CHAPTER 23

5.9K 259 15
                                    

CHAPTER 23

Jedoah Einzo Sawyer’s POV

“Damn Zaul! Bakit mo binigay si Amihra!”

Sigaw ni Corbin. Hindi ko masisisi si Zaul dahil mamamatay siya pag hindi niya ginawa ‘yun pero ibang usapan na pag sinaktan nila si Amihra, uubusin ko ang mga lahi nila.

“Stop it dude, mapapahamak si Zaul pag hindi niya gagawin ‘yun.”

Awat ni Reece kaya pabagsak na umupo si Corbin sa kama.

“Hindi na ako makapaghintay bukas! Gusto ko ng kunin si Amihra!”

Dagdag ni Corbin, napatingin naman ako kay Zaul na seryosong nililinisan ang samurai na hawak-hawak niya.

Makikita ko sa mukha niya kung gaano siya kaseryoso, maging siya alam kong hindi na makaghintay.

“Babawiin ko si Zuri.” Seryosong saad ni Zaul.

“Bakit ang seryoso mo bro, ‘wag mong sabihing gusto mo din si Zuri?”

Kunot noo kong tinitigan si Alija kaya tinakpan niya ‘yung bibig niya.

“Gago mo bro, naging seryoso lang gusto na agad?” natatawang saad ni Reece.

Binalingan ko naman ng masamang tingin si Zaul habang patuloy parin siyang naglilinis ng katana niya.

Akin lang si Amihra, walang pwedeng mapapasakaniya kundi ako lang.

If that fvcking Fox Academy bastards touch my girl, then prepare to die.

_

8:01 AM na.. Dumating na ang pagkakataong hinintay namin habang may kapit-kapit kaming lahat na samurai. Papunta na kami sa battle field at para makuha na namin si Amihra.

Kaming tatlo nina Zaul at Corbin ang lalaban ngayon. Habang sina Reece at Alija, hindi ko na pinapunta dito sa battle field.

Alam ko talagang may mali ako, inaamin ko ‘yun pero sana kahit kamuhian ako ni Amihra ayos lang sakin basta’t ligtas siya sa mga kamay ng mga gagong yun.

Nang makarating na kami sa battle field, tanaw na tanaw namin agad ang tatlong gago na may hawak din silang samurai.

Hinanap ko kaagad ng mata ko si Amihra at nabuhayan ako ng loob nung makita ko siyang nakatayo sa puno.

“AMIHRA! DON’T WORRY! WE WILL WIN THIS BATTLE!!”

Sigaw ni Corbin, tinititigan ko si Amihra pero umiwas siya ng tignin kaya napapikit ako ng mariin.

She’s mad at me.

“Zuri is ours now, bastards.” Nakangising saad ng gagong Zeike.

“Zeike, if you did something wrong to Zuri. This battle field will be your grave.”

Seryosong saad ni Zaul, kaya kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.

Nagpapahalata na ‘tong isang ‘to, mukhang tama nga si Alija, parang may gusto si Zaul kay Amihra.

Tss, dumagdag pa siya sa listahan ng karibal ko tangina.

“I will take care of Arieks.” Saad ko habang nakatingin na sa gagong ‘to.

“LET’S FIGHT MOTHERFVCKERS!!”

Sumugod na si Corbin kay Jerickho habang si Zaul naman, kay Zeike.

Hinanda ko na rin ang samurai ko para sa gagong Arieks na ‘to dahil siya ang sumugod sakin.

Sinasangga ko kaagad ang mga tira ng  katana niya dahil mapupuruahan ka talaga sa talim nito.

“Damn! Your girl is so hot!”

Nakangising saad niya kaya nilabanan ko din siya ng katana ko dahil uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

“DAMN YOUR ASS!!”

Sigaw ko at nakakuha ko ng pagkakataong mailusot ko ang katana sa braso niya kaya dumaplis agad ‘dun kaya napaatras agad siya.

Umagos agad ang dugo at dumaloy ‘yun sa iba pang parte ng braso ng gago.

“Nice Sawyer, you like my sister that much huh?”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng gago, sino kaya ang tinutukoy niya?

“Even she’s my sister.. I like her as my woman..”

“I DON’T CARE ABOUT YOUR SISTER ASSHOLE.”

Madiing tugon ko sa sinabi ng gago at akma ko siyang tatagain pero alam kong handa siyang makipagsabayan sa mga tira ko.

“You don’t care about AMIHRA?”

Napahinto ako sa narinig ko, at kunot noo ko siyang tinitigan.

“Are you kidding me bastard?”

Seryosong wika ko kaya tumawa siya ng pagak, tangina ano ang ibig niyang sabihin?

“Your.. girl.. is my sister, Jedoah.”

Nakangising sagot niya. Damn! It can’t be!

“..that’s why… we can’t give up.”

Sino ang ama ni Zuri? Sino?! Paano nangyaring kapatid niya ang gagong ‘to!

“….Jerickho is my younger brother, Zeike is the younger brother of Zaul. Nice right? Akala niyo magkapatid kaming tatlo?”

Nagulat ako sa sinabi ng gago kaya napatingin ako sa kinaroroonan nina Zaul. Damn! Kapatid niya pala ang gagong ‘yun?! Hindi niya sinabi samin pero ang importante, dapat makuha namin si Amihra bago ako maliwagan sa lahat.

“Amiraha.. Jerickho.. and I.. are siblings. So we will not let you take Amihra.. away from us..”

Hinigpitan ko sa pagkakapit sa samurai dahil sa sinabi ng gago na ‘to, tangina naguguluhan ako na marami akong itatanong pero si Amihra ang nakataya dito.

Wala akong pakealam kung kapatid man nila si Amihra.

“JUST SHUT-UP AND LET’S END THIS BATTLE!!”

Sigaw ko at nakipagpalitan ako ng tira sa kaniya. Ginagawa niya ang lahat para matamaan ako kaya sinasangga ko ang lahat ng tira ng gago.

Napaatras naman ako dahil natamaan ako ng gago sa tagiliran, nadaplisan niya ako kaya naramdaman kong umagos agad ang dugo.

Hindi ko ‘yun ininda at patuloy ko paring sinasangga lahat ng tira niya.

Kung totoo ang sinasabi ng gagong ‘to, hindi ko parin isusuko si Amihra.




©cherryypinks

WOLF ACADEMY: School Of The Gangsters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon