Maagang nagising si Dianne dahilan para mapangiti siya.Ito kase ang unang beses na nagising siya nang hindi pinupukaw ng mama niya kaya ganito nalang talaga siya kasaya.Nakangiti siyang bumangon at matunog na bumuntong-hininga.Lumabas siya sa kanyang kwarto at agad na tinungo ang kusina at doon niya namataan ang mama niya na halatang nagulat nang makita siya.Napahagikhik ang batang si Dianne habang tinatanaw ang ina niyang hindi maipinta ang mukha dahil sa gulat.

Ilang sandali bago siya tumahan sa kakatawa kaya humakbang na siya patungo sa high chair at pinanood ang galaw ng ina.

Natakam siya at narinig ang pagtunog ng kanyang tiyan habang nililibot ang tingin sa pagkaing nasa hapag.Amoy palang ay masarap na kaya talagang natatakam siya.

Nagsimula na siyang kumain at dinama ang sarap ng pagkain.

Wala talagang kupas ang galing ni mama sa pagluto.

Nang matapos kumain ay saka lang siya bumalik sa kwarto para makaligo na.May isang oras pa naman kaya hindi na siya nagmadali.Ilang minuto bago siya natapos sa pagligo at agad niyang sinuot ang bago at mabangong uniporme na tinahi ng mama niya.

Ang ngiti ay napalitang ng nguso nang maalala ni Dianne si Jones,ang makulit niyang kaibigan.Ubos ang baon niya kahapon dahil nilibre niya ang kaibigan at wala siyang balak na ipagsabi ito sa kanyang Ina dahil alam niyang papagalitan siya nito.

Dumating na ang sundo niya kaya patakbo niyang tinungo ito.

Recess nang magkita ang dalawa at napangiti si Dianne nang mamataan ang kaibigan na wagas na ang ngiti na tila nanalo sa lotto.

"Marami na ang pera ko kaya libre ko na ngayon!" Napakalaki ng ngiti nito na parang nanalo sa loto

"Bibilhin ko ang buong canteen!" Pabirong usal ni Dianne at nanlaki ang mga mata niya nang tumango lang ang lalaki at mukhang sineryoso ang biro niya.Napangisi ang batang si Dianne habang nagsisiliparan ang masasarap na pagkain sa isip niya.

Ilang sandali at nasa tapat na sila ng canteen kung saan natanaw niya ang nagsisiksikang tao na nag-aagawan sa pila.Napasinghap ang dalawa habang tinatanaw ang napakataas na pila.Nagkatinginan sila at sabay na na bumuntong-hininga.

Tatlo ang canteen dito ngunit nasa malayo pa ito at kapwa silang tinatamad maglakad.Kaya napagpasyahan nilang pumirme nalang sa pwesto at hintayin na humupa ang pila.

Ilang minuto ay dininig din ng diyos ang panalangin nila.Sabay silang pumili ng makakain at tinuro lahat ni Dianne ang gusto niyang kainin.Hindi naman niya narinig na nagreklamo si Jones kaya nagpatuloy siya sa pagpipili.Bakas narin ang pagtataka ng tindera sa dami ng binibili nila.Namimilog ang mga mata nito habang nakamasid sa dalawang bata.

Tantiya ni Dianne ay nasa two hundred na lahat kaya tumigil na siya at nakangiti niyang binalingan ang kaibigan na mukhang wala lang sa kanya ang dami ng binili niya.

Si Jones na ang pumili at kagaya niya,marami din itong binili dahilan para magsinghapan ang mga tindera.Nilagay nila ang lahat ng pagkain sa isang malaking cellophane at natatawang tinalikuran ang mga tinderang halos lumuwa na ang mga mata sa gulat.

Limang minuto bago magsimula ang klase kaya nagmadali sila sa pagkain.Ilang sandali pa'y nabusog si Dianne at hindi niya na kayang ubusin pa ang mga pagkaing nasa harap niya.Minasahe niya ang kanyang tiyan saka nakangiting binalingan ang kaibigan at doon niya nakita si Jones na patuloy parin sa pagkain at mukhang walang balak na tumigil.

Natapos ang araw na iyon na matiwasay.Sa hapon ay kinain na Dianne ang natirang pagkain na hindi niya natapos kanina.
Pagdating niya sa kanila ay namataan niya ang Ina na nagluluto habang mahinang kumakanta.

His LoveWhere stories live. Discover now