Kabanata 12

42.4K 1.7K 629
                                    

Kabanata 12

Dumating ang matagal na holiday at nakatengga lang ako sa apartment. Medyo makulimlim ang labas at mukhang may bagyo pa ata. Plano sana namin gumala nina Vio at Raze kaso hindi natuloy dahil sa sama ng panahon.

Si Raze ay umuwi sa kanila at si Vio naman ay umuwi sa probinsya. Nanatili ako sa apartment dahil hindi rin naman ako makakauwi sa'min. Papanindigan ko ang desisyon kong 'to.

"Ma'am, p'wedeng patingin ng ID?" tanong sa'kin ng mukhang bagong guard sa De Velar.

Pinakita ko ang ID ko at pinapasok naman niya ako kaagad. Naisip ko na tutal wala rin naman akong gagawin buong holiday ay iuuwi ko na lang ang trabaho ko sa bahay.

Dala-dala ko ang files ko at lalabas na ng building nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Napangiwi ako at nilabas kaagad ang payong na dala ko. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay nasira kaagad ang payong sa lakas ng hangin. Nakasimangot akong bumalik sa building.

"You need help?"

Nag-angat ako ng tingin para makita kung saan galing ang malalim na boses na 'yon. Standing tall with his formal business attire, Sir Darius is behind me while holding his umbrella.

Napatayo kaagad ako. "Kayo po pala, Sir. Ano pong ginagawa niyo rito, hindi po ba holiday?"

"Said someone who's here on a holiday, huh."

Naitikom ko tuloy ang bibig ko. Sabi na, e, babalik niya pa rin ang tanong sa'kin. Ba't ko pa ba sinubukan?

"Your umbrella's destroyed?" he glanced at the umbrella that I'm holding.

Tumango ako bilang sagot.

Ngumuso siya habang nakatingin sa'kin. "You want a spare? I have an extra in my office."

Nagliwanag ang mukha ko at napangiti sa kanya. Tumango ako at nagpasalamat dahil papahiramin niya 'ko.

"But I won't lend it to you," he said.

"H-Ha? Bakit po?"

"Tinatamad ako bumalik sa office ko. Ang hassle, parang ayaw gumalaw ng paa ko." tinuro niya pa ang binti niya at umarteng tinatamad.

"P'wede naman pong ako nalang ang kumuha?"

Umangat ang isa niyang kilay. "Do you think they would let you in?"

Napahiya ako do'n. "O-Of course, if I could get your permission."

"Do you think I would give you permission?"

Parang gusto kong sabunutan ang buhok ko dahil sa sobrang frustration. Sa tuwing mag-uusap kami palagi niyang binabalik sa'kin.

Why would he say that he have a spare in the first place kung hindi rin naman niya ipapahiram sa'kin 'yon?

Ano ba trip mo, Sir? Nakakainit ka ng dugo, ha.

He chuckled as he watches my reaction. Hindi ko ata napigilan ang sama ng titig ko dahil sa inisip ko sa kanya. Umiling siya habang pinipigilan ang tawa.

"May galit po ba kayo sa'kin, Sir?" hindi ko na napigilang magtanong.

"Why do you think so?" he asked.

"Wala lang po, feeling ko lang."

"Hmm..." nag-isip siya nang bahagya. "I'm still offended on how you pointed out how incapable I am as a CFO."

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko.

Ilang buwan na 'yon, ah? Hanggang ngayon iniisip niya pa rin 'yon? Grabe naman magtanim ng galit 'to.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon