CHAPTER 21

5.9K 297 13
                                    

CHAPTER 21

Zeike Grayson’s POV

Niyukom ko ang mga kamao ko sa bastardong ‘to, napangisi nalang ako ng pagak dahil kaya nga niyang paslangin ang aming ama, ako pa kaya?

Sa una naming labanan, muntikan na akong mamatay dahil sa katana niya kaya mas lalong nangingibabaw ang galit ko sa gagong ‘to.

“Okay, pero sisiguraduhin kong matatalo ka namin sa laban. Labanan mo ulit ako, katana ang gagamitin natin bukas kasama ang mga bastardo mong mga kasamahan.”

Madiing saad ko kaya nakita kong binaba na niya ang babae at sinandal sa puno pero bago siya umalis, hinalikan niya ito sa pisngi kaya napangisi ako.

He like this girl huh?

“Tandaan mo ang sinabi ko Zeike, I will kill you if something will happen to Zuri. Ipapaubaya ko muna siya sayo, ‘wag mo akong biguin.”

Saad niya habang papaalis na siya sa kinaroroonan namin at Nakita kong naglakad si Jerickho sa kinaroroonan ng babae.

“Don’t touch her Jerick, ako ang bubuhat sa kaniya papuntang dorm.”

Dahil sa sinabi ko, huminto siya habang nakangisi sakin.

“Why? Susundin mo talaga ang kuya mo?” Tanong niya sakin.

“May sinabi ba akong susundin ko ang gagong ‘yun? Ang sabi ko, ako ang magbubuhat sa kaniya.”

Naglakad na ako sa kinaroroonan ng babae, binuhat ko at nagsimula na kaming maglakad para marating na namin ang ‘Fox Academy’.

_

Nang marating na namin ang dorm, umakyat na kami sa ikalawang palapag at pumasok sa unang kwarto.

Pagpasok namin, naabutan kong nagbabasa ng libro si Arieks habang naka sandal siya head board ng kama.

Napansin niya agad kami kaya napakunot siyang nakatingin sa buhat-buhat kong babae.

“Sino ‘yan Zeike?” Tanong niya.

“Ang babaeng gusto natin kunin sa Wolf Academy.” Sagot ni Jerick.

“Lumagas sa boundary ang hangal kong kapatid, siguro may nangyaring masama sa babaeng ‘to kaya may sugat.”

Saad ko habang nilapag ko sa kama ‘tong babaeng buhat-buhat ko.

“Ano ang gagawin natin sa kaniya?” tanong uli ni Arieks.

“Hindi natin siya pwedeng ikama dahil pinagbantaan tayo ni Zaul.” Natatawang saad ni Jerick.

“So.. ibigsabihin siya ang kukunin ng mga hangal na lobong ‘yun?”

“Tama ka Arieks.” Sagot ni Jerick sabay upo sa kamang katabi ko.

Naghanap naman ako ng gamot para gamutin ‘tong babaeng ‘to. Mukhang malalim ang sugat niya sa noo.

“Mukhang.. mapapalaban tayo ng matindi, bukas ng gabi.” Saad ni Arieks sabay lapag ng libro sa kama niya.

“Katana din ang gagamitin natin, at sigurado akong mapapasabak si Zaul. Ang galing niya humawak ng katana kaya magingat tayo.”

Tugon ko sabay gamot sa babaeng ‘to na mahimbing na natutulog. Tss, may ibubunga nga siya dahil napakaganda niya.

Nakapagtataka ang Zaul na ‘yun, sa mga panahong nagsama kami bilang magkapatid wala akong nakikitang mahilig siya sa mga babae pero mukhang nabihag yata siya sa dalagang ‘to?

“What’s the news?”

Napatingin kaming lahat sa pumasok sa pintuan.

Ang bigboss ng Fox Academy, si Imran Haux. Ama nina Arieks at Jerick pero iniba ang apelido para matago ang identity ng mga anak niya para din sa kaligtasan ng bigboss, baka gagamiting pang blockmail pag nagkataon.

Tss, pathetic.

“We’re using Japanese Katana tomorrow night.” Sagot ni Jerick habang nakapikit.

Pero napansin ni Boss Haux na may babae akong ginagamot dito sa kama ko.

“Who is she?”

“Student in Fox Academy, she’s good at fighting.” Sagot ni Arieks.

“Ahmnn..”

Napatingin ako sa babae dahil nagising yata siya kaya umupo ako sa upuan dito sa gilid ng kama ko.

“W-Where am I..”

Bulong niya habang dahang-dahang umupo sa kama. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya nung makita niya kami.

“WHAT THE?! F-FOX—“

“Shut-up, iuuwi ka namin bukas.. pag nanalo sila.. pag hindi amin kana..”

Nakangising saad ni Arieks.

“Paano ako napunta dito mga tarantado?!”

“Hinanap ka ni Zaul sa gubat, lumagpas ka sa boundary kaya nasa teritoryo ka na namin.” Paliwanag ni Jerickho.

“FVCK! May ginawa ba kayo sakin? humanda na kayo pag meron!”

“No.. not yet.” Sagot ni Arieks, mukhang naakit din siya sa katawan ng babaeng ‘to.

“What’s your name?”

Napatingin ang babae sa bigboss habang nakapamulsang nakatingin sa kaniya.

“Zuri Amihra.. Alondra.”

Napakunot ang noo kong nanlaki ang mata ni Bigboss Haux.

“…Alondra?”

Wait, that’s his code name? bakit ‘yan ang apilido ng babaeng ‘to?

“Yes, that’s my mother’s Last name.”

Sagot niya sabay hawak sa sugat niyang ginamot ko na.

“What.. w-what is your mother’s name?”

Kunot-noo kaming nakatitig kay Boss Haux, sa unang pagkakaon parang ngayon lang namin siya nakitang pinagpawisan.

“Amihra Alondra.”

Napaawang ang mga labi niya nung marinig ang sagot ni Amihra.

Wait? WHAT THE FVCK?! Parang narinig ko na ang pangalang ‘yan?!

That is the name of boss Haux second wife!! Don’t tell me.. she’s the daughter of The Big Boss?!

“Why are you looking at me like that?”

Napatingin ako sa kinaroroonan nina Jerickho at Arieks, makikita sa mukha nilang nabigla sa sinabi ng babaeng ‘to dahil nasabi na rin sa kanila ni boss Haux ang tungkol sa pangalawang asawa niyang iniwan dahil naging lider na siya dito sa Academy.

©cherryypinks

WOLF ACADEMY: School Of The Gangsters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon