PANIMULA

17.7K 279 24
                                    

Pagkababa namin ni kuya vince sa sinasakyan naming jeep, ay agad akong namangha sa laki ng gate na nasa harap ko ngayon. May nakasulat ditong “WELCOME TO UNITED PARANAQUE SUBDIVISION 2”, pakurba ito sa pinakataas ng gate. Sa gitna naman ay may mini guardhouse, na nagbabantay sa papasok at lalabas na mga sasakyan o mga tao. Tahimik ang paligid at konti nalang ang mga sasakyan , halos puro malalaking truck nalang ang pumapasada. Sa tabi ng subdivision ay merong isang Convenient store. 7/11 ang pangalan nito. Pero nakakapagtaka .. bukas ito pero man lang ni isang tao. Huh ? Ito ba ang maynila ?

“Kuya, ang ganda pala dito sa subdivision na tinitirahan niyo”, ako habang nakatingin parin sa harapan ng subdivision. Naghihintay ako ng sagot mula sa kuya ko, pero wala ako naringig ni isang salita mula sa kanya, paglingon ko sa aking kaliwa ay nagulat ako ng makita kong wala na sa tabi ko si kuya, muli akong lumingon sa kanan ko naman, wala pa rin siya. “kuya naman oh ayoko makipagbiruan sayo . . .”, ako na kinakabahan na. Agad akong lumingon patalikod, dahil sa malaki ang pakiramdam ko na nasa likod si kuya at tinataguan lamang ako. Nagulat ako ng tumalikod ako, dahil wala akong nakita kahit anino man lang ni kuya, lalo kong ikinagulat ng makita kong wala na ang mga gamit na dala namin , ang mga bag . .  karton . . halos lahat nawala, kasama ng pagka-wala ni kuya. Kinilabutan ako sa idiyang iniwan ako ni kuya sa harapan ng subdivision na ito.Pero tinibayan ko ang loob ko naging positibo ako, at inisip kong tinaguan lang ako ni kuya.

Halos wala ng mga sasakyan na pumapasada, tanging ako , ang kalsada, ang street light, mga puno, simoy ng hangin at tunog ng mga insekto ang kasama ko. “ano ba itong nangyayari??”, tanong ko sa aking sarili. Natatakot na ako dahil biglang may naringig akong sumisitsit.

SsssssssssssssssssT …. 

Ringig ko mula sa loob ng gate ng subdivision. Hindi ko alam kung bakit unti unting humahakbang ang aking mga paa, papasok sa kulay puting gate. “kuya vince ikaw ba yan?”, mahina kong tanong, kahit mahina yun alam ko mariringig ito, dahil sa tahimik ng paligid. SssssssssssssssssT …. Muling naringig ko, kinikilabutan na ako sa mga oras na iyon pero hindi ko alam kung bakit patuloy parin ang paglapit ko. Pakiramdam ko nagtatayuan na ang mga balihibo ko sa buong katawan. Hindi ko namalayan nasa harap na ako ng gate. Halos ang puting mga street light na nasa kalsada sa loob ng subdivision ang nakikita kong nagbibigay ilaw sa dadaanan. Pagkapasok ko ng gate, tumingin ako sa may munting guardhouse at wala akong nakitang gwardiya na nakatambay dito. Pero may ilaw sa loob nito, may telepono sa loob, may batuta at may nakasabit na yuniporme. “Asan kaya yung nagbabantay dito”, ako na naweweirduhan na sa nararamdaman at nakikita ko.

SsssssssT … SsssssssssssT …. Muli ko nanaman naringig ang pagsitsit na iyon, pero wala parin akong alam kung sino ang sumisitsit. Dalawa ang pumapasok sa isip ko, ang gwardiya o si kuya . Pero positibo parin akong si kuya ang tumatawag sa akin. “Kuya .. humanda ka sa akin pag nakita kita … nakaka’inis ka na talaga”, ako habang nakayakap na ang aking mga sariling kamay sa aking katawan dahil sa lamig. Nagsimula na ako maglakad sa magandang kalsada ng subdivision, magaganda ang mga bahay at higit sa lahat malalaki. Pero kinikilabutan parin ako dahil sa parang nasa gitna ako ng isang gubat at nag-iisa lang, na tanging mga alitaptap lang ang nagbibigay ng liwanag. Muli akong lumingon sa aking likuran, baka sakaling naroon si kuya, mabilis akong tumalikod, pero wala parin akong nakita. Bigla akong kinilabutan ng makitang kong nagpapatay sindi yung mga ilaw ng street light. Hindi ko alam kung bakit bigla naging ganun, nagpapatay sindi ang ilaw ng guardhouse yung tipo bang, horror, movie ang effect. Muli nalang ako humarap at napalunok nalang ako na para bang natutuyuan na ako ng laway, “Oh my God anong nangyayari sa akin?, nasa’n kana kuya”, yan ang pumapasok sa isip ko sa mga oras na iyon. Hindi ako nagpa-apekto sa nakita ko, kahit takot na takot na ako, pinilit ko parin maglakad. Naglakad lakad ako .. pero nararamdaman ko hindi natatapos ang paglalakad ko na para bang pabalik balik lang ako sa aking nilalakaran. Napagod ako sa paglalakad, natigil ako sa tapat ng isang bahay na may upuan sa harap .. Na-upo ako at nagpahinga agad ko naman kinuha ang cellphone ko at tinignan kung may nagtxt, pero hindi ko makapa ang cellphone ko sa aking bulsa, “asan na ang cellphone ko”, ako na tila balisa na … Pero nagulat ako ng naringig kung muli ang sitsit.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now