1

316 111 57
                                    

Ada Hope Sario

The sun wasn't shining as I imagined it would be and the breeze was a lot colder than I expected, I was holding my bag closer to me to help me warm up my stomach as my thick hoodie didn't help at all. I was looking outside the window as the bus quietly and smoothly stopped at the station.

"Sampaloc ho!" Narinig ko ang boses nang konduktor at isa-isang nagising ang mga pasahero na tulad ko. Inayos ko rin naman ang aking sarili at naghintay nang tyempo para makababa na rin.

"May bagahe po kayo?" Tanong saakin nang isa sa mga konduktor at tumango naman ako, agad niyang binuksan ang compartment nang bus at doon tumambad ang aming mga bagahe.

Itinuro ko sakaniya ang kulay itim at pula na suitcase ko, agad naman niya itong kinuha at ibinigay saakin. Nagpasalamat ako sakaniya at tinignan ang aking paligid. Alas-sinco palang nang umaga pero maingay na ang paligid, mausok at magulo ang lugar dahil na rin siguro sa dami nang tao at sasakyan na dumadaan dito.

"Asan na kaya si Mrs. Santos?" Bulong ko sa sarili ko, ang sabi kasi nila susunduin ako nang pamangkin nito dito sa station, nagpadala naman ito nang litrato ngunit mas nangingibabaw ang takot ko na ilabas ito dahil baka manakawan ako agad. Halatang taga-probinsya pa naman ako.

Napunta ang tingin ko sa kamay ko na may sugat at pasa, agad ko naman inayos ang sleeves nang hoodie ko para takpan ang mga ito.

The feeling is still surreal, my heart was beating so fast that I lost count of it. Some may think of this as over acting in the situation but for someone like me, it's not. It's a fresh start, a new canvas to paint on. A new chapter of my book and a new paper I could write my own enlightenment and adventures.

"Ada?" Nawala ako sa pagmu-munimuni ko nang may kumalabit sa braso ko, agad ko naman itong namukhaan dahil sa mole niya malapit sa kanan na mata. Iyon kasi ang palatandaan ko sakaniya.

"Kayo po ba ang pamangkin ni Mrs. Santos?" Tanong ko sakaniya at ngumiti naman ito agad.

"Oo, Jherald Santos." Inabot niya ang kamay niya saakin, hindi ko sana ito tatanggapin dahil hindi ako sanay sa physical contact lalo na sa opposite sex pero tinanggap ko pa rin dahil ayokong maging masama o awkward ang unang pagkakakilala namin.

"Pasensya ka na at nahuli ako, hindi ko kasi narinig ang alarm ko." Kinamot nito ang ulo niya at tumango na lamang ako. Kinuha niya ang mga dala kong bagahe pero agad ko naman hinila ang isa sakaniya.

"Ako na dito, mabigat kasi." Agad kong sagot nang bigla niya akong tinignan nang hindi ko mawari kung anong ibig sabihin na tingin.

Hindi ko na lamang ito binigyan nang pansin at sinundan siya hanggang sa makarating kami sa isang tricycle na mukhang hinihintay kami.

"Tara na tol!" Sambit ni Jherald sa tricycle driver at agad naman nilang inayos ang mga dala ko. Sumakay ito sa likuran at ako naman sa loob.

Inilabas ko ang cellphone ko para sabihin sa mama ko na sinundo na ako at papunta na kami sa boarding house. Ilang beses rin akong napabuntong-hininga dahil hindi pa rin ako makapaniwala na andito na talaga ako.

My adrenaline was pumping and my heart felt like it was going to burst, I can't help my tears and they began falling from my eyes. Agad ko naman itong pinahid dahil ayokong isipin nila na baliw ako o ano.

Reckless Decisions of YouthWhere stories live. Discover now