CHAPTER 5

473 18 3
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oh.M.Gee!! Hindi ko po akalaing mapapasama ang gawa ko sa mga ganitong rankings.

Mapasama lang ang "It's Way Too Early", nakaka overwhelm na. Kahit bumaba siya sa ranking, parang winner pa rin. Sa dami ba naman ng stories dito sa Watty, nasa top pa siya hehe

At gusto ko pong magpasalamat sa inyo sa patuloy pong pagbabasa.

Maraming salamat po! 😘😘

Enjoy reading! ❤️❤️❤️
==================

CHAPTER 5

Sayang nga lang at dumating ang doktor na siyang nagpagulat sa kanya, kaya napakalas siya mula sa pakikipag kamay kay Matthew.

Tumikhim pa ito. Nang tingalain niya ito ay nakakaloko ang ngiti nitong nakatingin kay Matthew. Habang ang huli naman ay masama ang tingin sa doktor. Magkakilala din ba ang mga ito?

Ngayong wala na sila sa adrenaline rush stage, ay ngayon lang niya napagmasdan ang doktor. Parehong may itsura ang mga ito. Mas gwapo lang si Matthew. Ipinilig niya agad ang kanyang ulo sa naisip.

"Uhm, Doc. Kamusta na ho iyong pasyente?" tanong niya.

"He's conscious now and stable." nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila habang sumasagot. "It's a good thing na nakita niyo siya agad. Naturukan na rin namin siya ng mga gamot para maibsan ang sakit sa balakang niya. Ayon sa pasyente ay nadulas daw siya sa hagdan kaninang umaga. Hindi naman daw sumakit agad kaya nakapagtrabaho pa siya. Sa tingin ko ay nabugbog ng tuluyan kaya sobra kung naningil." Nilingon nito ang ward ng pasyente. "Anyway, he still needs to run a series of test kaya mamamalagi muna siya rito. Nacontact na rin ng mga nurse ko ang asawa niya at papunta na rito. Kaya maari na rin kayong magpahinga. Ipinapaabot din pala ng pasyente ang kanyang pasasalamat."

"You're also a part of this. Kung hindi mo kami nakita ay naglalakad pa rin kami hanggang ngayon." ani Matthew.

Napatango na lang siya sa pagsang ayon.

"I'm just surprise na hindi mo dala ang pinakamamahal mong sasakyan." Nakangising sabi nito. "And you know it's my duty. Siya, maiwan ko na kayo. Matthew." tiningnan nito si Matthew at bumaling sa kanya. "Miss. Ingat kayo pareho." Tumalikod na ito at pumunta ng nurse station.

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now