Chap (23) - When a Jhonny-Han hurt's by Falling inLove !

8.1K 122 36
                                    

               

“ Anong kaguluhan diyan sa Likuran ? !!!”, isang malakas na pagsigaw na nanggagaling sa Microphone mula sa may Tapat ng Flag Pole. DahiL sa takot na rin na may makakita sa aking faculty ay tumayo na ako sa Tulong na rin ng pag-alalay ni Joey. Sobrang nakakahiya yung pakiramdam ko tuwing napapabaling ang mga mata ko sa mga tao sa Paligid. “ Loko yun ah .. may kasalanan ka ba dun Dennis ? “ , Tanong ni Joey Sabay pulot sa bag ko na nahulog din sa pagkalupasay ko kanina. “ Mahabang kwento Joey “ , tapos binigyan ko siyang piliT na ngiti. Buti nalang tahimik na yung Paligid dahiL at di na masyado nakatingin sa akin yung mga Uchusero , dahiL nagsisimula na yung Flag ceremony . “ Sige hindi kita pipilitin Ikwento yan sa akin , Pero mangungulit pa rin ako tandaan mu yan “, siya sabay Tinapik niya ako sa Likuran . “ AAlis ka na ? “ .. bigla kong natanong sa kanya , parang kasing di ko kayang mag-isa muna , Ramdam ko parin kasi yung panliliit .. ANg totoo gusto ko ng Karamay . :’(

               

Ngumiti siya sa akin .. “ kaylangan denz eh, kasi may nag-iikot na teacher dito, baka makuha tong i.d ko pag malaman niyang sa iba ako nakapila “ , mabilis niyang paliwanag. “ ganun ba sige ayus lang .. “ , malungkot na sagot ko sa kanya . “ Pero sabihin mo lang sa akin kung .. may butiking nangulo sayo at di ako magaatubiling paduguin ulit nguso nun “, Paringig ni joey kay Mark na pilit masid sa amin na tiyak gustong makinig sa pinag-uusapan namin . Kahit nga nasa malayo ang Baklang yun , yung Leeg talagang pinapa-ikot niya para lang makasagap ng Tsismis .. Tama nga si Joey Butiki siya. Pagkatapos sabihin yun ni Joey .. umalis na sa pagkakatingin sa amin si Mark na nag-iwan pa ng irap .” Okay lang ako Joey , kaya ko na yang butiking yan .. subukan niya lang gaguhin ako, ngayong mainit ang ulo baka ma-ispreyan ko siya ng baygon eh “ Nilalakasan ko nalang ang loob ko kahit natatakot ako na titigin ng mga tao. “ Sige ganito nalang , mamayang recess sabay tayo .. sunduin kita sa classroom niyo “, siya sabay hintay sa magiging reply ko . “ Ah sige hintayin kita ah .. “, sagot ko naman . Umalis na siya pagkatapos nun .

               

“ Sino yun ? “ , isang lalaki yung nagsalita sa aking likuran . Pagtalikod ko agad kong nakita si Threz, Puno ito ng ngiti sa kanyang mga labi . napansin ko rin yung naka-ukbit sa kanyang likuran .. Isang Gitara . “ Yun ba ? Si Joey yun , new friend ko “, sagot ko sa tanong niya . “ Kaibigan o Chicks mo ? “, tanong niya na may kakaibang aura sa mukha , yung parang seryosong naiinis. “ Chicks ???? LoL di kami talo nun , TomBoy yun noh “, sagot ko naman sa kanya . “ Ah ganun ba ? “ , nakangiti na niyang tanong .. “ Oo “, ako sabay ngiti rin sa kanya . “ Sayang ganda pa naman niya .. “, Si Threz . “ Crush mo ? “ , tanong ko sa kanya .. “ Kung babae lang sana siya heheheh .. Hmm nakita mo na ba sila Billy at Louie ? “, tanong niya . “ Hindi pa nga eh .. kokonti palang tayo “, ako sabay tingin sa paligid at nakita ko yung isang Teacher na nagiinspect sa mga studyante sa kabilang Linya. Agad akong tumalikod at sinenyasa si Threz, nagets niya naman agad yun at Tahimik na kaming sumunod sa Ceremony.

               

Pagkatapos ng “ Panatang Makabayan “ .. may inanunsyo ang isa sa faculty na nasa harapan. Tinawag ito ng may hawak ng microphone at nagpalit sila ng pwesto.

Faculty Teacher:

“ magandang umaga sa mga nag-gagwapuhan at nag-gagandahang Studyante ng Dr. Mendez Academy ( High School Campus) .. I’m Mrs. Lita K. Asiso, a chemestry Teacher . Nais ko lang ipaalam sa lahat ng section na may Klase ngayong umaga sa Subject na science .. nais kong ipaalam na wala kayong klase sa kadahilanang Maghuhurado ang inyong Science teacher Para sa Science Investigatory Project ng mga 3rd Year student natin, at para naman sa lahat ng Juniors Maghapon po ang S.I.P .. at ang tatlong mananalo sa inyo ay Ipapadala ang inyong project para sa National Competetion. At sa mga section naman na wala ng science subject pagdating ng hapon , Pwede na kayong bumalik sa room niyo and wait for your teacher . Pero yung mga may Science subject ngayon .. Pumunta na muna kayo sa may GYM at magiging audience kayo .. So yun lang ang aking panawagan . Walang uuwi ! walang magcucuting .. nakasara ang gate at wla sa inyong pwedeng Lumabas at wala rin gagala sa Loob ng campus, Just go to the GYM or to your respective room kung may Klase kayo .. So my dear students 8:30 ang simula ng S.I.P … “

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Where stories live. Discover now