Bukas na ang pasukan kaya ganun nalang ang pagkaexcite ni Jones.Bago kase ang mga gamit nito kaya nasasabik syang gamitin na ang mga ito.Dalawang linggo na ang lumipas simula nang naging magkaibigan sila ni Dianne.Kung minsan ay inaasar nya ito subalit hindi na ito kagaya ng dati na nagagalit kapag inaasar ngayon ay tinatawanan nya nalang ito.

Sya lng mag-isa ngayon sa bahay at kung nasaaan ang stepmother nya ay hindi nya alam.Nilinis nya ang bahay kagaya lamang ng utos nito bago umalis.

Lumabas na rin sya ng bahay para magwalis sa kanilang bakuran.Palinga-linga pa ito sa paligid,tininitingnan nya kung daraan ba si Dianne.

Makalipas ng ilang sandali ay napagod si Jones kaya nagpahinga muna sya ng saglit.Humiga sya at hinayaan ang mga matang pumikit.

Napamulat sya sa sigaw na narinig.Sigaw na nakasanayan nya na.

"May patulog tulog ka pang nalalaman,ni hindi ka pa nga nakakapag saing napakatamad mo talagang bata ka" pinili nya na lang na tumahimik dahil wala din namang mangyayari kung sasagot sya.Mas lalo lang sya nitong sisigawan.Nagmartsa ito papunta sa kusina at naiwan syang malalim ang iniisip.

"Kailan kaya uuwi si papa?" Tanong nya sa sarili.Tumayo si Jones at hinimas ang tiyan.Nagpaparamdam na ang mga alaga nya.

"Oh,baon mo 'yan at pagkasyahin mo sa isang linggo" napanguso ito ng makitang bente pesos lang ito.Para sa kanya'y kulang pa ito,balak pa naman niya sanang ilibre ang batang si Dianne.Agad itong umayos nang makitang nanlilisik na ang mga mata ng stepmom niya.

"Anong nginunguso-nguso mo diyan?Pasalamat ka't binigyan pa kita!" Padabog itong umalis at halos matakpan niya na ang kanyang tenga nang sinigawan siya nito.

"Anong tinuntunga-tunganga mo diyan?Kilos na!" Muli itong napanguso.Kakatapos pa nga lang niyang kumain tapos magtatrabaho agad?Hindi talaga uso sa kanyang step mom ang salitang"pahinga"

"Bakit ka nakabusangot diyan?" Umaliwalas ang mukha ni Jones nang makita ang kalaro.Tumayo ito para magkalevel sila ng tingin
"May umaway kasi sa 'kin" Si Jones na tinutukoy ang kanyang malditang step mom.

"Sino?Tara!Suntukin natin!" Si Dianne na animo'y isang boxing champion.Kahit papaano'y gumaan ang loob ni Jones.

"Hindi mo pa siya sinusuntok nakain ka na nun"sabi niya,medyo natatawa.Biglang napaatras sa takot si Dianne kaya agad niyang binawi ang sinabi.

"Syempre,joke lang yun!" Tumawa silang pareho.

"Sabay tayo mamayang uwian,ah!" Maligayang sambit ni Dianne at tumango si Jones.Naghiwalay sila ng daan para tumungo sa kaniya-kaniya nilang classroom.

"Libre mo na ako ngayon,ah" agad na nagbaba ng tingin si Jones,'di nito alam kung papaano magpapaliwanag.Kulang na nga sa kanya ang dalang baon.Kasalan talaga 'to ng step mom niya!

"Anong problema?Bakit ka malungkot?May umaway ba sayo?" Medyo galit na tinig nito.

"Hindi.Hindi kase kasya ang pera ko ngayon" malapad na ngumiti si Dianne sa kanya.

"Yun lang naman pala!No probs! Edi libre ko!" Nagdadalawang-isip pa si Jones.Nahihiya na kase ito,palagi nalang kase siya ang nililibre.Gusto niya ng bumawi.

"Dali na,libre na kita!" Nanatiling walang imik si Jones at tinitigan si Dianne na abot hanggang langit ang ngiti.

***

Tinitigan niya ang dalaga habang kausap nito si Johannes.An unknown feeling touched his heart while seeing them talking.Hindi niya alam pero may nararamdaman siyang kakaibang koneksyon sa bata.

Sinuri niya ang bata na ngayon ay nakabungisngis na tumingin sa kanya.He smiled back,hindi kayang hindi suklian ang mga ngiti nito.

Napakurap siya nang magtama ang mata nila ng dalaga at bigla ay nawalan siya ng boses.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Bagama't masungit ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matuwa.Para sa kanya,kahit magsungit ito ay tatanggapin niya basta magkausap lang sila.

"Just staring" pinilit ni Jones na hindi mautal dahil talagang nakakahiya kapag nangyari 'yun!

Be brave,Jones!Para saan pa't naghintay ka ng ilang taon?

"Kailan mo balak umalis?" Pagtataboy sa kanya ng dalaga at ang naiinis na mukha nito ang mas lalong nakapagpangiti sa kanya.

Napailing sa kanya ang dalaga at binalik ang atensyon sa anak.Tila binalot ng kasiyahan ang buong sistema sya habang tinatanaw ang magkapatid.

Kung hindi kayo magkapatid,aakalain ko talagang anak ko 'yan

Napailing siya at winaksi ang mga ideyang napakaimposible.Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya mula sa bulsa kaya agad siyang tumayo para sagutin ang tawag.

Umarko pataas ang kaliwang kilay niya nang makita ang caller.

"Yeah,Papunta na" and he ended the call.Bumaling siya sa dalaga na mariin ring nakatitig sa kanya.Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Jones nang nakitang iritado ang mukha ni Dianne.At kahit imposible,hindi niya mapigilan ang sariling mangarap na may 'feelings' pa sa kanya si Dianne.

"Sister" nakangiti niyang usal.Napabuntong-hininga si Dianne at hindi makakatakas sa paningin niya ang pagngiti ng dalaga.

Hindi narin siya nagtagal at nagpaalam na siya.Labag sa loob siyang humakbang papalabas bago narinig ang sigaw ng bata."Ingat,papa!"agad niya itong nilingon at nagkawayan silang dalawa.

Nangako si Jones kay Dianne na hindi na siya muling magpapakitavsa kanila,pero hindi niya alam na may nakakaloko na naman palang plano ang lalaki.

Umupo siya sa kanyang swivel chair at tinitigan ang mga tambak na papeles sa lamesa.

Napalitan ng saya ang dating busangot na mukha nang muli niyang maalala ang dalaga at ang nakakatuwa nitong kapatid.Tinuko niya ang isang braso at tumingin sa itaas at tila doon pinapanood ang magandang imahe ng dalaga.

"I miss you" he whispered. Napasinghap siya nang maputol ang malalim niyang pag-iisip dahil sa isang tawag.

"Sir,Mr.Ramos and the other officers are here" napahawak sa kanyang batok si Jones at napapikit sa inis.

Kailan pa ba 'ko titigilan ng mga taong 'to?

"Fine.I'll be there in five minutes" madiin niyang binaba ang phone at nilapag sa table.Napahilamos siya sa kanyang mukha.

Kailan pa ba mauubos 'tong problema ko?!

Matamlay siyang tumayo at pinilit ang sarili na makahakbang kahit gusto na talaga ng katawan niya na humiga sa malambot na kama.Bagsak ang brasong tumungo siya sa private office at doon bumungad sa kanya ang mga taong mukhang kanina pa hinihintay ang presensiya niya.
He pursed his lips in annoyance.

Fuck this job!Fuck this people! Just fucked it all

His LoveWhere stories live. Discover now