3

5 1 0
                                    

Pinayagan syang gumala ng mama nya kaya ganun nalang ang pagkasaya nya.Dali-dali itong lumabas ng bahay.Kahit ang simpleng ambon ay hindi nya inalintana.Nabo-bored sya sa loob ng kanilang bahay,wala kase itong kapatid.Palagi syang humihiling na sana ay biyayaan sila ng isa pang anghel.At kung magkakaroon pa sya ng kapatid,mas bet nya ang babae.Ok lang din naman sa kanya ang lalaki pero mas gusto nya kapag lalaki.

Sa palagay nya kase kapag lalaki ang magiging kapatid nya ay hindi ito magkakasundo.
Humarang sa kanya ang matabang si Jones habang sinserong nakangiti kay Dianne.Nagkibit balikat si Dianne.

"Ano mang-aasar ka na naman?tapos ano?tatawagin mo akong pangit?" Hindi parin nawawala ang sinserong ngiti mula kay Jones.

"Bumait ka ata ngayon,tabatchoy? Ay!Baka may new victim ka na!Kawawa naman sya.Tapos ano?Ano na naman ang nilalait mo sa kanya?tinatawag mo ba syang panget hahaha" napatingin sya sa paligid.Maraming bata ang nakatingin sa kanila ngayon.Medyo napalakas kase ang boses nito.
Tumahimik si Dianne at pinagmasdan ang batang lalaki na hindi nangangawit kakangiti.

"Hoy,magsalita ka nga..." Mahina na ang boses nito.

"Baka akalain nilang binubully kita"wala pa rin itong respose sa kanya.
" So anong pangalan ng bago mong victim?"umiling ito sa kanya.Nalito sya sa sinagot ng lalaki.

"Bakit ka umiling?Hey,magsalita ka nga"nagmumukha na syang baliw kakatanong sa isang tao na ayaw sumagot.

" Bwaaaaaahhhhh"malakas na tawa ni Jones.Nakahawak pa ito sa kanyang malusog na tiyan.Napahiga na ito sa lupa at nagpagulong gulong.Ang puting t-shirt ni Jones ay mababakasan na ng putik.Umulan kase kahapon kaya medyo maputik pa ang daan.

"Tabatchoy, tumayo ka nga dyan.Pinagtitinginan na tayo.Mahiya ka naman" hindi sya nito naririnig dahil mas nangigibabaw ang tawa ng lalaki.

"Yung malaking tiyan mo oh..nakikita na.Mahiya ka naman"

Oo nga pala,hindi pala nakakaramdam ng hiya ang tabtchoy na to

Kung hindi ka titigil talagang iiwan mo na ako.Tumigil nga ito sa pagtawa at tumayo ito ng tuwid.Sumaludo pa ito sa kanya na parang isang sundalo.Tumikhim ang lalaki bago nagsimula.

"Hi Dianne.Anong ulam nyo ngayon?"

Wala talagang ibang maisip kundi pagkain

"Ay mali....Hi dianne,Kumusta ang araw mo ngayon?" Para itong robot kong magsalita.

"Ngayon lang ako nakakita ng tabatchoy na robot"

"Kain tayo ng chitchirya?libre mo!"

"Ikaw ang nakaisip!Ikaw dapat ang manlibre"napakamot sa ulo si Jones at may binulong bulong.Mukha itong problemado.

" Bakit ganyan ang mukha mo?tara punta na tayo ng tindahan?"

"Aahh ehhh ano kase eh"
"Ano?" Sabay tanong ni Dianne.

"Wala akong ano.."

"Anong wala kang ano?Tigilan mo nga yang ano ano mo,anuhin kita dyan eh.Oh ano na?"

"WALA AKONG PERA"

"Libre ko nalang" kinapkap ni Dianne ang kanyang bulsa at dumukot ng bente.Pinakita nya ito sa lalaki at nagngitian silang dalawa.

***
'Di mapakali si Dianne.Napapatayo sya bigla at bigla ring babalik sa pagkakaupo.Halo halong emosyon ang nararamdaman nya ngayon.Galit sya kase muling nagpakita ang lalaki at laseng pa talaga ito.At may parte sa kanya na nasisisyahan sya kase walang nangyaring masama sa lalaki.Mag drive ba naman kase ng laseng.
Gusto nya sana itong palabasin kagabi pero nagdadalawang isip sya.Buong gabi syang nakatunganga sa loob ng kwarto.Kung dati ay alas diyes ito natutulog ngayon ay magdamag itong gising.
Inasikaso nya ang lalaki kagabi.Pinalitan nya ito ng damit.

Alas siete na ng umaga.Tumayo ito at tiningnan si Johannes.Mahimbing pa rin ang tulog nito.Dumiretso na sya sa banyo para maligo.Bago mag alas nueve ay dapat nasa trabaho na sya.

Pagkatapos nitong maligo at magbihis ay sya ring pagkagising ng kapatid nito.Pumungay ang mata ng kapatid nya ng makita ang ayos nya.

"Alis ka na?"

"Mamaya pa..naghahanda lang ako" tumango ito sa kanya.Pinagmasdan nya ang pag-alis nito sa kwarto.

"May isa pa pala akong dapat na asikasuhin" sinuklay nya ang kanyang buhok at pinatuyo.

Pagdating nya sa sala ay bumungad sa kanya si Jones at Johannes na masayang naglalaro.Napairap sya.Agaran nyang sinugod ang lalaki at hinampas sa dibdib.Pero sya pa ata ang napaatras sa paghampas nya.Mukhang hindi man lang ito natinag.

Ang utak mo kasing tigas lang ng dibdib mo,tss

"'Wag mo nga syang saktan!" Sigaw ng kapatid nya sa kanya.Kataka-taka sapagkat close na ang dalawa.Sa ibang tao ay mailap ang kapatid nya pero pagdating kay Jones ay ibang-iba ito.
Sa palagay ni Dianne ay ginayuma ng lalaki ang kapatid nya.

"Hali na't kumain na tayo"katabi nya na ngayon ang matanda.

" Susunod na po kami,Ate"umalis na ito.Nakay Jones na ang atensyon ni Dianne.

"Pwede ka ng umalis" pagtataray nito.

"Why so rude?"

"Oo nga!" Pagsesecond voice ng kapatid nya.

"Pake nyo!Ikaw naman Johannes, punta ka na ng kusina at kumain na.And you.....the door is waiting"

"Bakit ba ang supla-suplada mo?....." Hindi pa rin nakakaalis ag bata.Desidido talaga itong kampihan ang lalaki.

"Hindi ka naman ganyan kay Roy,ang bait bait mo nga sa kanya.Eh mas gwapo naman tong si Kuya Jones kaysa sa Roy na iyon" Dinungaw nya ang maliit na bata na masama ang tingin sa kanya.

"Roy?" Tanong ni Jones.

"Huwag ka ngang magsalita dyan,naiirita ako sa boses mo!"

"Sinong Roy,Johannes?"

"Yung taga-kanto.Tuwing sabado at linggo ay pumunta yun dito.May mga dala pa ngang bulaklak at pagkain.Huwag kang mag-alala koyz,di hamak na mas astig ka kaysa run"

"Pag hindi ka pumunta sa kusina...talagang pepektusan na kita" sabi nya na puno ng awtoridad.Napabuntong hininga sya nang sumunod ito sa kanya.

"Ngayon pwede ka ng umali-"

"Iho,kumain na tayo!Dali na,Dianne"

"Inimbitahan akong kumain ni Ate.Masamang tumanggi sa grasya" nakangisi na ito sa kanya.Dinaanan lang sya nito.

"Bwesit" bulong bulong nya.Wala syang ibang magawa kundi ang kumain kasama ang lalaking kinasusuklaman nya.At baka malate pa sya sa trabaho kung mag-iinarte pa sya.

Sinandukan nya si Johannes.Hindi nya alam na palihim syang tinititigan ng lalaki.Napakatahimik ng hapag kainan.Tumikhim ang matanda.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo,Iho?"

"Opo"

"Lasing kang pumunta dito.Hindi ba delikadong magdrive nang lasing?" Tahimik lang na nakikinig si Dianne.Naghahanap sya ng tyempo kung kailan sisingit.

"Kaya ko naman po"

"Ang sabihin mo basagulero ka lang talaga" mahina pero may diin na sabi ni Dianne.Sya lang ang nakarinig ng sinabi nya.

"Ano yun,Dianne?" Tanong sa kanya ng lalaki.Umirap lang sya dito.

Kung maka pronounce ng pangalan ko.Kala mo close tayo

"Wala,ang sabi ko napaka-good boy mo" at peke itong ngumiti.

His LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin