9

115 57 5
                                    

Luna

Hingal akong tumakbo sa tapat namin kung saan humihinto ang jeep, hindi ko na rin nagawang hintayin pa yung dalawa dahil hindi pa sila tapos gumayak eh late na talaga ako sobra. 7:30 AM ang call time ayon sa mga announcement pero 7:30 doon pa lamang ako pumapara ng jeep.

"Grabe late na ako, baka traffic pa ngayon dahil maraming studyante ang pupunta sa general assembly." Bulong ko sa sarili ko at hinintay ang pang-apat na jeep na papuntang Quiapo.

May mga iilan pang dumaan na jeep pero punuhan na sila. Aabot pa kaya ako neto?

To be honest, hindi na rin ako naligo sa sobrang tagal ba naman ni Celestia mag banyo ay nag-shower na lamang ako, ewan ko lang kay Ada kung naligo pa ba siya o hindi na dahil sa pagka-kaalam ko ay pare-pareho kaming 7:30 ang oras ng assembly.

Hindi ko rin alam kung ano pa ginagawa ni Celestia dahil mas naunahan ko pa siyang lumabas ng bahay, eh gayong mas nauna pa siyang natapos mag-banyo.

Hinilot ko ang sentido ko at nakahinga ng malalim nang makapara ako ng jeep, tumingin ako sa relo at napa-iling na lang ulit. 7:50 na, ano nalang ang maabutan ko?

Maraming nasa jeep na nakatingin rin sa orasan, siguro katulad ko rin na late na at hindi pa nakatulong ang traffic na to saamin. Pina-alam na saakin ni ate Wena to kung bakit ba naman hindi ko napatay ang silent mode eh, hindi pa tuloy ako nakakain o naka-inom man lang ng kape.

"Pasuyo po, studyante." Abot ko sa siyam na pesos ko sa mga nasa harapan at maayos naman nilang tinanggap.

Ang hirap naman ng ganito, wala pa akong kilala para sana alamin kung ano na nangyayari sa loob o kung ano sinabi sa guard para papasukin.

Pumara naman ako agad ng makita ko ang building ng FEU at hindi nag dalawang isip na takbuhin ang natitirang layo nang gate.

"Sir, incoming freshmen po. A-attend lang po sa general assembly." Habol hininga kong paliwanag sa guard nang harangin ako.

"Kanina pa ata sila nag-umpisa miss eh, nasa gymnasium sila." Pagkatapos kong magloga-in at mag-iwan ng ID ay dumiretso na ako. Marami rin ang mga studyante, siguro ay mga higher years dahil may mga libro na silang dala.

Agad ko naman nahanapan ang gym dahil may mga direction na nakalagay sa mga bulletin boards nila. Buti na lang at magaling ako sa direction, dahil kung hindi nawala na ako kanina pa.

Marami nang studyante sa loob at may nagsasalita na rin sa harap, nang makita ko kung gaano karaming tao ay bigla akong nahiya. Fudge! Anong gagawin ko?

"First year?" Napalingon ako sa nag-salita.

A man who's a lot taller than me and was holding two boxes was in front of me.

"Opo." Sagot ko at ibinaba naman niya ang hawak niya.

"Late ka na ha?" Tumingin siya saakin na para bang sa height kong 5'6 ay maliit pa rin sakaniya.

"Pasenys na po, na-late po kasi ako nang gising at—." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil itinaas niya ang kamay niya.

"Heeeep! Taga-probinsya ka ba?" Tanong niya saakin, hindi ako nagsalita dahil na-offend ako sa tanong niya. Anong kinalaman ng pagiging late ko kung taga-probinsya ako?

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jan 30, 2021 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Reckless Decisions of Youthजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें