Lockdown # 8

884 70 0
                                    

GAB'S POV


Isang linggo na ang nakalilipas na kasama kong ma lockdown itong si Zack.
Noong una lagi kaming nag aaway pero nitong nagdaang mga araw  nakakapanibago ang ikinikilos niya.

Minsan kinakain narin niya ang mga niluluto ko at naging casual lang kami sa isa't-isa which I think na better, kaysa sa palagi kaming nag aaway diba?

Ewan ko ba ang akala ko ehhh di ko na makakasundo itong bakulaw na ito. Pero BOOOOM! Ayan di na kame masyadong nagaaway.

Hindi nga ba?

Narito ako ngayon sa lamesa at kumakain ng agahan, pinaghanda ko narin sya
Actually lagi ko na itong ginagawa pakikisama lang ba.

Lumabas na si Zack sa kanyang kwarto at nagtungo sa banyo upang maghilamos usual na ginagawa niya tuwing umaga.
At pagkatapos ay pumunta na sya sa lamesa at umupo narin.
Gusto ko pa sana syang batiin kaso baka sabihin nito na feeling closed naman ako masyado kaya minabuti ko nalang na itikom ang aking bibig.

Nakakabagot naman kumain puro kubyertos lang ang nagsisilbing ingay sa pagitan naming dalawa.
Kapag tinitingnan ko naman siya yuyuko at iiling ito.
Pag di naman ako nakatingin siya naman ang titingin.

Hayyyy buha ang gulo mo!

Di ko na keriii ang katahimikan kaya umisip ako ng sasabihin para magsimula ang conversation naming dalawa.
Tamang tama
Nakita ko ang quarantine pass na nakalagay sa taas ng ref. Naisip kong mamalengke ngayon kase ubos narin naman ang stock namin dito.

"Hhhhhmmmmm zack?"
Tawag ko sa kanya. At nakita ko naman na lumingon ito parang pinapahiwatig niya na ituloy ko ang sasabihin ko.

" ahhhh ehhhh aalis sana ako mamaya. Bibili ako ng stock natin dito baka may ipapabili ka?" Tanong ko rito. Umayos ito ng upo at humarap sakin.

"Lalabas ka? Pwede na ba? Baka mahawa ka ng sakit? Wag ka nang tumuloy baka kung ano pa-" di na nya natuloy ang sasabihin nya sa di ko malamang dahilan.

Teka??!
Kelan pa sya naging concern sakin?!!
Aba ano nakain neto?!

Tiningnan ko sya na may halong pagkabigla dahil di ko ine-expect na may concern pala sya sakin. Medyo kinilig ako sa part nayon.

"Teka kelan ka pa naging concern?" tila di makapaniwalang tanong ko rito.
Bigla namang nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko.

"Tsssk! Di ako concern no!" Tanggi nito sabay kunot ng noo.

"Kelan man di ako magiging concern sayo!"
Awtsss naman ang sakit naman ng sinabi nya.
Akala ko naman ito na ang simula ng pagiging maayos namin sa isat-isa prank lang pala ang lahat.

Asa pa more!!!!

"Akala ko naman kase concern ka sorry naman!" Sagot ko rito.
Jusme ito nanaman ata kami akala ko tuluyan nang nawala ang bangayan naming dalawa yun pala ehhhh nagbakasyon lang at ito na yata ang muling pagbabalik nito.

Let's now get ready to rumble!!!!!!

" ang sabi ko wag ka ng tumuloy lumabas baka mahawa ka pa ng sakit. Syempre kapag nahawa ka uuwi ka rito at akong inosente at walang kamuwang muwang mong kasama mahahawa mo pa. Ang akin lang, concern ako sa sarili ko hindi sayo gets mo?"
Mahabang paliwanag nito. Kadaming sinabi
Di nalang sabihing ayaw niyang mahawa ehhhhhh batukan kita sa atay eh gusto mo?!

" Ewan ko sayong bakulaw ka ikaw na itong pinakikisamahan ehhh ikaw pa itong galit?!" Nakapamewang kong sabi, tumayo ito at may dinikot sa bulsa. Inilapag nya ang one thousand pesos sa lamesa.

Aba manyaman pala ang lalaking ito?!

" ayan ipambili mo ng pagkain. Baka kase isumbat mo pa sakin ang pagkaing kinakain ko rito."
Saad nito sabay balik sa kwarto.

Nako nako nako!! Nakakaimbyerna na ang lalaking ito ang sakit sa bangs!!!











Kinuha ko na ang quarantine pass at ang ID ko para lumabas na at pumunta sa grocery at syempre di dapat kakalimutan ang face mask para narin sa ating proteksyon baka kase mahawa ako syempre uuwi ako dito at baka mahawa pa ang bakulaw

BWESIT SIYA AKALA KO PA NAMAN CONCERN SIYA!!!!

(sa mga hindi nakaka alam ang quarantine pass ay ginagamit noong panahon ng pandemya upang mag karoon ng access makalabas ng bahay, minsan lang ito sa isang linggo at kung wala ito haharangin ka at pababalikin sa loob ng iyong tahanan.)





Lalabas na sana ako
Nang biglang may kumatok.
Kilala ko na kung sino ito.
At pagbukas ko tama nga ang hinala ko  na si Steve ito.
Siya lang naman ang taong nagpupunta rito ehhhh...

" ohhhhh bakit narito ka?" Gulat na tanong ko rito.

"Tulad ng dati" sagot nito sabay tawa pa alam kong si Zack ulit ang ipinunta nya rito kaya naman tinawag ko ito.

"BAKULAW!!!!! TAWAG KA NG KAIBIGAN MO!!!!!" Sigaw ko naman. Alam ko kasing maririnig ako nito mula sa kanyang kwarto.  sa mala megaphone ko ba namang sigaw ewan ko nalang kung di niya pa marinig yon.

At lumabas na ang ang bakulaw sa kanyang lungga as ussual nakakunot parin ang noo.
Next time pa-plantsahin  ko na ang noo nito Para naman sa susunod na magkakaharap kame ehhh deretso naman ang noo niya.

" ooohhh ano?! Ganyan ka lang? Wala man lang bang pagbati sa butuhin mong kaibigan?"
Prangka kong sabi rito ngunit inirapan lang ako nito.

Aba aba aba! Ako lang ang pwedeng gumawa niyan sa pamamahay na ito!
Hindi si Steve at lalong hindi ikaw!

AKO LANG!!!!!

"Hoyyy huwag mo akong iniirapan jan depungal ka dukutin ko mata mo ehhh!" Banta ko rito at ang depungal hindi nagpatinag.

"Gawa!"
Aba sinusubukan mo ako lalaki ka ah

Tinalon ko siya at hinawakan ko ang leeg nya upang di sya makapiglas. Kunwari kong dudukutin ang mata nya pero mali ang nagawa ko.

Dahil noong hawak ko na ang batok nya nagkalapit ang mga muka namin.
Nagkatitigan kami.

Ngayon ko lang na realize na ang gwapo pala talaga itong si zack.
Medyo may naramdaman akong kabog ng dibdib. Hinawakan ko ang dibdib ko pero di sakin galing ang pagkabog.
Kaya noong aktong hahawakan ko ang dibdib ni Zack bigla ako nitong itinulak.

"Tskkkk! Jan ka na nga! " sigaw nito sabay walk out...

Hala pikon!!!!



DON'T FORGET TO VOTE!

LOCKDOWN ( GAY X STRAIGHT )Where stories live. Discover now