Kabanata 18

588K 25.7K 31.8K
                                    

Kabanata 18

Smoked


"Leave it," Royce's voice thundered.

Pagkatapos magpaalam ng mga ka meeting ko ay sinubukan kong tumulong sa pagliligpit kay Jun. Nanatili siya roon, looking pissed and intimidating. Kaya nga umalis na ang mga kasamahan ko dahil doon.

"Pero-"

"Hindi ka pa rin nakakabisita sa opisina ko. Pumunta na lang tayo doon habang naglilinis si Jun dito."

"O-Opo, Ma'am. Ako na po ang bahala rito..." natatawa pa si Jun pero halatang kabado.

"Trabaho mo naman 'yan," dugtong ni Royce.

Namilog ang mga mata ko sa kanya at biglaang nairita. Wala naman yatang mali sa sinabi niya pero hindi niya na kailangang dugtungan ng ganoon! Lalo lang kakabahan si Jun. At iyon na nga, nakita kong namutla ang binatilyo at taranta sa paglilinis.

Annoyed and not wanting to contribute to Jun's predicament, nauna na akong lumabas sa opisina.

Pinagtitinginan agad ako ng mga ka team ko pero nang lumabas na rin si Royce, isa isa naman silang nagpatuloy sa trabaho.

Diretso sa elevator ang tungo ko, iritado sa ginawa niya. Pumasok na rin siya at siya ang pumindot sa tamang palapag. He then looked at me as the doors closed.

I frowned at him and crossed my arms.

"You're so rude even to your employees."

"What did I do?" pagmamaang maangan niya.

I snorted and rolled my eyes. "Ba't mo ginaganoon si Jun?"

He shifted his weight and turned his body to me.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" halata ring iritado siya pero mas iritado ako.

"He's doing his job and he's scared at you. No need to reiterate it in front of him with that rude voice of yours! Intimidating ka at boss ka nila, Royce!"

He laughed and went out of the elevator. Nagdilim ang paningin ko sa iritasyon na ganoon ang reaksiyon niya sa sinabi ko.

Sumunod ako sa kanya. Dumaan kami sa sekretarya niya. Bumati ito pero pareho yata kaming iritado kaya hindi na namin pinansin.

"Stop mocking the situation. I am serious! That is not a healthy attitude in your workplace!"

Pumasok siya sa opisina niya. I couldn't even look around because I was busy with my anger.

"So you are going to school me about a healthy attitude in the workplace, Schuyler?" puno iyon ng insulto.

"Oh, alright! Is that arrogance? Siyempre, galing ka sa hirap at ngayon nasa tuktok na. Who am I to tell you what a healthy attitude in the workplace is, right?"

He smirked. Nakatayo na siya sa harap ng lamesa niya. Nakatingin sa akin. Ako naman tumigil na sa paglalakad at hinayaan ang malaking espasyo habang nagtatalo kami.

"For sure you have better and more effective ideas about that!" I said sarcastically.

"Hindi ko makita anong problema sa sinabi ko. Why are you so insulted for that boy?"

"Because he's doing his job and you are intimidating him!"

"Kasalanan ko ba kung intimidating ako? That's on him, if he feels inferior."

Hindi ko na napigilan ang paglapit ko dahil sunod sunod ang sagot niya. Now we're a foot away while I point to his chest.

"You are the boss and you have the power! Can't you at least be mindful of your treatment to the employees and think about their situation? Masyado ka na bang mataas para hindi mo na makita ang ginagawa ng mababa sa'yo?"

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon