Kabanata 17

40.8K 1.8K 916
                                    

Kabanata 17

Bumungad kaagad sa akin ang napakagandang tanawin mula sa bintana. Puros mga matatayog na puno at malawak na kakahuyan ang makikita. Ang sariwang simoy ng hangin ay sumaboy sa aking mahaba at kulay tsokolateng buhok. Alas singko at wala pang araw nang umalis kami mula sa Manila kaya naman sinalubong kami ng araw sa daan.

Hindi nagtagal ay nakita ko na ang iba't ibang kabahayan. Nang matanto kong may mga kainan roon ay bumaling na ako kay Manong.

"Nasaan na po tayo, Manong?" pagtatanong ko.

"Nasa Lipa tayo ngayon, sa may Batangas."

Tumango ako. "Gusto niyo po ba kumain ng agahan? Ipagbibili ko po kayo."

"Huwag ka na mag-abala, ija. Malapit na tayo at alam kong may hinandang agahan sina Arnelyn doon."

Mas lalong sumilay ang ngiti sa labi ko dahil do'n.

Hindi ko inaasahan na ang pagluwas ay makakapagbigay sa akin ng sigla. I find it freeing because I'm used to traffic congestion and lots of establishments back there, but this quickly made me forget about my worries.

"Welcome sa tahanan namin, ija!"

May matandang babae, na sa tingin ko ay si Tiya Arnelyn na tinutukoy ni Ate Rosie, ang sumalubong sa amin pagkababa ko sa truck ni Mang Balong. The house is a bungalow and the yard is huge. May matatayog na puno at may sari-saring halaman.

May tumulong sa aking mga binata sa mga dalahin. Nagulat pa ako nang mag-agawan sila sa pagbitbit ng mga gamit ko. Agad na pinalo sila ng pamaypay ni Tiya Arnelyn.

"Naku, itong mga binata talaga na 'to, basta maganda, hindi magkakanda-ugaga." panenermon ni Tiya Arnelyn. "Ikalma n'yo nga 'yang mga bayag niyo!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tiya. Nakita kong nahiya 'yong mga lalaki. Inutusan sila ni Tiya Arnelyn na dalhin ang gamit ko patungo sa bakanteng silid ng bahay.

"Maraming salamat po sa tulong ninyo." ngumiti ako kay Tiya Arnelyn.

Tinapik niya ang aking likuran. "Huwag kang mag-alala, ija, welcome na welcome ka rito. Kinwento ni Rosie kung gaano ka kabait at kasipag na bata, kinakailangan namin 'yon dito lalo na't kaka-renovate palang ng pinatayo naming restoran."

"Ah, opo. Nasabi na rin po sa'kin iyon ni Ate Rosie. Salamat po dahil pinaunlakan niyo po ako."

Ngumiti si Tiya Arnelyn at tumitig sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi at marahang kinurot iyon. "Tama nga si Rosie, napakaganda mong bata. May lahi ka ba?"

"Ah, konti po, pero Filipino po ako."

Humalakhak siya habang iginagawa ako papasok sa kanilang tahanan.

Sumalubong sa akin ang maraming mukha, mukhang napakalaki ng pamilya nila roon. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil nakisiksik pa ako at mukhang nagpaubaya sila ng bakanteng silid para sa'kin.

"Magbabayad po ako ng renta, Tiya Arnelyn." sabi ko pagkapasok sa aking kwarto.

Maliit iyon kumpara sa apartment ko pero sapat na iyon para sa'kin. May maliit na kama at aparador, at may maliit na banyo sa gilid.

Umiling si Tiya Arnelyn. "Huwag na, ija, gamitin mo nalang iyan sa pangangailangan mo."

"Hindi po ako papayag, Tiya. Nakakahiya pong tumuloy rito at alam kong naabala pa kayo dahil sa'kin. Hayaan niyo po sana akong makatulong kahit konti." pagpapaliwanag ko.

Nakita kong nag-aalinlangan siya pero hindi kalaunan ay bumuntong hininga nalang.

"Sige, pero sa susunod na buwan nalang. Ibabawas ko nalang sa sahod mo para hindi ka na mag-abala. Ayos na?"

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon