Chap (47) - A Botanist Birthday [1]

3.5K 119 22
                                    

Lumipas ang Sabado’t Linggo hindi na talaga si Threz nagparamdam neither sa mga kaibigan niya. Kahit anong means ng communication hindi na namin siya maka-usap. Hindi na ito nagrereply sa mga text at hindi na rin gumagana ang number ng cellphone.

Hindi ko alam kung anong problema. Ganun din sila Louie nagulat nalang na bigla namang nagpaalam sa text si threz. At yun ang huling paramdam nito sa kanila. Nakakalungkot tuwing gabi, wala na akong maka-usap,wala na ring nagdidilig kay Bonsi.

Pero alam ko balang araw magkikita rin ang aming landas, at sisiguraduhin kong mananagot siya sa akin! Kainis siya!

Nandito ako sa labas ng eskwelahan, naka-upo ako dito sa waiting shed. Kainis kase yung sugat ko lalong namamaga. lalong sumasakit. EHhh ayoko pa naman makita to ng mga kuya ko kaya nililihim ko pa.

Magpapatingin nalang ako kay Ate Grace at Kuya Mond sa Clinic mamaya. Hmmm kayalangan ko ng tumayo at baka malate na ako ng husto. Siguro mga trenta minutos na akong naka-upo dito at tinitiis ang sakit.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob, Pumipitik yung sugat ko sa kirot. Napapapikit nalang ako. Hindi naman na ako pinansin nung guard kaya dirediretso na akong naglakad.

Nasa loob na ata ang lahat, todas late nanaman ako! Kakasimula palang ng Second Grading! Pangako ko sa sarili ko na mag-aayos na ako sa pag-aaral ehh! Pag-aaral na nga lang meron ako sa buhay bukod sa pamilya’t mga kaibigan ko. Di ko nanaman nagagawa ng maayos.

Epic Failed nanaman §_§

 

Ang layo ko pa sa building 1. Pero kayo ko toh! Kayang kaya! Aja! Nang nagsimula na ulit akong maglakad ay biglang may bumangga ng bahagya sa aking tagilliran.

NATUMBA AKO.

Nanaman!

Paupo ako nun sa daan, kainis napakaclumsy ko. Konting pwersa lang tumba naman agad ako. Angggggg sakit pa naman ng sugat ko.. Huhuhuhuhuhuhu

“Arayy..”—Habang pinipisil-pisil ko yung bandang tuhod ko na may sugat. Gusto ko ng bumulagta. Lord anu ba tong nangyayari sa akin. (¬_¬")

“AwwwwwChhhh sakit talaga”

“Huy anung nangyari sayo?”—Isang pamilyar na tinig ang biglang nagsalita. Sa hindi ko alam na kadahilanan biglang tumibok ang puso ko.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon