Chap (47) - A Botanist Birthday [4]

4.6K 132 48
                                    

Bawat isa sa party ay may keyk ng kinakain, pagkatapos kase ng pagblow ni Xavier ng kandila ay agad na mang inislice yung keyk at ibinahagi sa lahat ng naroroon. Ganun din tulad ng iba ang sarap ng mga kwentuhan naming tatlo habang kinakain na yung fruit flavored na cake.

Si Xavier nandun siya sa pwesto ng mga pinsan niya, kame naman ay pinag-uusapan yung mga bagay-bagay na nakikita dito sa paligid. Si Kuya Ricky at kuya Joe, ang cool parin at cute pa din.

GoodBoy na rin sila tulad ni Xavy.

Bigla naman ay nagsalita si Tito Arman gamit yung microphone. “Iistorbohin ko na muna kayo, may simpleng game akong inihanda para sa lahat. Para naman mag-enjoy tayo. Sino ba gusto?”

Bahagyang umingay yung paligid. Tila nagbubulungan sa sinabing iyon ni Tito Arman.

“Nakikita niyo ba yung Maze Garden diyan?”—Mabilis namang sumang-ayon yung crowd. halatang excited na sila sa magaganap. Lalo na ako, super excited na ako. “May pakonswelo akong ipapagawa sa inyo, wag kayong mag-alala may premyo ito mga bata”

“Simple lang ang gagawin, bubuo kayo ng isang grupo na may tatlong miyembro. At sa aking nakikita base sa lahat ng naririrto, gusto kong bumuo ng apat na grupo. Isang grupo para sa mga kapamilya namin, isa para sa mga kaklase ng anak ko, isa para sa mga ispesyal niyang bisita at isa para sa mga ininvite ko. Pero teen lang po sana .. kaya mga kumpare’ kumare di na muna tayo pwede”—Nagtawanan yung mga hindi na teen na tinutukoy ni Tito Arman.

“Kuya Joe, Kuya Ricky Sali tayo .. daliii”

“Anu ba gagawin dennis? Hindi kame mahilig sa ganyan”—Sagot naman ni Kuya Joe. “Madali lang yan.. may hahanapin daw tayo sa loob nung maze nila”, sagot ko naman.

“Hindi pwede..”—Biglang may lumitaw na boses sa aking likuran. Pagtingin ko ay si Xavy yun. Bigla akong sumimangot.

“May sugat yan si Dennis mga pre kaya kayong dalawa nalang, kuha nalang tayo dun sa mga klasmeyt isa”—Lalong sumimangot yung mukha ko. EWAN!!

Para akong bata na bigla nalang umalis at baon ang inis na pakiramdam. Bawal daw, hindi naman na nga masyadong masakit tong sugat ko ehh. Dun ako sa gilid sa hindi mataong lugar.

Alam ko namang sinundan niya ako. “Uy Uy Uy.. san ka pupunta?”—Habol niya ng lalayo pa sana ako. “Hindi naman ako kasali diba? Ehhh di uuwe nalang ako!”

“Bat diyan ka papunta? Dapat dun ka sa kabila”—

“Dun ko sa Treehouse gusto umuwe ehh, bakit ba?!”—Totoo yung inis kong pinapakita sa kanya. “EHh di samahan na kita sa bahay natin..”—Nakangiti nitong pahayag.

“Ewan.. Ewan.. Ewann.. dito nalang ako sa damuhan mahihiga! Kung hindi ako makakasali dun sa laro”—Mabilis akong humiga dun sa damuhan!

“Uyy anu ba? Tumayo ka nga diyan.. Sige na Sige na.. Maglalaro ka na”—Mabilis akong tumayo at napatingin sa kanya ng napakasaya.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon