Horror

182 4 3
                                    

A/N: Mahirap talagang gumawa nito, kahit nga ako nung time na sinearch ko ang mga horror stories, grabe mga besh, hindi nyo kakayanin titigan ang mga manika, mga dugo dugo, basta may dugo or super creppy thing. Siguro naman alam nyo ang story ni Ms. Jamille Fumah na sumulat ng 'I Love You Ara' and Ara Dos'. That is one of the example of Horror genre, hindi naman sya literal na horror kasi may mga scene na thriller pero para sakin kasi horror ito, kung hindi naman kayo matatakutin, try to write something about this kind of genre.

P.S :> Ito ay isang horror kaya wag nyong asahan na maganda ang magiging plot ko dahil una sa lahat, ayaw na ayaw ko ang genre na ito dahil habang sumusulat ako ay naiimagine ko ang scene kaya I can't.

And for another mention ng  username here it goes againnn!!

xRLWritesx

1. Bloody Claw

      - Pwedeng magkakaibigan ang mga bida dito at may trip sila kung saan kailangan nilang magovernight at dahil sa iba't ibang ugali ang meron sila, hindi sila magkasundo sa simpleng bagay at halos magpatayan na sila dahil sa hindi pagkakaintindihan. One of their friends prank them with using a claw na nilagyan ng isang red food coloring to look like a blood. At syempre, hindi mawawanlan ng matatakutin na kaibigan ang isang grupo kaya ito ang una nyang huhunting, at dahil hindi nila alam na may sakit sa puso ito, namatay ito dahil sa prank nila. And dun nyo na simulan ang malagim na patayan, pwedeng may tao talagang taga duon sa lugar na pumapatay using a claw or isa sa mga magkakaibigan ito. Kayo na lang mag-isip ng twist kung paano.

2. Fingernails
       -
Ang magandang plot dito ay may isang babae ang mahilig alagaan ang kuko, karamihan naman sa kababaihan ay mahilig magpahaba at alagaan ang kuko. Pero ang magandang panghugutan nito ay isa syang masiyahing tao, pero dahil sa isang malagim na aksidente, nawala ang iniingatan nitong mga kuko. And maaaring magend ito ng paggawa nya ng krimen kung saan nanghuhunting sya ng mga batang kababaihan na mahilig mag-alaga ng kuko at mahilig magpaganda, tinatanggal nya ang mga kuko nito at ginagawang souvenir and dahil sa hilig na nitong pumatay ay halos tatlong tao ang napapatay nya sa isang araw. Kung gusto nyong palitan ang title, pwede nyong gamitin ang "Onuxophobia".

3. Footsteps behind my door
       - Footsteps. Malalaking yakap kung tatagalugin. Pwedeng obsession ang magiging ugat nito. Dahil sa sobrang kagustuhan ng lalaking mapasakanya ang matagal na nyang tipong babae, lagi nya itong sinusubaybayan, tuwing gabi ay pumapasok ito sa loob ng bahay ng babae at tinititigan itong matulog at sa paggising nito ay makakakita sya ng rosas sa gilid ng higaan at may iniiwang hickey ang lalaki sa leeg nito na nagbigay sa kanya ng kaba. 

4. Revengeful Torture

      - Dapat matindi ang magiging past ng killer para may panghuhugutan kayo kapag gumawa na kayo ng scene na torturing scene. Pwede nyong pagsama-samahin ang mga krimen na pwedeng gawin. Like rape, bugbog, basta yung mga hindi mo aakalaing magagawa ng isang tao na may isip, and dahil sa sobrang trauma ang naramdaman ng killer, nakakasanayan na nya ang mga ito at hanggang sa tumagal ay sya na pala ang gumagawa nito sa ibang tao and worstly, wala na syang kinakatakutan, mapabatas man o dyos. Medyo mahirap itong isulat kung mabait kang tao pero dahi sa imagination lang naman ito, you can try pero wag mong iapply.

