Kabanata 29

36.5K 1.5K 621
                                    

Kabanata 29

Umiyak ako na parang tanga buong gabi. Sobrang nag-alala ako sa kanya at kung saan saan siya hinagilap. Panatag ako na maayos ang kalagayan niya pero sana naman nagsabi siya.

He was with a woman. Hindi naman siguro makakarating ang cellphone niya kung hindi siya lumagi do'n. At hindi rin kaagad ako mag-iisip basta basta. I will wait for an explanation from him. I don't want to conclude anything without even confirming it.

Babae, marahil kaibigan o kamag-anak. Natutulog sa tabi ng babae. Baka nagpapahinga sa bahay ng pinsan niya. Daxel is a kind and genuine guy, I don't see him as someone who can cheat. 

He is a very honest person. Tama, hindi magagawa iyon ni Daxel. I trust him so much.

Me:

Pupunta ako sa office ng maaga. 'Wag mo na 'kong ihatid.

Hindi ko alam kung magrereply pa siya sa text ko. Hindi na rin ako umasa at nagcommute na ako papuntang opisina. Maaga ako nagpunta ro'n at inabala ang sarili ko sa mga paperworks. Gumawa na rin ako ng mga proposal kahit sa sunod na buwan pa kailangan.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang iba pang mga ka-officemate ko. Naging busy kami sa kanya-kanya naming trabaho. Halos pigain ko ang utak ko sa ginagawa para mawala iyon sa isip ko.

"Excellent work, Vera. Natapos mo kaagad ang pinapagawa ko." Ms. Ryla commended.

Ngumiti ako. "Meron pa po ba?"

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. She looked at me with a worried expression.

"Wala na. Maybe you should take a rest first."

Tumango ako at bumalik sa desk ko. Nagbrainstorm na lang ako mag-isa para sa mga isa-suggest kong proposal. I need to occupy my mind with something rather than spending my time thinking about what happened.

Nang matapos ang office hours ay wala sa sarili akong naglakad palabas. Hindi ko na hinintay si Elton at mukhang hindi na rin niya ako tinanong kung bakit ganito ang inaakto ko ngayon.

Dumaan ako sa field at nakita ko kaagad ang pamilyar na pigura ng tao kahit madilim.

He approached me with a smile, like he usually does. Tinignan ko muna siya ng seryoso, naghahanap ng kasagutan sa mga matang iyon. I smiled back.

"Uy nandito ka na pala." nakangiting puna ko.

"Yeah..." he licked his lower lip. "Bakit napaaga ka kaninang umaga?"

"Ah, may tinapos lang akong trabaho."

Tumango siya. "Shall we go?"

"Sure,"

Hinawakan niya ang kamay ko, katulad ng dati. Pinipilit kong ngumiti kahit na parang mahirap. I am patiently waiting for him to tell me. Gusto kong magpaliwanag siya para hindi na muling bumagabag ito sa damdamin ko.

Nagsimula na siyang magdrive pero wala pa ring sinasabi.

Really, Daxel? Wala ka talagang sasabihin?

"Hindi ka pumunta sa party." I started, hoping that he'd get the hint.

Tumango siya. "Pinadala kami sa may Lipa at naging busy sa pagdidiskarga ng mga makinarya."

"Ah, buong araw kayo nando'n?"

"Oo, kaya hindi na ako naka-attend sa party."

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Buong araw silang nando'n? Gaano ba karami ang mga materyales para tumagal sila ng buong araw ro'n?

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon