Vampire

117 5 0
                                    

A/N: Alam naman natin kung ano ang meaning ng vampire diba? Isa na dito ang Twilight na sobrang pumatok sa lahat ng mambabasa and also naging movie pa, so that is the combination Vampire and Werewolf pero ang genre na ito ay magfofocus sa vampire. Ang similarities ng Vampire at Werewolf is parehong mytical creature sila pero ang differences nila, ang mga vampire ay hindi nagbabago ang age and immortal sila.


1. His Bite
      -  Dahil sa sobrang obssess ng vampire sa babaeng tao, nagawa nitong takutin at minarkahan, at dalhin sa lugar nila at duon kinulong ng ilang taon. Akala ng babae ay dalawang buwan lamang sya nanduon sa lugar ng mga aswang pero sa mundo nila ay halos umabot na ng ilang taon ang pagkawala nya, ang mga kaibigan nito sa paaralan at ang mga kapatid nito ay halos mas matanda na kesa sa kanya, dahil sa ginawa ng vampire na ito sa kanya ay hindi na sya tumanda at halos kamuhian nya ang lalaki peor at the end ay nagustuhan na rin nya ito at naging happy ending.

2. Can't Stop

       -  Hindi alam ng mga magulang ng babae kung bakit gustong gusto nitong inumin ang dugo ng mga kalalakihan at masyadong mapili sa dugo ng kapwa nito babae. Habang isang araw ay may dalawang lalaki ang naglalakad sa isang madilim na eskinita at napagdesisyunan ng babae na ito ang biktimahin ay imbes na patayin nya ang mga ito ay dinala nya ito sa kanyang bahay at duon kinulong ang dalawa. Nang maubusan ng dugo ang isang lalaki ay ang isa naman ang inimon nya peo halos mabaliw sya sa sobrang sarap ng dugo nito at ito lamang ang kaisa-isang lalaki na hindi nito pinatay pagkatapos uminom ng dugo at nais pa ng babaeng pakasalan sya nito.

3. Athan's Fangs

       -  From greek name, and Athan is immortal of hindi namamatay o hindi tumatanda, ang case naman dito ay isang vampire sila na namamatay agad pero once na nainom ni Athan ang kanilang dugo at ang pangil nito ay nasa leeg na nila, ay mamamatay sila pero isang beses lang may mabubuhay ng panghabang buhay at may  isang babae lang ang nakagat ni Athan and yun lang ang nabuhay ng matagal kasama sya at hindi nila alam kung bakit ito pa ang nasaktuhan ng kakaibang kapangyarihan ni Athan.

4. Thirst

      - Dahil sa sobrang gutom at sa sobrang uhaw ng bida na vampire ay gabi gabi ay gumagala ito at nang bibiktima ng mga tao and isang beses na gumala ito ay may nakita syang babae na pinagtutulungan ng mga kapwa nito babae at sinasaktan ito ng mga kalalakihan at dahil sa hindi nya maintindihan na galit ay bigla nya itong sinagip and in a blink of the eyes of the girl, her schoolmates disappeared and nakita na lang nya ang vampire na ito na nakahiga sa kalsada at tinulungan itong makalakad at dinala nya sa bahay nya at dito pinatulog. Kinabukasan ay pagod na pagod ito at hindi makalabas dahil sa sikat ng araw at sobrang nanghihina pa, kaya naisipan ng lalaki na inumin ang dugo ng babae pero hindi naman umimik ang babae at hinayaan ito at hanggang sa naging hobby na nito ang pagpunta sa lugar nya.

5. Vampire's Touch

      -   Dahil sa sobrang mapili sa isang babae, laging naghihire ito ng mga applicants sa kanyang company pero not as employee sa company kundi isang blood donor, at dahil sa kapos ang babae sa pera at maraming mga bagay ang dapat nyang bayaran at nagpapaaral sya ng kapatid nya, minabuti nyang tanggapin ang trabaho at hindi nya alam na ganito pala ang trabahong pinasukan nya, at hanggang sa tumagal ay nasasanay na lang sya at nagkakadevelopan na sila ng vampire na ito, pero ang pamilya ng lalaki ang hindi gusto sa kanya.

6. Blood

       -  Looking for a boyfriend ang vampire na ito kung saan wala ni isang nagtatagal sa kanya dahil sa sobrang sama ng ugali at napakaspoiled nito. Dahil sa hindi na kinaya ng mga magulang nito ang ganitong ugali, napagpasyahan nilang mag hire ng isang ex millitary na kayang controllin ang kanilang anak, hindi sa pamamagitan ng batas militar o ano man, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig. Pumayag ang sundalo na ito na gawin syang source of blood ng anak ng mga amo para sa pera na kailangang kailangan nya at hindi nila alam na sa sobrang tagal na at ito lamang ang nakatagal sa kanilang anak, ay nahulog na rin ang loob nito sa sundalo at umaasa na mamahalin din sya nito.

7. Vampire's Obsession

        -  Dahil sa unang beses mabastos ng isang sikat na  negosyante ay naisipan nitong ipahanap ang babaeng yun, una ay hinalikan sya nito kahit na hindi nya kilala at ang pangalawa ay ang sampalin sya nito nang hindi alam ang dahilan. Dahil sa sikat ang lalaking ito ay gumawa sya ng isang commercial o isang advertismet kung saan hinahanap nya ang babaeng ito at dahil wala syang mapanghawakan maliban sa itsura nito ay hindi nya alam kung saan hahanap ng impormasyon tungkol sa babaeng ito. Nagkaroon ng isang party kung saan karamihan ng mga kalahi nya ay nandun at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita nya ang matagal na nyang hinahanap ngunit, kasama ito ng nakakatanda nyang kapatid at hindi nya alam kung paano sasabihin dito na ito ang babaeng hinahanap nya at humantong sa puntong handa nyang patayin ang sariling kapatid para sa babaeng ito.

8. Resurrection of the Vampire King

        -  The vampire king died a thousand years ago, pwede itong maging historical pero more on vampire dahil isang vampire ang bida and dahil sa sobrang tagal na nitong nakalibing sa kanyang libingan, may isang bagay na dapat gawin ang kaisa-isang babae na pupunta sa puntod nya at hihiling sa eksatong alas dose ng madaling araw. At dahil sa ginawa ng babaeng ito ay muling nabuhay ang vampire na ito, at dahil sya ang humiling, lahat ng ipag-uutos nya o kahilingan nya ay tutuparin ng vampire king kung hindi ay babalik ito ulit sa libingan nya at maghihintay ulit ng ilang libong taon.

9. Uninvited Guest

       -  Medyo creepy ang title pero more on vampire world ito, parang a liitle bit lang ang scenes sa human world, dito ay dapat idedescribe ang lugar ng mga bampira sa story. Kung ikukumpara mo ang lugar nila sa lugar ng mga tao, mas malaki ito at dahil sa malaki ito ay iisang pamilya lamang ang namumuno dito, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, maraming nagtatangka sa buhay ng pamilyang ito kung gayun ay kumuha sila ng isang ordinaryong tao at ikinulong sa lugar nila, pero hindi nila alam na ang taong ito ang magiging reyna/ hari ng kanilang lahi dahil ito ang matagal na nilang hinahanap na makapangyarihang bampira na nabubuhay sa panahon nila.

10. Red Eye of the Vampire
          Hindi maintindihan ng babaeng bida kung bakit sumasakit ang balat nya kapag nasisikatan ng araw o kaya ay parang uhaw na uhaw sya. Nagawa na rin nyang magpatingin sa doctor pero wala namang nakikitang mali ang mga ito sa kalusugan nya, bagkus ay napakamasustansya nito at hindi madadapuan ng kahit na anong sakit. Umabot ang eclipse na dumadating lang sa loob ng ilang daang taon at habang nagtatapo ang araw at ang buwan ay mas lalong lumalala ang nararamdaman nya na hindi nya alam kung saan ang masakit sa kanya, hanggang sa nag-isa nag araw at buwan. Nang tumingin ito sa kaibigan nya ay parang sabik na sabik sya sa dugo nito pero pinipigilan nya at halatang takot na takot ang kaibigan dahil sa nasaksihan nito, namumula ang mata ng kaibigan nito at namumutla ang buong katawan, na naisip nito na isang sinyales ng pagiging bampira.





___.___

Sorrryyy po ulit kung sobrang lame ng mga title and ideas, ang twilight, vampire diaries lang kasi ang pinaka tinutukan ko kapag about vampire, though nakakapanood at nakakabasa ako ng mga vampire related, medyo hindi ko gusto ang plot and magiging copyright naman kung gagayahin ko exactly ang scene sa mga movies and books na nababasa. Pero sana magustuhan nyo parin kahit na pangit and don't worry, mas aayusin ko kapag may kasunod pa, just let me know kung gusto nyo ng panibagong story title or magsuggest kayo ng magandang next story na magandang gawin. Thankiieee!!

WATTPAD Titles and IdeasWhere stories live. Discover now