing talim naman ng kutsilyo na sapat na para masugatan ka ng husto.

“BITTCCCHHHH!! MY FACE IS RUINED!!!”

Sigaw ng babaeng kinalmot ko habang agos ng agos parin ang dugo na nanggaling sa mukha niya at pilit niyang pinupunasan.

“I told you already right? Siguro naman narinig mo ang sinabi ng kasamahan mo. This hands will be your worst buddy.”

Nakangising saad ko.

“DON’T TALK TOO MUCH AND FIGHTTTTTT!!!!!!!!!!!!”

Sigaw ng babaeng kaklase ko habang tumatakbo siya papunta sakin, pumuwesto agad ako at sinipa ang lupa papunta sa direksyon niya.

“BITTTTTTTTTCCHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!”

Sigaw ng niya habang tinatakpan ang mga mata niya dahil sa lupang sinipa ko.

“Kung susugod ka sa kalaban, siguraduhin mong humanda ka sa tira ng kalaban mo.”

Seryosong wika ko habang hawak niya parin ang mukha niya dahil sa ginawa kong tira sa kaniya.

Pero may matigas parin na kasamahan niya at sinugod nanaman ako. Hahawakan ko sana ang mukha niya pero magaling dahil sinagga niya ang tira ko pero sorry nalang dahil may isa pa akong reserbang kamay kaya ‘yun ang ginamit ko para masapak ang mukha niya.

Matik na pag ginawa ko ‘yun sa kalaban, siguradong kalmot ang iyong mararanasan.

Binuka ko ang kamay ko ay mabilis ko siyang kinalmot, dahil sa ginawa ko napaupo siya sa lupa habang hawak hawak ang pisngi niyang dumudugo.

“Shit!! Hindi natin siya kaya!!”

Sigaw ng kaklase kong babae.

“Then don’t declare a war if you can’t defeat me.”

Seryosong saad ko habang nakatingin ng seryoso sa kanila.

“Stop it Zuri.”

Napatingin naman ako sa likuran ko dahil nagsalita si Jedoah.

“Why? They want war. Inunahan nila ako kaya binigay ko lang nararapat sa kanila.”

Kalmadong wika ko.

“You’re bleeding badly.”

Saad niya habang nakatitig sa tiyan ko. Kaya napatingin naman ako ‘dun at tama siya, naramdaman ko nalang na nanginginig ang mga tuhod ko at napaupo ako bigla sa lupa.

Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi kanina, muntik ko ng makalimutan na may sugat pala ako.

Napapikit ako ng mariin dahil medyo malalim yata ang sugat ko. Tatayo na sana ako pero bila akong binuhat ni Jedoah, nakakapit ang isa niyang kamay sa likod ang ang isa naman ay nasa hita ko.

“Kaya ko maglakad.”

Saad ko pero tinignan niya lang ako sa mata.

“Wag mo akong pigilan sa gagawin ko sayo.”

Seryosong wika niya at nagsimula ng maglakad. Sinara ko nalang ang bibig ko dahil wala akong maisip na sasabihin sa sinabi niya.

“Paano mo magagamit ang kakayahan mo mamaya sa totoong laban natin kung inubos mo na ang lakas mo ngayon?”

Tanong ni Jedoah sakin habang nakatingin lang siya sa dinadaanan niya.

“Kung away ang hanap, masyado akong mapagbigay lalo na kung inuunahan ako.”

Seryosong saad ko habang kinapitan ko siya sa leeg dahi medyo hindi ako komportable sa pwesto ko ngayon.

“I think bed is the better place for fight.”

Malamig na wika niya. Anong klase ang lalakeng ‘to? Seryosong manyak?

“What kind of human are you? Masyado ka ng manyak.”

Saad ko habang nakatingin ako ng masama sa kaniya. Seriously? Kung titignan masyado siyang seryoso pero may pagkamanyak.

“I’m not a pervert but I’m more than that.”

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya, kung ganun mas sobra pa ang kamanyakan niya?

“Really? Then don’t ever try it to me if you want to live.”

Wika ko sa kaniya. Subukan niya talaga dahil makakatikim siya sakin ng kalmot, napatingin naman ako sa kanang kamay ko at may mga bakas ng dugo sa mga kuko ko at daliri tss ang ganda tignan lalo na pag nanggaling sa kalaban.

“Don’t worry, hindi ko gagawin sayo ‘yun pero pag maging akin kana. Lahat lahat ng gusto ko ay gagawin ko na sayo. Do you understand?”

Tumawa naman ako ng pagak dahil sa sinabi niya. Masyado siyang agrisibo.

“Ilan na kayang babaeng pinagsalitaan ng mga salitang nanggaling sa mga bibig mo?”

“Honestly, ikaw palang dahil ang ganda ng katawan mo.”

Wala. Ang manyak talaga, mas manyak pa ‘yata to kaysa sa ilog at sa Corbin na ‘yun.

_

Nakahiga na ako dito sa kama ni Jedoah, hindi sa ikakama niya na ako kundi gagamutin niya daw ang sugat ko sa tiyan.

Nakaupo siya sa tabi ko at napakaseryoso niyang ginagamot ang sugat ko.

“I love your four pack abs.”

Napatingin naman ako sa Corbin dahil nasa likod siya ni Jedoah.

“You’re right, ang sarap niya patungan habang nakahiga.”

Singit naman ni Alijah na nasa tabi ni Corbin. See? Ang mamanyak ng mga kasamahan ko, mabuti nalang talaga marunong ako manapak.

“Masanay ka sana dito Miss White Lady, baka araw-araw may makakalaban ka.”

Saad ni Zaul na nakaupo lang sa kama niya.

“Wait.. ano ulit ang apelido mo Miss White Lady?”

Dagdag ni Zaul habang nakasilip siya sa’min.

“Alondra, why Mary?”

Nakita kong kumunot ang noo niya na parang may iniisip.

“Alondra… ‘yan ang codename ng bigboss ng ‘Fox Academy’.. well hindi ko masyado matandaan kung ‘yan nga talaga ang code niya.”

“Who?”

Tanong ko. Nang matapos na akong gamutin ni Jedoah, umupo siya muna sa tabi ko habang nakaharap siya kay Zaul.

“He is Big Boss Imran, siya ang may ari ng Fox Academy, pero wala ka naman sigurong koneksyon sa kanila right? Dahil mamamatay ka pag nagkataon.”

Seryosong saad ni Zaul sakin.

“I don’t know him.”

Kalmadong tugon ko. Apelido ng mama ko ang last name ko ngayon dahil matagal ng wala ang Dad ko, nagkataon lang siguro na ‘yun ang code name ng bigboss ng Fox Academy na ‘yun.

©cherryypinks

WOLF ACADEMY: School Of The Gangsters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon