CHAPTER 12

6.7K 305 26
                                    

CHAPTER 12

Zuri Amihra Alondra’s POV

“Wag mong maliitin ang kalaban.”

Saad ni Jedoah habang nakatingin na siya sakin.

“I know, baka sa sobrang confidence mo natalo ka kaya ‘wag talaga silang maliitin.”

Tugon ko sa kaniya. Kaya natatalo ang kalaban dahil akala nila wala kang kakayahan, ‘wag ganun pre.

“Dapat wala kang sugat pag uwi.”

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tss, maiiwasan ba ‘yun? Masyadong imposible dahil kutsilyo na ang gagamitin mamaya sa sagupaan.

“Hindi mo masasabi ‘yan dahil deadly weapon na ang gagamitin natin mamaya.”

“I don’t care, then wag kang pumunta sa laban at kami nalang makipagsapalaran kaysa mapahamak ka dahil hindi pa kita nakukuha lalo na birhen ka pa.”

Medyo uminit ang ulo ko sa sinabi ng manyak na ‘to, napakaseryoso ang usapan tapos nagawa pa niyang isipin ang bagay na ‘yun?

Napakaserysosong tao ‘tong Jedoah na ‘to dahil tuwing nagsasalita siya, hindi kasing gaspang ng iba naming kasama dahil Pulido siya magsalita pero nasa loob naman pala ang kulo ng tarantado na ‘to.

“Will you please forget it? Intindihin mo ang Misyon hindi ang katawan ko.”

Inis na saad ko sa kaniya.

“Then don’t let your body get hurt while you’re fighting. Dapat walang gasgas ang katawan mo dahil mas lalo kong gasgasan ang taong gagawa ‘nun sayo.”

Seryosong wika niya sabay titig sakin sa mga mata.

“Okay, but I can’t promise that. May kahinaan din ako kaya posibleng mapupuruhan ako sa laban.”

“Lahat naman tayo may kahinaan kaya ‘wag mong ipakita sa kalaban. Understand Amihra?”

Saad niya habang nakatitig ng seryoso sakin. Ang kulit naman nito, pero naaala ko bigla ang sinabi ng mama ko na dapat uuwi akong walang sugat sa katawan.

“I understand, but please stop aiming my body.”

“Bakit? May iba kang gustong lalake na hahawak dyan sa katawan mo? Sino ang lalakeng ‘yun para mapatay ko nang diretso?”

Sunod na sunod na tanong niya.

“Wala akong nagugustuhan pero magfocus ka nga sa misyon Jedoah!”

Bulyaw ko sa kaniya. Kanina pa ‘to eh.

“I will Amihra.”

Tugon niya sakin at biglang ngumiti. Kakaiba ‘tong manyak na ‘to, paiba-iba ng mood.

“I’m jealous here.”

Napatingin naman ako bigla kay Alija dahil sa sinabi niya at ganun din sina Corbin at Reece nakatitig sila samin na halo-halo ang emosyon.

“Fvck dude? You’re jealous? Mas lalo naman ako.” Saad ni Corbin.

“Kung mas nagseselos ka, ganun din ako. Paano ako makaporma kay Zuri kung sabagal si Jed!”

Wika naman ni Reece. Ang sarap nila pagumpuging lahat, parang si Zaul nalang talaga ang matino sa kanila. Buti nalang may natira pa.

“Kung ako sa inyo dude, magparaya na kayo dahil nandyan na si Jed.”

Saad ni Zaul sa tatlo. Napaisip naman ako sa sinabi niya, may posibilidad kayang magustuhan ko ang kagaya ni Jedoah? Siguro pag binago niya ang kamanyakan niya may pagasa pa siguro.

“Don’t worry Zuri, kukunin kita kay Einzo.”

Napatingin naman ako kay River.

“Parang mga tatay na ang tingin ko sa inyo kaya manahimik kayo lalo na kasamahan niyo ako.”

Seryosong wika ko sa kanila. Pero except ‘dun sa ‘tatay’ na sinabi ko, binanggit ko ‘yun sa kanila para tumigil na sa kakadada.

“W-What? Do I look like an old man already?!!”

Sigaw ni Alija. Pfft nakakatawa ang reaksyon niya dahil kinuha pa talaga ang cellphone para tignan ang pgmumukha niya.

“Shit.. pwede namang ‘kuya’ diba? Mas malala ang mukhang tatay, ibig sabihin humuhupa na ang sex appeal ko?”

Saad ni Corbin. Sineryoso nila ang sinabi ko pero bahala sila.

“Wala akong pake kung nagmumukha na akong matanda basta kukunin kita sa galamay ni Einzo.”

Nakangising wika ni River. Nagbuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

“Fvck you bro! Uunahan na kita dude HAHAHA!”

Natatawang saad ni Reece. Imbis na misyon ang pinaguusapan namin, tinuon nila ang kanilang atensyon sa walang kwentang bagay.

“Akin na kamay mo.”

Napatingin naman ako kay Jedoah dahil sa sinabi niya, nakatitig siya sakin habang may kinukuha sa gilid ng pantalon niya.

“Faster.”

Dagdag niya kaya pinakita ko nalang sa kaniya ang kaliwang kamay ko. Napakunot akong may inabot siya sakin na isang kutsilyo.

Kinuha ko naman ‘yun at tinignan, parang 12 inches ang haba tapos kulay asul ang handle.

“Use that, but be careful.”

“Ilang ulit mo na yang sinabi sakin.”

Saad ko sa kaniya habang sinusuri ang kutsilyo na binigay niya sakin. Pero nagulat akong inagaw niya sakin ang kanan kong kamay at kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.

Ano naman kaya ang problema nito?

“Mahaba ang mga daliri mo at kuko, pero hindi mataba at kasing lambot ng unan ko pag hinahawakan.”

Seryosong wika niya na parang kinikilatis niya ng maigi ang kamay ko.

“…but your breast is softer.”

Tarantado talagang manyak na ‘to!

Dahil sa sinabi niya, pilit kong hinuhugot ang kamay ko pero ayaw niyang ibigay!

“Tarantadong manyak ka akin na ang kamay ko.”

Inis na wika ko habang tinitignan siya ng masama pero bigla niyang hinalikan sa likod ng palad ko bago niya binitawan.

Parang nanindigan naman ang balahibo ko dahil sa ginawa ng tarantadong manyak na ‘to brr.

“I can’t wait to be your future husband.”

Dagdag niya, ay gag—wala pa nga tapos asawa na kaagad?! Binubugaw na ako sa sarili niya!

“Bro’s may gulo sa labas.”

Napatingin naman ako kay Alija dahil sa sinabi niya kaya nagsitahimik lahat ang mga tao sa loob ng classroom dahil may naririnig kaming sigaw na parang nahihirapan.

Tumayo kaming lahat at naglakad palabas para tignan kung ano ‘yun.

Pero napaatras ako nung makita kong may estudyanteng kinakaladkad ng isang lalakeng may katandaan, nakita kong may tattoo rin siya sa braso katulad ni Mister Wolfy kaya masasabi kong siya rin siyang guro.

“Code name: Eyes breaker, hinahatulan ng kamatayan dahil peke ang kaniyang pinasang requirements dito sa Wolf Academy School of the Gangsters. He has no crime record.”

Saad ng guro habang kinakiladkad niya parin sa hallway ang isang lalake.

Dahil sa narinig ko, bigla nalang ako nanlamig.

Paano nalang kung nireview nila ng mabuti ang requirements ko? Siguradong makikita ko na si kamatayan.


©cherryypinks

WOLF ACADEMY: School Of The Gangsters [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon