CHAPTER 11

352 15 0
                                    

Kisses to all of you! 😘😘😘
==================


CHAPTER 11

Naiinis na yumuko si Matthew sa kanyang office desk at ipinatong ang ulo sa mga kamay. Habang ang pinsan naman niyang si Ice ay kanina pa pabalik balik sa paglalakad sa harap niya.

Nagmamadaling pumunta ito roon sa opisina niya at walang pakundangang nagpasabog ng isang napakalaking problema at kailangan daw niyang mag isip agad ng paraan para masolusyunan iyon.

"I'm really sorry, Matthew. But you need to do this." malungkot na sabi nito. "Ito lang ang naisip nilang paraan para maitama ang lahat ng ito."

Naihilamos niya ang palad sa mukha. Kapagkwa'y tiningnan ang wallpaper ng cellphone.

"Bakit ngayon pa nangyari ito?" daing niya. "Kuya, I just found her! I can't do this." nagmamaka awang baling niya rito.

Ngunit tiningnan lang siya nito na sinasabing gumawa na rin ito ng paraan, ngunit wala na talaga silang magagawa.

He quickly tossed all of the things that's on his desk out of anger.

He can't possibly do this.

Mabilis na tumayo siya, kinuha ang coat at walang sabi sabi na umalis na roon.

==================

"Hay, ganyan na talaga sa panahon ngayon. Sa dami ba naman ng kurakot." Kanina pa talak ng talak si Ate ML. Habang si Aica ay napapangiting naiiling na lang.

May napanood daw kasi itong balita tungkol sa isang tauhan ng anak ng isang mayor na nagnakaw daw ng pondo sa mga ito.

At sa tingin daw nito ay pinalabas lang daw ng mga ito na ang tauhan ang nagnakaw para ang huli ang makulong. Pero ang totoo ay ang mga ito raw ang mismong kumuha.

Hindi niya sigurado kung sa kakanood lang nito ng mga telenovela o base sa mga experiences nito kaya nasasabi nito ang mga iyon.

Sanay na siya rito kaya nagtrabaho na lamang siya. Seryoso siyang nag eedit ng mga picture sa computer para mai print na ang mga iyon. Ang iba ay kina crop naman niya dahil sa tabingi ang pagkakakuha.

Nagpatuloy lang ang pagkukwento nito hanggang sa mapatigil ito dahil tumunog ang chime na nakasabit sa pinto ng shop. Indikasyon na may pumasok na customer.

Nagtaka pa nga siya dahil hindi man lang ito bumati katulad ng lagi nilang ginagawa kapag may dadating.

Maya maya ay tinawag siya nito.

"Hmm?" lang ang sinagot niya. Ayaw niyang lumingon dahil busy pa rin siya sa pag edit at malapit na rin siyang matapos. Kaunti na lang at maisasalang na niya ang mga iyon sa printer.

"Ano iyon, Ate?" tanong niya dahil hindi naman ito sumagot.

Nang hindi pa rin ito sumagot ay nilingon na niya. Nagtaka pa siya dahil nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Nang tinutukan niya ito ng nagtatakang mga tingin ay ngumuso nguso pa ito sa kaliwa nito.

Sa pagbaling niya sa nginunguso nito, ay siya naman ang nanlaki ang mga mata nang makita at makilala kung sino ang itinuturo nito.

"Matthew!" napatayo na siya sa kinauupuan at nilapitan ito. "Paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" pinasadahan niya ng tingin ang itsura nito. Napakagwapo nito sa suot na black slacks at blue long sleeves. Nakatupi ang manggas niyon hanggang siko kaya na emphasize ang ma muscle nitong mga braso.

Mukhang kakagaling lang nito sa trabaho. Hawak pa nito ang coat nito. Magulo rin kasi ang kwelyo ng long sleeve nito na parang kakaalis lang ng necktie. Pero mukha pa ring mabango ito. No wonder nanahimik si Ate ML.

"Sources." Napangiti ito. Syempre ay natunaw na naman siya sa mga ngiti nito.

Kapagkway parang nahiya ito.

"Pwedeng... Pwede ba kitang..." huminga ito ng malalim. "Can I steal you for a while?"

Hindi agad siya nakahuma. Ano naman ang nakain nito at kailangan pa siyang isama nito?

Naunahan naman siya ni Ate ML na sumagot. "Ay oo naman! Ikaw pa!" pagkatapos ay nilapitan siya nito at ito na mismo ang nagtanggal ng nameplate niya sa itim na polo shirt nilang uniporme. Gulat na napatingin na lang siya dito.

"Sige na. Mag half day kana. Okay lang ako dito. Saka wala naman si Boss eh." sunod sunod na sabi nito. Hininaan pa nito ang boses. "Seize the day friend. Minsan lang ito. Tingnan mo nga, parang umalis pa ng trabaho, ma steal ka lang daw niya. Mag enjoy ka. Pakasaya ka naman gurl."

Nagugulat siya sa mga pinagsasasabi nito pero napangiti na rin.

"Salamat, Ate."

"Sige na." iginiya siya nito. Nang makalabas sila sa kiosk ay itinulak na siya nito kay Matthew. Muntik pa nga siyang mabungo kay Matthew kung hindi pa niya nakontrol ang balanse.

"Sige na. Go na! Enjoy! Use protection!" at tumawa ng nakakaloko.

Napailing na lamang siya sa kalokohan nito.

==================

Ano kaya ang problema ni Matthew at ng pinsan niyang si Ice? 🤔🤔

See you po sa next chapter! ❤️
==================

Thank you so much po for voting and following!

Also sa mga nagbabasa pa rin po. Thank you! God bless you all! ❤️

 Thank you! God bless you all! ❤️

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

================== ❤️❤️❤️

Posted: June 24, 2020 4:52 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang