Prologue

21 6 0
                                    


Warning:This story is not perfect. It contains typos and grammatical errors.Read at your own risk.

~~~
Tagaktak na ang pawis ni Dianne pero hindi nya ito alintana.Todo kayod sya para may makain sila ng kanyang kapatid.Kahit anong trabaho ay pinapasukan nya,magkapera lang.Tumatanggap sya ng mga labahin at umekstra-ekstra din sya sa pagkukumpuni ng sirang mga gamit gaya ng electric fan.Bata palang ay nakahiligan nya na ang pagkukumpuni.At ang talento nyang ito ay ginamit nya para mapagkakitaan.

Kuskos dito kuskos doon.Binilisan nya ang pagkukuskos dahil may tatlong naglalakihang basket na punong puno ng labahan ang nag-iintay sa kanya.Day-off nya ngayon sa pinapasukang maliit na restaurant pero hindi sya nag-abalang magpahinga.

Sa gitna ng kanyang paglalaba ay sumagi sa isipan nya ang napaka-cute na mukha ng kapatid nya.Ang matatambok nitong pisngi at mapupula nitong labi kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya.Nagpakawala sya nang hangin at muling itinuon ang sarili sa labada.

"Isang basket nalang..." Bulong nya sa sarili.Nakaramdam sya ng labis na gutom,na nakasanayan na rin naman nya.

"Ate nasaan si Johann?" Nakangiting tanong ni Dianne sa kay Aling Ising.Si Aling Ising ay ang kanyang mabait na kapit-bahay.Nasa mid sixties na ito ngunit batang bata pa kung kumilos.Hindi mo rin aakalaing senior citizen na sya dahil sa taglay nitong ganda.Kakamatay lang ng asawa nya noong nakaraang taon at wala sila ni isang anak.Malaki ang utang na loob ni Dianne kay Aling Ising.Pinapatuloy sila ng kanyang kapatid sa bahay nito at ito rin ang nagkukusang magbantay sa makulut nyang kapatid.Speaking of kapatid...

"Nandon sa bahay ng kalaro nya"

"Ahh" nilagay nya sa maliit na lamesa ang supot na dala-dala nya kanina pa.Binilhan nya kase ng pansit ang kapatid nya.

"Bumili ako ng paborito ni Johann,Ate.Siguradong matutuwa yun"na-iimagine nya na ang masayang mukha ng kapatid nya habang kumakain.

" Mabuti at marami-rami ang niluto ko.Siguradong lalantakan yan ni Johann"humikab sya dahil sa pagod na nadama.

Kailangan ko na atang matulog

"Day off mo ngayon pero tumatanggap ka parin ng labada.Masyado mo namang pinapagod ang sarili mo,baka magkasakit ka nyan"dinig nya ang pag-aalala sa boses ng matanda.Ilang beses nya na itong narinig at paulit-ulit lang din ang sinasagot nya.

"Huwag kang mag-alala,Ate.Kayang kaya ko ang sarili ko.At saka,nag-iipon pa ako para sa susunod na taon ay maka-college na ako" malawak ang ngiti nya.Umiling-iling ang matanda,tila ay nauubusan na ng pag-asang makumbinse nya itong tigilan na ang pagtatanggap ng mga labada.

"Gusto ko pong makapagtapos" pagpapatuloy ni Dianne.Kumikislap ang mga mata nya habang sinasabi nito.Marami syang pangarap sa buhay at isa na roon ang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho.Tumigil muna sya sa pag-aaral dahil mas inuna nya ang pag-aaral ni Johann.

"Kaya naman kitang pag-aralin,eh" mahinang litanya ni Aling Ising.Mabilis syang umiling.Sapat na sa kanya ang tulong na binigay ni Aling Ising sa kanya.Mag-iisang taon na rin silang nakikituloy at nakikikain sa matanda kaya sapat na yun para sa kanya.Gusto nyang may mapatunayan sya.Ayaw nyang iasa kay Aling Ising ang lahat.

Nakakahiya na

"Masyado na pong nakaka-" hindi sya pinatapos ng matanda.

"...nakakahiya.Hindi naman po pwedeng iasa ko nalang sa inyo ang lahat.Marami na po kayong naitulong sa amin ng kapatid ko at tatanawin ko po yun na utang na loob" ang matanda na ang tumapos sa dapat na sasabihin ni Dianne.Malakas na tumawa si Dianne.Talagang memorize na ng matanda ang nakasanayang sinasabi nito.

His LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora