EPILOGUE

10.7K 439 55
                                    

EPILOUGE

Zuri Amihra Alondra’s POV

Makalipas ang dalawang araw, 57 ang namatay sa Fox Academy laban sa Black Puma at kabilang na ‘dun ang aking ama.

Nakatingin ako ngayon sa kabaong ng papa ko habang nakatulala, hindi manlang kami nakapausap ng maayos.. parang katulad lang ng nangyari sa kapatid ni Zaul..

He protect us from danger, my mom.. me.. and Jericho. Kung totoo ang sinabi niyang nilayuan niya kami dahil sa takot na madamay kami sa posisyon niya, hindi ko ipagkakait ang pagpapatawad.

Napatingin ako sa mga nakahilerang kabaong ng mga nasawi sa labanan, pero nasa gitna ang kabaong ng papa ko dito sa covered court.

Naramdaman kong hinawakan ni Jedoah ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at bigla niyang pinunasan ang luha ko.

Kasama namin ngayon ang mga kasamahan ko sa Wolf Academy at ang mga kuya ko..

Maya maya nandito na rin ang mama ko dahil pinaalam ko sa kaniya.

Napakasakit mawalan.. kahit hindi umabot ng matagal ang pinagsamahan namin ng papa ko… ang bigat sa pakiramdam.. sobrang bigat.. ‘yung tipong naiisip mong kung buhay siya ngayon sana siya ang maiiuwi ko, kahit wala ng kayamanan basta dala ko ang haligi ng tahanan.

“Anak..”

Nung marinig ko ang tinig ng mama ko, nilingon ko kaagad siya at niyakap ng mahigpit habang humagulgol.
“S-Sorry.. ma.. hindi ko nauwi si papa..”

Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik at naramdaman kong may mga luhang pumatak sa balikat ko.

“Naintindihan ko anak.. ang importante, binigyan ka ng pagkakataong makita ang papa mo..” tugon ng mama ko habang humihikbi.

Kumawala siya sa pakakayakap habang nakatigin sa kabaong ni papa. Mas lalo kumirot ang puso ko nung niyakap ni mama ang kabaong habang mahinang pinapakawalan ang kaniyang hikbi.

_

Jerickho Yahicko’s POV

Old man, your promise was true. You did to protect me as son but it’s really hurts while staring you in a coffin.

Naaawa ako kay Zuri at sa babaeng yumayakap ng kabaong mo ngayon, hindi mo manlang sila nakasama ng matagal para bumawi sa mga oras na hindi mo nabigay.

I’m not crying right now, but my heart is aching. You’re my savior dad.. thank for the second life and I promise, I will not waste it

“It’s time for the burial.” Saad nung isa sa mga admin dito sa Academy.

Nakita kong may mga taong nagbuhat sa mga kabaong kaya naglakad na kami ni Arieks papunta sa kabaong ni Dad, habang inakay ni Zuri ang Mom niya para mabuhat na namin.

Oras na para ihahatid na ang mga labi sa Fox Cemetery para sa kanilang huling hantungan.

But I’m sure because of war between Fox and Black Puma, no more fighting.. no more wars. Besides, the relationship between Wolf and Fox are already settled.

Ang kasamaan at kadaayaan ng Black Puma Academy ay nabura na dahil ipapademolish ang eskwelahan nila at isa pa, brutal na pinatay ni Zuri ang hangal na big boss nila kaya wala ng magiging problema.

_

Zuri Amihra Alondra’s POV

“Amihra, dinalaw mo si Boss Haux?” tanong sakin ni Jedoah dahil kakauwi ko lang dito sa dorm namin.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nawala si papa, habang si mama naman pinauwi ko muna dahil tatapusin ko ang pagaaral ko dito dahil may matatanggap parin akong kayamanan galing sa bigboss.

“OO Jedoah, saan pala sina Zaul?”

Si Zaul naman, laging dinadalaw ang kapatid ang lolo niya dahil araw araw siyang nawawala dito habang ang dalawa ko namang kuya sa Fox Academy, napagkasunduang si Arieks ang bagong big boss kaya medyo abala sila.

“Nandun sa Fox Academy, iaanounce na ang big boss kaya malamang nakikipag party sila ‘dun kaya..”

Napakunot ang noo kong nilapitan ako ni Jedoah dahil nakaupo ako dito sa kama namin at nandun siya sa kama ni Reece habang kaharap niya ako.

“Kakaiba ang tingin mo Jedoah ha—“

Gago ‘to, hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil tinulak niya ako pahiga sa kama habang nakatingin siya nangaakit sakin at pinatungan na niya ako pero nakatukod ang dalawa niyang kamay sa gilid ng ulo ko.

“Can I kiss you?” mas lalong kumunot ang noo ko sa sunod na tanong niya.

“Bakit ka nagpapaalam?”

“So.. gusto mo, wala ng paalam paalam.. Amihra?” nakangising tugon niya kaya umiwas ako ng tingin.

Tangina, wrong move. Sana hindi ko nalang sinabi ‘yun dahil medyo nakakahiya.

“Look at me.” Awtomatikong napatingin ako dahil sa sinabi niya.

Hindi na siya nagpadalos dalos dahil mabilis niyang siniil ang mga labi ko habang napapakapit na ako sa likod ng ulo niya.

“Amihra..” saad niya nung kumawala siya sa pagkakahalik pero magkadikit ang mga ilong namin habang nakatitig sa isa’t-isa.

“Hmm?”

“After the graduation, you’re not Zuri Amihra Alondra anymore..” sagot niya sabay halik ng mabilis sa mga labi ko.

“Why?”

“Because.. you’re Zuri Amihra Sawyer.. you will become my Wife.” Tugon niya sabay ngiti kaya napangiti na lang din ako.

“Then.. I’ll be pleasured..” sagot ko kaya hinalikan niya ako sa ilong.. hanggang pababa sa mga labi ko at unti-unti ko nang sinasagot ang kaniyang mga halik.

And for the second time, we did that again.

Sa lahat ng pinagdaanan ko sa eskwelahang ‘to, may katapusan din pala ang paghihirap dahil unti-unti nang nakakamit ang katahimikan.

Binigyan ako ng pagkakataong makita ang papa ko, nakilala ang mga kapatid ko, at nakakita ng lalakeng mamahalin ko.

But still, this is not an ordinary school. This is for gangsters only but no more killing, if you want to enroll here you don’t need to be a criminal. Just consider yourself as a fighter, a fighter and protector to your love ones.

This is Wolf Academy, SCHOOL OF THE GANGSTERS ENROLL NOW!

THE END.

_

5th story done! I hope you enjoyed reading my dear readers. Thanks for the vote and feedbacks that is deeply appreciated!

Drop a feedbacks about this story in the comment section and don’t forget to follow me for more upcoming stories!

Facebook account: Cherryypinks Uchiha

Join my facebook group named: Miss Uchiha's Readers [Cherries Official Group]

Facebook page: Miss Uchiha

©cherryypinks

🎉 Tapos mo nang basahin ang WOLF ACADEMY: School Of The Gangsters [COMPLETED] 🎉
WOLF ACADEMY: School Of The Gangsters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon