Kabanata 15

41.1K 1.8K 728
                                    

Kabanata 15

Lumipas ang ilang linggo at nagbalik ulit kami sa kanya-kanya naming trabaho. It was a typical working day. Busy ang lahat sa trabaho lalo na't may bago na namang ilulungsad ang De Velar. The busy days lasted for two weeks.

"Mahal na mahal ko ang De Velar kaso sobrang strikto kapag may mga upcoming projects. Parang bawal magkamali, kailangan pulido lahat."

Napadantay si Vio sa table namin at napabuntong hininga nang matapos namin lahat ng gawain sa opisina.

Nag-angat ng tingin sa'kin si Vio. "Ikaw, Vera? Alam mo napapansin ko hindi ka naimik sa tuwing ganito. Ayaw mo man lang magrant kahit konti? 'Di ka rin ba naiistress?"

"Nireready niya lang sarili niya dahil mas marami pa ang aasikasuhin niya kapag siya na ang namahala sa mga kompanya nila." ani Raze sabay ngisi.

Tumango ako kasi gano'n nga ang iniisip ko. "Like what Raze said, I just wanted to be ready."

Pinaningkitan ako ng mata ni Vio. "Kahit na! Minsan kailangan mo ring ilabas lahat ng hinanakit mo para gumaan ang loob mo. Hindi 'yong papasanin mo lahat dahil lang sa hindi mo matakasang responsibilidad."

"Lalim no'n, ah. May pinaghuhugutan ka ba?" humalakhak si Raze kaya sinamaan siya ng tingin ni Vio.

Tipid na ngumiti lang ako. "Siguro kaya pa naman kaya hindi ako masyadong stressed."

Kinabukasan ay naging busy ang buong kompanya ng mabalitaan na may bibisitang malaking business partners sa De Velar. Nakita kaagad namin ang masinsinang paglilinis sa bawat sulok ng building maging ang pag-aayos ng mga pwesto ng bawat furniture.

Maging sa loob ng Marketing Department ay naging busy kami sa pag-aayos ng kanya-kanya naming istasyon. Mrs. Flordeliz told us to behave because the new business partners might tour around the building. Base sa pagkasabi niya, mukhang nakatataas at bigatin ang magiging bisita.

"Sobrang bigatin siguro kaya gano'n nalang ang pagkasabi ni Mrs. Flordeliz." pagpupuna ni Vio.

Tumango si Raze. "Halos palitan nila lahat ng furniture at siniguradong bago lahat 'yon para lang sa bisita."

Natigil kami sa pag-uusap nang makarinig kami ng malakas na ingay sa labas, what I meant by labas, sa mismong labas ng building! Nanggaling iyon sa pinakataas na parte ng building!

"Nalindol ba?!" nagpapanic na tanong ni Vio habang nakahawak sa kanyang desk.

"Baka, iyon na ang mga bisita." sabi ni Raze.

"Gago, ano? Nagdala sila ng malakas na hangin?"

"Tanga! Sa chopper kasi!"

Mukhang tama nga ang sinabi ni Raze. Nanggaling nga sa chopper ang ingay na narinig namin kanina. Bahagyang tumigil na 'yon at sa tingin ko ay nakalapag na iyon sa helipad sa tuktok ng building.

Grabe naman 'yong bisita, kailangan sobrang dramatic ng entrance? Ayaw ipa-kotse nalang? Kailangan talaga chopper?

Naghihintay lang kami ng signal mula kay Mrs. Flordeliz kung ano ang gagawin namin. Nagtagal nang halos kalahating oras ay pinatayo kaming lahat nang may pumasok na mga tao.

Maraming nakaitim na suit ang nasa unahan at mukhang mga bodyguards dahil sa naglalakihan nilang katawan. Sa 'di kalayuan, nalaglag ang panga ko nang makita ang pamilyar na mukha na nasa gitna ng grupo ng tao na 'yon.

With his stern face, nang makita ako ay agad itong napangisi.

"Vera, 'yong kapatid mo!" siniko ako ni Vio dahil do'n. "Oh my God, ang gwapo pa rin niya!"

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon