CHAPTER 2

618 16 4
                                    

Happy Reading! ❤️❤️❤️
==================

CHAPTER 2

Malapit na si Aica sa bahay nang mapabuntong-hininga siya.

Nasa bukana pa lang kasi siya ay naririnig na niya ang sigaw ng nagngangalit na tiyahin niya.

Mukhang pinagagalitan na naman nito si Kor, ang isa sa tatlong mga anak nito. Tiyak na tungkol sa pagluluto iyon o kung ano mang gawaing bahay na hindi nito nagawang mabuti.

Ganoon na lang palagi tuwing uuwi siya. Kung hindi siya ay ang anak mismo nito ang nasasabon nito. Pasalamat na lang siya kung hindi siya ang mapagbalingan nito.

Simula nang mamatay ang mga magulang niya noong third year high school siya ay ang nagiisang babaeng kapatid na lamang ng tatay niya ang kumuha at kumupkop sa kanya. Sa murang edad ay naisip niyang sa tiyahin niya mararamdaman muli ang kalinga ng isang ina.

Ngunit iyon din pala ang simula na mararamdaman niya kung gaano kaayaw ng tiyahin niyang nandoon siya. Na dagdag pasanin lang daw siya sa mga ito. Tuwing may magagawa na lang siyang mali sa bahay at madi disappoint niya ito sa kung ano man ang nagawa niya ay iyon na lang ang maririnig niya mula rito. Wala naman siyang magawa noon dahil menorde edad siya, hindi rin naman siya tinuruan ng mga magulang na sumagot sagot sa nakakatanda at tanging ang pamilya na lang nito ang mapupuntahan niya. Ang mga ito na lang ang kamag anak niya.

Gustong-gusto na niyang umalis noon pero pinigilan lang siya ng tiyuhin niya dahil nga sa wala na siyang ibang mapupuntahan at nag aalala ito para sa kapakanan niya. Nagpapasalamat siya dahil mabait ito sa kanya. Tuwing napapagalitan siya ng tiyahin ay ito ang nagtatanggol sa kanya at itinuring siya nitong parang anak na. Parang naging ama na rin niya ito. Palagi nitong sinasabi noon na pagod lang ang tiyahin niya kaya intindihin na lang daw niya.

Sa kakulangan ng pera ay tanging high school lang ang natapos niya. Hindi naman niya magawang humingi ng tulong dahil alam niyang hirap na rin sa pagpapa aral ang mga ito sa tatlong anak. Kaya sa edad na labing anim ay pinili na lang niya ang kumayod at magtrabaho. Natuwa naman siya dahil nakahanap naman siya agad ng mapapasukan kahit high school lang ang natapos niya at nakatanggap na ng sarili niyang pera. Simula naman ng makapag-ambag siya mula sa nasasahod ay dumalang na ang pagpaparinig ng tiyahin niya. At isa iyon sa nagpapalakas ng loob niyang kumayod. Naisip niya kasi na baka sakaling iyon ang maging dahilan para matanggap siya nito.

Nasa harap na siya ng bahay at pinagmasdan niya iyon. Dalawang palapag iyon ngunit maliit lang. Gawa iyon sa kahoy ngunit naisalba naman sila sa mga nagdaang kalamidad. Iyon na ang kinalakhan niyang bahay sa loob ng walong taon.

Pagpasok sa bahay ay mabilis siyang nagmano sa tiyahin. Nagtitiklop ito ng mga sinampay. Habang ang tiyuhin naman niya ay wala roon. Marahil ay nasa kapitbahay. Patuloy pa rin nitong pinagagalitan ang anak nito kaya dali-dali siyang umakyat na at baka mapagbalingan pa siya. Dalawa lang ang kwarto sa taas. Ang isa ay pinagsasaluhan nila ng pinsang babae, habang ang dalawa namang lalaki nitong kapatid ang umuokupa ng kabilang kwarto.

Maaga pa kaya napagdesisyonan niyang sumaglit muna sa malapit na subdivision sa kanila para mag jogging. May park kasi sa loob niyon kung saan may iilang tao na nakakapag jogging. Nang makita niya na iprinisinta ang nasabing magandang park na nasa loob ng Parkwood subdivision sa TV ay nabighani agad siya roon. At talagang gusto niyang mapuntahan. Nagalangan nga lang siya dahil esklusibong subdivision kasi iyon kaya mahigpit ang seguridad doon.

Mabuti na lamang at ka close niya ang isa sa mga kapitbahay nilang gwardya na nagta trabaho roon kaya nakakapasok siya. Ang park lang naman ang sadya niya roon. Nang mapuntahan niya ang nasabing park ay sobrang natuwa siya sa ganda niyon. Sa dami ng halaman ay parang isang napakalaking garden na nga iyon at hindi na parke. At nang makita niyang may mga nag dya jogging doon tuwing gabi ay nakitakbo na rin siya.

Gustong gusto niyang mag relax doon pero gusto naman niyang libutlibutin din ang maliit na park na iyon kaya maano bang i-jogging na rin niya at nakakapag ihersisyo pa siya. Kaya nang maayos niya ang mga gamit ay nagpalit na siya agad ng pang takbo at lumakad na.

==================

How was it?

Any comments?

Votes?

New friends?

Tara, chika 😁

Thanks for reading! ❤️❤️❤️

Posted: June 3, 2020 7:56 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now