Chap (25) - My AMNESIA Boy ! Wehh di nga ?

5.1K 66 31
                                    

“ Wag mong sabihin papa-api ka diyan sa lalaking yan .. “ , Napatingin ako kay Joey ng maringig ko ang mahinang komentaryo niya. Pero may point siya ! Kaylangan kong Lumaban sa mga masasamang Banat ng Ganny na ito !

               

“ Huh ? kasasabi mo palang kaya ng Pangalan mo kaya alam ko … tanga lang kuya ? “

               

HaHAHAHAHAHAhahahahahahah !!!! , Tawanan yung mga nasa Loob ng Room. Nakita ko naman sa mukha ni ganny na naiinis siya. Kung siya di niya ko kiLala Pwes .. Magpapakilala ako, Narealize ko na masama pala talaga ugali niya. Aha !!! kung Ganyan siya sa akin .. So Mr. Ganny Mendez !! Meet Dennis R. Hernandez AGAIN … !

               

“ Apir ! “ , Umapir sa akin si Joey na nilahukan ko naman. Gusto kong ipakita kay Ganny na Hindi ako apektado sa pagtrato niya sa akin. Eh wala akong magagawa tadhanan na ata ang Muling nagpatagpo sa amin eh.

Pero Nag-aalala parin ako kay Joross kaylangan ko talaga siyang maka-usap. Ayokong mag-away nanaman kame .. Paulit-Ulit nalang kaya lage tampuhan namin , Kung hindi ako , siya naman. Pupuntahan ko nalang siya mamaya.

               

“ Shut Up !!!” , Bigla nalang Kumalampag yung Board, nagulat ako at napatingin nakita ko yung mukha ni ganny parang gusto ng manapak .. Pero di niya yun kayang Gawin Lagot siya sa Kuya Zhabby niya :-D

               

“ Eh bakit mo naman tinatawag pangalan ko ! “ , sigaw niya ulit. “ Eh nagpaparingig ka eh .. masama bang mag cellphone dito sa Loob ? “ , Sagot ko .. Naka-upo lang ako nun at nakatingin lang sa cellphone ko. Tapos natahimik na yung Paligid pagkatingin ko .. nakita kong nakatayo na siya kahilera yung ibang Janitor, Nakasimangot ito at halatang inis na inis. Ngayon na pala simula ng parusa niya kala ko next week pa . Hahahahahahahahaha Kawawang Ho-Oh!!!

               

“ Ahhhh okay? sige continue na natin tong Meeting ha? “ .. Halos two hours yung Meeting na naganap. Pinaliwanag ng lalaki na Kame ay ang Team Mahogany. Binubuo lang kame ng 25 members : 11 Girls at 14 Boys .. hindi pa kasama dun si kuyang nagsasalita at yung tatlong Janitor. Mahogany tree yung naka-assign na puno na aming itatanim. AT hahatiin daw kame sa apat na Grupo .. 7 member ang mapupunta sa Leader at tig anim sa tatlong Janitor. Bunutan ng number ang aming Ginawa .. Buti nalang sa huLi parehong ‘4’ ang Number na nabunot namin ni Joey kaya magkagrupo kame !!!

               

Bukas nalang daw sasabihin kung sino ang Leader sa aming Group. Sinulat din nila sa BlackBoard yung mga dadalahin. Bahala na daw ang school mag Provide ng Planting Equipment at ang tanging dadalahin lang daw namin ay : Personal Clothes , Tent at mga sabon at iba pa. Kaylangan din daw namin magdala ng Uniform para sa Seminar Every AfternooN.

==================

               

Pagkatapos ng Meeting ay naglabasan na ang Lahat. Pero sabi ko kay Joey ay may hihintayin kame. At di naglaon paparating na siya !! Here’s come the DeviL na. Dadaan siya sa amin .. Pero dirediretso lang ang Tingin. Humiwalay siya sa mga kasama niya na ewan ko kung saan ang Punta. Wala naman tao masyado kaya Trip kong mangulit. “ Hi Ganny .. “ , bati ko sa kanya nung naglakad siya sa harap. Tumigil siya .. Tumingin sa Likod at parang tumatanaw at may hinahanap .. Tapos nagpapanggap siyang walang nakikita. Nang wala naman kunwari nakita nagkibit balikat siya at namulsahang Tumalikod at Muling naglakad.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon