"Edi patunayan mo" nabuhay ang katawang lupa ni Jones nang sabihin yun ni Dianne.Ilang beses nya nang tinangkang kausapin ito pero napupunta lang sa pang-aasar.Dito nya lang kase natatago ang tunay na nararamdaman nya kay Dianne.Kabaliktaran lahat ng sinasabi ni Jones.Kapag tinatawag nya itong panget ibig sabihin nagagandahan sya dito.

Kaya ganun nalang ang pagdiriwang ng mga taba nya sa katawan nang mabigyan sya ng pagkakataong maging kaibigan sya nito.Marami syang kakilalang batang babae pero tanging kay Dianne lamang sya nagkainteres.Hindi nakokompleto ang araw nya kapag hindi nya ito naasar.Mabilis syang tumakbo patungong bahay at napakagaan ng pakiramdam nya.Sa wakas ay magiging magkaibigan na sila.Patalon-talon pa ito habang pumapasok sa kanilang bahay.Bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ng kanyang stepmother. "Saan ka galing!" Napatakip sya ng taenga.Parang masisira ang eardrums nya sa sigaw ng matanda.Minsan nang natanong ni Jones sa kanyang papa kung bakit masamang babae ang muling minahal nya.Maganda nga ito pero salungat nun ang ugali."Dyan lang po"mahinang sambit nya.Pagdating sa kanyang stepmother ay tumitiklop sya.Makita mo ba naman ang mala dragon na mata.
"Lakwatsero ka talagang bata ka?"hinampas sya nito sa kanyang pwet kaya umiwas sya nang akmang sasamplain sya nito,na palaging ginagawa nito sa kanya.11 years old na si Jones at namulat na sya sa kalupitan ng mundo.Maayos naman syang pinapakain(which is very obvious) nito araw-araw.Nakakaligo naman sya sa isang malinis na tubig at nakakahiga sa malambot na kama.Tanging ugali lang ng stepmom nya ang hindi nya masikmura.Palagi sya nitong pinapahiya sa mga kaibigan at yun ang ayaw na ayaw nya sa lahat.Nakakabawas daw kase ng pagkamatcho.Sa isang taon ay isang beses lang umuuwi ang papa nya.OFW ito at ito ang nagpapadala ng pera para sa kanila.Alam nyang maraming kulang sa buhay nya,isa na roon ang kawalan nya ng nanay.Palagi nyang tinatanong sa kanyang papa at ang sagot nito ay matagal na raw itong patay.Kahit nga litrato ng tunay na mama nya ay ipinagkakait ng kanyang papa.Naguguluhan na talag sya kung totoong patay na ito,bakit nababakasan nya ng takot ang papa nya.Bakit parang ayaw nitong makilala kung sino ang totoong mama nya.Litrato lang talaga...kahit litrato lang sapat na sa kanya.

Sigurado syang chubby ang mama nya.Ang papa nya hindi naman mataba kaya walang may ibang salarin kung bakit mataba sya kundi ang matabang mama nya.
"Ano pang tinutunga-tunganga mo dyan?!Magsaing ka na!Litse!Nagugutom na ako!" Galit na galit ito.

"Kung ikaw gutom...MAS ako" sambit nya sa isipan nya.Nakayuko syang dumaan sa gilid ng stepmom nya para tumungo sa kusina.Sumisipa na ang mga alaga nya sa tiyan kaya kailangan nya na itong mapakain.Hinanda nya na ng bigas at rice cooker. Pinagsawalang bahala nya nalang ang siagw ng stepmom nya mula sa sala dahil walang makakagiba sa magandang mood nya ngayon.Ngumiti sya sa kawalan nang maalala ang panget na mukha ni Dianne.

***

Napasandal sya sa counter ng bar nang medyo sumakit ang ulo nya.May isang mestizang babae ang lumapit sa kanya at hinawakan ang braso nya.Hapit na hapit sa katawan nito ang suot na red dress.Sinungaling sya kung hindi nya sasabihing nagagandahan sya sa babae.Mas nilapit ng babae ang katawan nito sa kanya dahilan para kumuskos ang mayayamang dindib nito sa kanyang dibdib.

"Hey handsome.What's your name?" Mapang-akit na tanong nito sa kanya.Kapag tinitingnan ni Jones ang babae ay may espesyal syang taong naalala.Mabigat  ang pinagdadaan nito ngayon kaya naisipan nynag pumunta sa ganitong lugar.Ang unang punta nya dito ay dahil lang sa mga kaibigan nya.Birthday ng isa sa kanila kaya nagkayayaan.Kaya pangalawang beses na to.

Habang mas tumatagal ay nakikita nya si Dianne sa babaeng kaharap nya ngayon.Ang makikinis nitong balat.Lasing na nga talaga sya.Sandali syang pumikit at naramdaman nyang hinalikan sya nito.He kissed her back dahil sa isipan nya ay si Dianne ang kahalikan nya ngayon.

"Dianne..." Mahinang ungol nito.Tinulak sya ng babae at tinaasan sya ng kilay.

"I already told you that my name is Daisy not Dianne!Kanina ka pa Dianne ng Dianne?"naalimpungatan si Jones ng mapagtantong hindi si Dianne ito.Nilayo nya ang katawan ng babae.Tumayo na sya at iniwan ang nakatungangang Daisy.

"Bakit pa ba kase ako pumunta dito"pumasok na sya sa kanyang kotse.Kahit lasing ay nagdrive pa rin ito.

Huminto sya tapat ng isang bahay.Bumaba sya at tumingala sa kalangitan.

"This is my home" usal nya.Kumatok sya at tumambad sa kanya ang isang matanda.Bakas sa itsura nito ang gulat.Hindi nya akalaing muli itong babalik.

"Iho..." Umikot ang paningin nya.
"Magandang gabi po,manang" sinuklay nya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.Halata sa itsura ng binata na nakainom ito.
"Abay gabi na.Hali ka't pumasok ka muna" pagewang pagewang syang lumakad kaya inalalayan sya ng matanda.Noon pa man ay ganito na sya,madali syang malasing.Kahit isang baso pa lamang ang naiinom ay hilong-hilo na sya.

Umupo ito at sa isang malambot na sofa at hinilig nya ang kanyang ulo.Laking gulat na lamang nya nang may sumampal sa kanya.Pilit nyang idinilat ang kanyang mga mata.Nakikita nya ang nakakatakot na itsura ng babaeng mahal n mahal nya.Tumawa ang binata.
"Hoy tabatchoy! Bat ka nandito?at lasing ka pa talaga!Napakabasagulero mo talaga kahit kailan!" Sigaw nito sa kanya.

Bago sya nawalan ng malay ay narinig nya pa ang malulutong na mura ni Dianne.

His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon