Werewolf

86 4 2
                                    

A/N: Werewolf is may similarities sa vampire, sinabi ko na sa previous chapter kung anong similarities nila and ngayon sasabihin ko naman ang differences ng vampire sa genreng ito. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi na lang Wolf ang nilagay sa genre at bakit Werewolf pa? Simple as that, ang wolf is literal na hayop lang, four-legged creature and hindi nagtatransform into any figure like Werewolves, werewolves can transform into a human figure and mas stronger ito sa ordinary wolf.

Mention ko lang si ate Lorenxx1.


1. Wild Love

         -  Kaya naging wild love ay dahil hindi pang karaniwang pagmamahalan ang mangyayari dito dahil isang werewolf ay maiinlove sa isang tao at hindi sang-ayon ang mga kapamilya ng werewolf na ito pero ang hindi nila alam na ang babaeng ito ang nagligtas sa kanilang pinuno kung saan ay sinagip nito ang pinuno nila sa kapahamakan kung gayung ganito na lang ang pagmamahal ng pinuno at kahit ikamatay man nya ay mas pipiliin nya ang babaeng ito. Pinaghalong possessive and obsession ang ugali ng werewolf toward sa babae.

2. Midnight Moon

         - This is a story of a werewolf na every midnight lang nagbabago and kapag midnight na may buwan or moon lang nagiging pula ang mga mata nito, for example, midnight na pero wala namang moon, magtatransform ang wolf na ito without changing his/her eyes color. 

3. Werewolf Illusions

       -  Hindi alam ng bida na sa tuwing matutulog sya ay hindi nawawala ang mga werewolves sa panaginip nya. Minsan ay tahimik ang mga ito at minsan ay handa na syang saktan nito pero kapag papalapit na ang mga ito sa kanya ay ang kanyang roommate ay gigisingin sya na syang ikinapapasalamat nya. Pero hindi nya alam na ito ang nagiging dahilan kung bakit nya napapaginipan ang mga ganitong bagay and she/he is under the werewolf's illusion.

4. Alpha's Mark

          -  Kung ang mga vampire ay nag-iiwan ng kanilang marka sa mga nabibiktima nila, this is the same thing with the alphas. Alphas kasi ang tawag sa pinaka head ng mgawerewolf, based sa research ko na ang mga Alpha ang laging nasusunod and sa story na ito and iba ang mga marka ng mga alphas. Malalaman nila agad na isang alpha ang nagmarka sayo based sa makikita nilang marka kung saan nilagyan ng alpha na ito, and it just means na never or walang pwedeng gumalaw sayo maliban sa alpha na nagmark sayo.

5. Primodial Werewolves

         -  Ang mga primodial sa story na ito ay mahirap hanapin dahil sa ancient na ito sa kanilang lahi and minsan lang makita at mahanap ang ganitong lahi dahil nga nagkakaubusan na. And once na may maconfirm silang primodial na werewolves, ito ang automatic na mamumuno sa lahat ng mga werewolves dahil nga matagal na itong nilimot, kaya ang malalaman nilang primodial ay pinapatay nila depende na lang sa lakas ng werewolves na ito.

6. Silver's necklace

         -  Maraming werewolf stories and movies ang nakikita ko, and pare- pareho lang ang kanilang kinakatakutan, and that is silver. Ang bida na tao ay mahilig sa silver and ang pinakamalakas at pinakakinakatakutan ng mga werewolf ay ang kanyang necklace. Per may isang werewolf na handang akapin at hawakan ang silver na ito kahit na ikamamatay nya para lang masabing mahal nya talaga ang may suot nito.

7. Werewolves Curse

       - Curse means isinumpa. Depende na sa inyo kung babae or lalaki ang magiging bida pero ang naiisip ko na plot for this story is kailangang may true love na makita ang mga werewelves na mga sinumpa. And mawawala lang ang sumpa kapag sa darating na eclipse ay mahahalikan nila ang babaeng o lalaking para sa kanila at handang tanggapin ang kanilang anyo as a werewolf.

8. Beast in him

        -  Ang mga bida ay nasa normal na world kung saan puro tao ang mga kasama lang rin nila pero kapag bilog ang buwan, lalabas ang mga werewolf na nabubuhay kasama nila at ito ang tinatago tago ng bida sa kapartner nya dahil alam nyang kamumuhian sya nito dahil ang kanilang lahi ang pumatay sa mahal nito sa buhay.

9. Protected by the Wolf

         -  This is a opposite of beast in him, dahil ang story dito ay pinaalaga at pinabantay ang human na ito sa isang wolf and hindi rin alam ng mga magulang kung bakit sila nagtiwala sa wolf and kahit hindi alam ng human na ito na ang mga tumayong magulang nya ay isang werewolf din. 

10. Eye of the Wolf

            -  Mahilig magdrawing ng mata ang bidang ito at isang gabi habang nakatingin sa bundok malapit sa kanyang bahay ay nakakita sya ng parang aso na gumagalaw sa peak ng bundok at nasa gitna nito ang moon at alam na alam nyang hindi lang ito basta basta na aso dahil kahit may kalayuan ay rinig na rinig nya ang alulong nito. At hindi nya alam kung paano pero nakita nya ang mata at kulay ng mata nito kahit na alam nyang sobrang layo ng bundok na ito sa tinitirhan nya.




___.___ 

Ito na po ang pinaka huling genre for this wattpad titles and I hope magustuhan nyo ang mga titles and ideas na binigay ko pero okay lang din kung hindi, just let me know basta wag lang masasakit na salita ang sasabihin nyo dahil maooffend talaga ako ng sobra.

WATTPAD Titles and IdeasWhere stories live. Discover now