CHAPTER 12

339 19 2
                                    

541 reads!!

(As of 3:48 pm of June 28, 2020)

I'm so happy and thankful po sa inyo... thank you po ❤️❤️❤️

Happy reading! 😘😘
==================


CHAPTER 12

Nasa drive thru sila ng Mcdo nang magtanong si Matthew kung saan niya gustong pumunta.

Habang nakapila ay nag isip siya kung saan pwede. Nagtaka pa siya nung una dahil ito naman ang nagyayang lumabas pero siya pa ang tatanungin kung saan gustong pumunta.

Dapat doon sa mag eenjoy siya. Sabi niya sa isip.

Kanina kasi habang nasa daan sila ay may napansin siyang kakaiba rito. Tahimik lang ito at seryosong nagmamaneho.

Nang tanungin naman niya ay kinaila lang nito iyon, ngumiti lang at sinabing ayos lang ito. At umakto na rin ng maayos sa harap niya. Pero alam niyang may dinadamdam ito.

Nung panahong may problema siya ay nandoon ito at dinamayan siya. Hindi man nito sabihin kung ano iyon ay ayos lang. Handa siyang makinig kahit kailan. Kung kailan handa na itong magsabi at pag usapan kung ano iyon.

Pero sa ngayon, tutulungan niya muna itong makalimutan kung ano man ang pinoproblema nito kahit ngayon lang.

Naudlot ang pag iisip niya ng iabot nito ang paperbag ng mga pagkain. Natapos na pala itong mag order. Nang tingnan niya ang loob niyon ay napangisi siya. Hindi niya kasi narinig kung ano man ang mga inorder nito. Iyon pala ay tig isa silang milk tea, dalawang burger at dalawang fries.

"So... Where to?" nakangiting tanong nito sa kanya. Pero halatang may bumabagabag pa rin dito.

Napangiti siya nang may pumasok sa isip niya. Sinabi niya rito na magmaneho lang at ituturo niya ang daan papunta.

Habang nasa byahe ay tinulungan na rin niya ito sa pagkain. Nagulat ito noong una pero inilapit din ang mukha nang iumang niya rito ang burger. Lampas alas dose na kasi kaya kailangan na rin nilang kumain. Iniuumang niya ang burger dito kapag napapansin niyang patapos na ito sa pagnguya. Kapag iinom naman ay ibinabaling nito ang ulo sa kanya.

Pansin niyang pigil na napapangisi ito kapag nakaharap na sa daan.
Tuwang tuwa na ang loko. Kinikilig ata. Nang mapansin siguro nito ang mapanuring tingin niya ay tuluyan na itong napangisi.

"Ngayon lang kasi may gumawa sa akin niyan. And it feels nice. Thank you."

Ngayon ay masuyo na ang ngiti nito.
Siya naman ang natuwa. Kinilig pa.

"Sige na. Harap na sa daan." Good job Aica!


==================


"Here?"

Tanong nito habang papalapit na sila sa entrance.

"Uh-hmm" nakangiting baling niya rito. "Tara!" Saka hinila na ito papasok ng entrance.

Nang hinarap niya ito habang hila hila ay natawa siya. Paano ba naman kasi ay hindi maintindihan ang itsura nito habang nakatingin sa entrance ng papasukan nila.

Dinala niya kasi ito sa isang amusement park. Nasa harapan na sila ng ticket booth nang magsalita ulit ito.

"Are you sure you want here?" nag aalangan ang itsura nito habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng loob niyon. Mabuti na lang at weekday kaya kakaunti lang ang tao.

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now