BONUS CHAPTER #2 (PART 1)

280 7 10
                                    

Last but not the least...

Sa part na po ito ninyo mababasa ang first time na makita ni Matthew si Aica.

At ang Point of View ni Matthew ng Wishing Candle part (or Chapter 3) ng story na ito.

May mga aaminin din po si Matthew dito, so...

Happy reading!! Heheh
==================❤️❤️❤️


BONUS 2 (Part 1)

Dahan dahang bumababa si Aica ng hagdan habang hinahanap ang number ni Matthew sa kanyang contacts.

Papunta siya sa kusina upang tingnan doon kung naroon ang cellphone nito. Nakalimutan daw kasi nito kung saan iyon nailapag.

At dahil may kailangan daw itong tawagan ay nagkukumahog nitong hinanap iyon. Ito ay sa mezzanine ng penthouse nito naghahanap, habang siya ay sa baba naman.

Nang marating ang kusina ay tiningnan niya kung naroon ang cellphone, ngunit wala. Kaya nang makita ang numero nito ay tinawagan na niya iyon.

Napatingin siya sa kaliwa nang makarinig siya ng tunog. Sinundan niya iyon at narating niya ang sala.

Pero dagling napatigil siya at naibaba ang tawag nang mapatingin siya sa sofa kung saan narinig niya ang ringtone nito.

Bigla kasing lumitaw sa isip niya at naalala ang nangyari kagabi sa sofa na iyon. Naramdaman niya agad ang pag init ng kanyang mga pisngi at napadampi sa labi ang mga daliri...

~~~~~~~~

Prente silang nakaupo roon, siya ay nakasandal dito habang nakahilig ang ulunan sa dibdib nito. Maya maya ay naramdaman niyang inaamoy amoy siya nito. Na lagi na nitong ginagawa noon. Kaya sanay na siya.

Hindi niya alam kung bakit gustong gusto nitong gawin iyon samantalang sa kanya ay hindi naman siya ganoon kabango.

Pero habang nanonood sila ng movie noon at maramdaman niya ang hininga nito sa batok niya ay parang biglang may nag iba sa ihip ng hanging hinihinga nila.

Mula sa pagkakatingin sa TV ay dahan dahang lumingon siya rito. Napahigit siya ng hininga nang makitang ang lapit lapit ng mukha nito sa kanya.

Kaunting angat na lang niya ng mukha ay mapapadikit na ang labi niya rito. Napalunok siya ng bumaba ang tingin nito sa labi niya. Siya man ay napatingin din sa mga labi nito. Kay pula talaga ng mga iyon. Hindi na niya napigilan ang sarili at itinaas ang kamay upang damhin iyon.

Napasinghap naman siya ng halikan nito ang mga daliri niya. Napaangat ang tingin niya sa mga mata nito.

Kumabog at lumakas ang tambol ng dibdib niya ng makita roon ang pagmamahal na laging naroon kapag tititigan siya. Pero hindi lang iyon ang nakita niya dahil nasasamahan na rin iyon ng maiinit na tingin o desire. Hindi niya napansin na pinipigilan na pala niya ang paghinga.

Nagpalipat lipat muna ang tingin nito sa mga labi at mata niya bago dahan dahang bumaba ang mukha nito palapit sa mukha niya. Alam na niya ang gusto nitong gawin kaya sinalubong na niya iyon at pumikit.

Nang magsanib ang mga labi nila ay parang naging foggy ang pagiisip niya. Kay lambot talaga ng mga labi nito at kay tamis. Hinding hindi siya magsasawa sa mga labing iyon. Iilang beses pa lamang nilang ginagawa iyon ngunit sa tingin niya ay naa adik na siya sa mga iyon.

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now