5. Unveiled Shadows
       -
Veil is yung sinusuot ng bride sa kasal, kapag naman unveiled is parang hindi nakatago, so parang visible sya. So shadows means anino, diba niliteral ko lang ang translate. Pero kapag pinagsama nyo, Hindi nakatagong anino? The hell?? Pero seryoso, mahirap din ito mas lalo na kung gustong gusto mo nang ikasal dahil ang magandang plot dito is maghihintay ka ng 50 days para sa kasal mo, and nagready na kayo ng mga bagay na hinahanda sa kasal, at prepared na ang lahat, maliban sa wedding gown and veil. So 49 days na at kinabukasan ay kasal na at wala parin kayong nahahanap na wedding gown kaya naisipan ng mag-asawa na maghanap na lang sa isang ukay ukay at duon may nakita silang set at dahil sa kailangang kailangan na nila, they bought it and nung time na nasa wedding day na ay it turned into a miserable wedding day for them.

6. The girl Behind those walls
        -
Kung mahilig ka sa bata, pwede mong gawan ng story ito. Isang mabait na bata ang magiging bida at dahil mabait ito, dapat ang mga magulang nito ay napakasama kung saan  they will make a so brutal torture to this young girl at dahil sa sobrang takot ng mag-asawa, binenta nila ang bahay and may bumili rin naman agad at ito ang bida. She always hear a kid crying and hindi nya alam kung saan ito galing at hindi nya alam kung saan hahanapin. Kaya isang araw, ay naglakas loob syang kausapin ito and to her surprise, sumagot ang bata and so on.

7. Voices in my head

       - Pwede nyang makuha ang isang ability na makarinig ng mga boses sa isip nya and dahil ito sa isang aksidente na nangyari sa kanya na akala nya ay kahapon lang nangyari pero it almost a decade na pala. For example, akala nya ay kahapon lang sya nahospital at ngayon lang rin sya nagising, pero ang totoo ay ilang years na ang lumipas bago sya magising, and the voices inside his or her head is just a nightmare, ibig sabihin sa loob ng chapter 1 hanggang sa dulo, ang mga scene duon ay just inside his head. And kapag nasa epilogue ka na which means ending ng story, this is the time na magigising na sya at aakalain nyang ang mga nangyayari sa isip nya ay totoo.

8. Hidden Faces

      - Sino mga takot dito sa maskara? Or sa clowns? Or sa mga walang mukha? try to make this story to face your fear. Ito rin ay pwedeng panaginip lang ng bida and sa paggising nya ay kapag tumitingin sya sa mukha ng isang tao, ang nakikita nya ay ang mga mukha sa panaginip nya. Pumunta na sya sa isang psychologist and it examine her or him pero imbes na pagalingin sya, the psychologist make it worst and worst. Kung gusto mong gawan ng Part 2 ito, or Book 2, pwedeng pwede. Ang title naman is ang nasa baba nito. "The Psyho's Habit".

9. The Psycho's habit
       -
Ang story naman nito ay halos tungkol sa mga phobia na akala ng mga pasyente nya ay pinapagaling nya pero no, she or he make it worst. Kung balak nyong gumawa ng book 2 nito, pwede naman, basta gunun ang magandang twist. If ito namana ng gagawan nyo lang, pwedeng gawin nyo ay maraming phobia din ang psychologist and naaappl nya ito sa sarili nya at ang phobia na pinapagamot sa kanya ng mga pasyente ay mas lalo nyang pinapalala.

10. Horrible Home
          - Kung ayaw mo ng isang story ng family, wag mo nang subukang isulat ito, this is a story of a broken family. Though magkakasama nga sila sa bahay pero parang hindi sila pamilya, may mga chances na may incest cases dito pero I'm not pursuing you to write mature or BS somethign like that, may other option para magmukhang horrible ang bahay and it's up to you kung ano ito.



___.___

Another update pooo!! Don't forget to vote and comment sa title and ideas para alam ko kung sino ang mga may balak gumawa ng story and followed the plot, I am free to help you.

If you want to collaborate, it's okay too. Just message me if may questions or something na hindi nyo gusto, let me know.

WATTPAD Titles and IdeasWhere stories live. Discover now