Lockdown # 17

713 61 1
                                    

-AUTHOR

Noong mga oras na natapat kay gab ang bote laking tuwa ang naramdaan ni steve dahil sya ang magtatanong rito.

" Truth or Dare? "
Nakangiti niyang tanong kay gab

" Dare!! "
Ang sagot rin ni gab at pinantayan ang energy ni steve

"Ok, I dare you to tell in front of us what you like and you don't like about guys?"
Sa kabila ng katanungang ito namumuo ang excitement kay steve dahil isa ito sa paraan para malaman ang mga susunod na hakbang niya para unti-unting mapalapit kay gab.

" actually i already answered this question once." Paunang salita ni gab at saglit niyang sinulyapan si zack dahil sa kanya niya ito nasabi noon.
Ngunit bigla itong nagiwas ng tingin na ikinalungkot niya.

" ayoko sa lalaki ang sinungaling at mapaglihim. " yun lang ang sinabi niya habang nakayuko ito wari nahihiya dahil sa tatlong gwapo pa niya sinasabi ang mga ganitong bagay bagay.at isa pa straight ang mga kasama niya kayat malaking hiya ito para kay gab.

" why? " kabang tanong ni steve.

" natanong mo na ako, at sinagot ko na walang follow up question!" Birong saad ni gab na pilit pinagagaan ang atmosphere sa loob ng sala.

Habang naguusap sila.
Abala naman si kyle sa pagtext sa kanyang girlfriend.
At may nalaman itong sikreto tungkol sa kaibigan niyang si zack.
Dahil nadulas si pam at nasabi sa boyfriend niya na inlove si zack pero di nila alam kung kanino.
At may nabuong idea sa utak ni kyle.

Noong pinaikot nilang muli ang bote Gulat ang naramdaman ni zack dahil sa kanya ito natapat nang tingnan niya si kyle bigla itong ngumiti ng nakakaloko.

" truth or dare "
Nakangiti paring tanong ni kyle.

Napalunok ng laway si zack sabay sabing
" truth... "

" are you inlove? " walang ano ano'y tanong nito sa kaibigan.

Dahil sa tinanong ni kyle nasamid sina gab at steve.
Kinakabahan mang sagutin ang tanong ni kyle wala na itong nagawa pa.

" oo." Mahinang saad niya at bahagyang tumingin kay gab.
At sa mga oras naiyon si gab naman ang umiwas ng tingin.

" Oo inlove ako.... at sa lahat ng inlove ako ang duwag. " nais pa sanang idagdag ni zack ngunit di nalang niya itinuloy.




Noong nag-iwas ng tingin si gab di niya alam kung bakit biglang kumirot ang kanyang puso. Di niya alam kung bakit parang hindi niya nagustuhan ang sinagot ni zack.

" punta muna ako sa kwarto." Biglang nasabi ni gab.
At tuluyan na ngang pumunta sa kanyang kwarto at sumalampak sa kanyang kama.


Noong umalis si gab bigla namang tumawag kay kyle ang kanyang girlfriend na si pam.
Nais man niyang mag-stay wala syang nagawa dahil they need to talk privately.
Kaya sa huli ang natira nalang ay si zack at steve.

" bro congrats! " ang bati ni steve sa kaibigan niya.

" so who's the lucky girl? " ang tanong pang muli nito kay zack.

" s-she's M-my classmate in elem days." Kabang sagot nito wariy di maamin na si gab ang napupusuan niya si gab na bakla at hindi babae.

LOCKDOWN ( GAY X STRAIGHT )Where stories live. Discover now