Science Fiction

158 3 0
                                    

A/N: Science is more on technology or experiment or pwede ring about sa space. Pero kapag dinagdagan mo na sya ng Fiction and ang kakalabasan nito ay Science Fiction, magiiba ang magiging meaning nito. This genre is all about the imagined future on technology or in science. Like you just portraiting the image of the future space or the future planets. Kumabaga, ginagawan natin ng story ang mga bagay na may connection sa technology or sa science na parang pinapaaddvanced natin ito.

Sa nagpapamention dito sa chapter na ito, have funn!! ChraOhmzyi


1. Dark Country

        -  Dark country is yung pangalan ng kanilang lugar where Dark Sebastian is the one who manipulate every people out there, sorry kung binigyan ko na ng pangalan ang protagonist pero mas better nayan para may connection ang title. So ang nangyari is mahilig mag invent si Dark on how to make their lives simplier pero ayaw ng mga tauhan nya ito so nag-isip sya kung paano maninipulahin ang mga tao sa lugar nya and nakilala nya ang kilalang scientist, and yun na ang gagawan nyo ng pangalan. At first, hindi sang-ayon ang babae pero dahil inalukan sya nito ng maraming kayaman ay pumayag sya, and yung magiging climax is may side effect ang ginawa nilang gamot para mapasunod ang mga tao sa lugar na ito, and every full moon ay may nangyayari sa mga taong nakainom ng gamot na ito.

2. My Girlfriend is a robot

         -  May nasimulan na ako nito pero only chapter one lang and naisipan ko na kayo na lang ang gumawa dahil marami na akong ongoing na story so ito na nga. Isang scientist ang lalaki kung saan maraming hindi naniniwala sa kakayahan nya at isang sikat din na scientist ang mga magulang nya, tinuloy lang nya ang pagiging scientist dahil gusto ng mga magulang nya ay may susunod sa yapak nila, at dahil sa isa na syang ganap na scientist, minamaliit sya ng mga kasamahan dahil sa wala syang lakas ng loob para sa mga ganito, so one time na may camp sila and to search for something na unusual, nakakita sya ng napakaliwanag kaya pinuntahan nya iyon at nakita ang isang babae na nakadilat ang mata pero nung tingnan nya ang katawan nito ay bakal, and dahil sa marami syang naresearch ay nalaman nyang isa itong robot.

3. Arrival of the Meteors

        -  Maraming natatakot sa meteors pero hindi nakikita ang tunay na ganda nito, pero titingnan natin ang maaaring mangyari kapag may meteorites sa earth and kung bakit dito talaga sila napupunta. Mas maganda kung isang astronaut ang babae at lalaki at may mataas na position and it can be Apollo Commander. Dahil silang dalawa ang naassign sa spacecraft and sila ang naassign to check if may paparating na panganib sa earth and dahil alam nilang may paparating na meteors ay isinawalang bahala lang nila ito dahil ang alam nila ay isa o dalawa lang ito at hindi naman tatama sa earth pero nagkamali sila, hindi lang isa o dalawang meteors ang pappunta sa direksyon ng earth, ayon sa gamit nilang radar, hindi basta bastang speed ang nasasagap nito, kundi sobrang bilis at dahil sa bilis ay nalaman nilang hindi lang ito tulad ng iniisip nila.

4. Unforgetable Pandemic

        -   Dahil sa sobrang boring at sa sobrang daming pagkakataon sa buhay ang nasayang, gawan natin ng kwento ang isang to. Well, isip tayo ng ibang plot. For example, isang mga normal students lang sila and dahil sa may field trip ang klase nila sa ibang lugar ay naisipan nilang magbaon ng maraming mga damit at nang makarating na sila sa dapat nilang puntahan ay may malagim na mangyayari. Nagulat na lang sila nang makita ang mga tao sa lugar kung saan ang kanilang destinasyon na halos lahat ng tao ay nahihirapang huminga at halos mangitim na ang mukha dahil sa hawak nila ang kanilang mga leeg at parang nangangailangan ng hangin. And that will the start of the story.

5. 3245: Necrosis

       -   Dahil sa sobrang daming mga bagay ang ginagawa ng mga tao, like eating what is not actually a food, drinking na hindi naman talaga inumin and yung mga bagay na sobrang inaabuso na, that will be the cause of Necrosis. Araw araw sa isang country ang nakakaranas nito at namamatay dahil sa tinatawag na necrosis. And ang number na nasa title ang symbol kung kailan mamamatay ang bida, parang nakadikit na yan sa balat nya, for example, ang namamatay ay sa braso nya nakalagay and nakasulat is '3243/3245', it means may dalawa pang nabubuhay and kailangan nyang mahanap ang isang ito para tumulong kung ano ba ang dapat gawin. 

6. Bionic Bodies

        -  Hindi rin ito normal na may balat and may buto, ito ay isang artificial na parte ng katawan. Dahil isang sundalo ang bida dito, at namatay sya sa isang gyera, ginamit ng mga engineer ang katawan ng mga namatay na sundalo para gawing experimento para malaman kung magiging tagumpay ba ang kanilang plano and ang bidang babae ay isang engineer na ginawa ang lahat para lang maging successful ang kanilang inembento at ang pinakaunang product na naging successful ay ang sundalong ito. At dahil sa nalaman ito ng karamihan ay 3/4 ng tao sa lugar nila na may mga disabilities ay sumubok magpaggawa sa kanila at magpabago ng parte ng katawan.

7. Nebula Ascending

         -  Hindi alam ng mga professionals na tumitingin sa space kung bakit dumadami ang mga nebulae sa space and hindi rin nila alam kung saan ito nanggagaling. Ang pinakacommon na nebula na dumadami ay ang Helix Nebula or tinatawag na planetary nebula, ang helix nebula ay may edad na 10,600 years and hindi malaman ng mga nakakarami kung bakit napakabilis dumami ang mga ito sa loob lamang ng 1 month, for example, sa isang araw, almost 2 nebulae ang nagfoform and habang sa tumatagal ay mas lalong dumadami at lumalapit ito sa earth.

8. Nirvana

        -   Nirvana ay isang paniniwala ng mga buddhism pero gagawin natin itong sci-fic kasi mahirap pag-usapan ang religion kapag about dito so ito na nga. May isang bida na super pagod na sya sa buhay nya at dahil sa sobrang dami na ng mga problema, mas pinipili na lang nyang mamatay ng maaga pero nung time na naisipan nyang magsuicide, kinabukasan ay nagising parin sya sa ganung sitwasyon pero wala na ang kanyang sugat sa pulsuhan and parang nawala ito dahil tanging dugo na lang ang natira and everytime na ginagawa nya ito ulit, laging ganun ang sitwasyon. Parang nag rerebirth sya and parang bumabalik sya from the start. So aprang immortal na sya, magiging sci-fic to kapag may may part sa kanya na tinanggal and ilalagay sa ibang katawan.

9. People in Pluto

        -  Alam ng karamihan na ang pluto ay wala na sa solar system dahil sa sobrang liit nito, pero gagawin nating sci-fic in terms of finding a way on how to go in the planet pluto. For example, may grupo ng mga professionals na gustong malaman kung ano ba talagang itsura ng pluto, kung ano ang meron sa pluto at kung bakit nawala ang pluto, ang mangyayari dito ay isang tragic kasi once na nakapunta ka na dito, they will let you live basta you will stay with them, and if you try to escape, they will make you suffer.

10. Sex Swap

        -  This is a story of the two scientist kung saan nagimbento sila ng isang machine na maaaring magpapalit ng kanilang kaanyuan, for example, yung babaeng scientist is gustong gusto maging lalaki and same as the guy, and napagkasunduan nilang gumawa ng machine na masusunod ang gusto nila, and they swap their bodies, at first ay okay pa, pero at the middle medyo magkakaroon ng conflict ang dalawa. Dapat magkaroon ng anak ang babae before her 30th birthday kung hindi, she will die, and dapat may dapat gawin ang lalaki para hindi sya maputulan ng ano.




___.___

Medyo wierd yung mga sci-fic ko kasi hindi talaga ako mahilig gumawa ng title with the plot na rin kaya this is my first time, puro tragic and romance ang ginagawa ko and also an action kaya bago sakin ang mga ganitong klase ng genre. Pero sana magustuhan nyooo!!

WATTPAD Titles and IdeasWhere stories live. Discover now