Tips on Writing [Part 1]

239 5 0
                                    

So dahil ito ang pinakaunang tips on writing ay bibigyan ko kayo ng simpleng paraan kung paano magsisimula, this is just my opinion kung paano nga ba ako nagstart sumulat or kung paano ako nagsimulang simulat, lahat kasi ng tao ay may kanya kanyang style in terms of writing.

Okay, so unang una ay ikukwento ko kung paano nga ba ako nagstart sumulat, ganito kasi yan, wala talaga akong hilig sa pagsusulat at wala akong balak ishare yung mga thoughts na naiisip ko dahil wala rin namang patutunguhan ang pagkukwento ko kaya sinarili ko.

Pero when the time goes by, narerealize ko na parang gusto kong magsulat para naman malabas ko lahat ng sama ng loob ko and that where it starts.

So magstart na tayo sa 5 tips on how to write an Action and Fanfiction genre.

1. Good Pacing. This means kailangan alam mong maging directed enough sa pag-aim ng goal. Hindi magandang tingnan kung puro describe ng details or laging magsheshare ng insignificant part, dapat straight forward ang pagdescribe sa scene para mas kapanapanabik ang kakalabasan.

2. Movements and Gestures. Dapat idescribe mo ang mga movement na ginagawa ng character mo, pero hindi ibig sabihin nito ay puro ka descibe like, 'he still sitting in his car and thinking chuchu' but instead you need to describe the time sensitive process or kumabaga ay kailangan mong maging descriptive sa lahat ng galaw.

3. Strong verbs. Mas nakakahatak ng mambabasa ang mga salita na gagamitin ng author sa pagdescribe ng scene. Pero hindi ibig sabihin nito ay gagamit ka na ng mga jargon words. Jargons is a expressions na napakaspecial sa isang profession, for example your character is a doctor, tapos bigla kang magsasabi o magsusulat ng sakit na may mga 'closis' 'skemirh' basta yung hindi maiintindihan ng babasa ng kwento mo, you need to use a common but strong active verbs. For example, imbes na sabihin mo na 'he walk', you can say that 'he lift his right leg and turned around' parang ganyan pero use the common words and make it longer.

4. Study your character. Dahil alam naman natin na may mga pagkakataon talagang nababago ang hilig natin, for example gusto mo ngayon ang artista na ito and nanood ka lang ng panibagong k-drama or kahit sinong celebrities and nabago na ang gusto nyong character. Make sure first na kilala nyo na ng lubusan ang magiging character nyo dahil una sa lahat ay the character in your story is already existing, so it means kung paano gumalaw, paano makipag-usap ang character na ginamit nyo sa story is ganun nyo din ito idedescribe sa story nyo dahil dito magsisimulang magimagine ang mga readers nyo.

5. Add a little something. Syempre kailangan may uniqueness para masabing fiction parin and syempre kailangan paring ikeep ang mga existing style dahil medyo mahirap ding sumulat ng ganitong genre kung magsisimula ka palang.


And addition tips from me, kailangan may tumatakbong plot o kaya may mga naiisip na kayong story sa isip nyo para alam nyo kung paano ang flow ng story kapag nagsulat na kayo. Pwedee nyo ring itry ang pagsusulat sa notes kung saan nakalist dun ang ugali, scene or names ng characters nyo dahil alam ko na hindi lang isang story ang gagawin nyo at the same time, may mga chances na gusto nyong sumulat ng ibang story ng sabay dahil isang genre ay fanfiction kung saan naaapply nyo ang panonood at gusto nyong isulat o gayahin ang attitude ng character na ito so goodluck!

WATTPAD Titles and IdeasWhere stories live. Discover now