7

137 65 14
                                    

Ada

Matapos naming bumili nang mga appliances ay nagkasundo kami na bumili na rin ng kitchenwares and things for the laundry. Wala kasing washing machine ang boarding at masyado nang mahal kung bibili kami ngayon lalo na't hindi naman lahat saamin ay may kaya.

"I think the pastel color would suit the house since it has a pale paint color." Serena suggested when we were looking at the kitchen rack and other kitchen utensils.

Serena and I were in-charge of the kitchen samantalang yung tatlo ay nag hanap ng timba at mga palanggana na gagamitin sa paglalaba.

"How about these? They seem nice and sturdy plus it's on sale." Pinakita niya sa akin ang bundle bundle na pinggan at mga kutsara't tinidor na naka-sale

"Let me see." Tinignan ko ang mga pinggan na babasagin at ang mga kulay gintong kutsara at tinidor.

"I think these are okay." Nilagay ko sa cart ang mga napili niya at dumiretso para tuminging kitchen rack.

"Ada, my bladder is about to explode. Wait for me here, I'll just find a bathroom." Dali-daling nawala sa paningin ko si Serena, natawa naman ako dahil lakad takbo ang ginawa niya.

I was roaming around the aisle when someone patted me on my shoulders.

"Andito rin pala kayo." Kuya Jherald was standing there also holding a cart.

"Ah opo, bumibili lang kami nang mga kelangan sa bahay. Kasama niyo po si Mrs. Santos?" Ngumiti naman siya at umiling.

"Ako lang mag-isa, bumili lang rin ako nang mga stocks ko at mga gamit na rin para sa pasukan." Tumango-tango naman ako sakaniya, hindi ko na nagawang magsalita o mag-open nang ibang topic dahil hindi naman ako sanay sa ganito.

"Kung ayos lang sainyo sabay-sabay na tayo umuwi para matulungan ko kayo sa mga dala niyo." He offered, I wanted to decline him but upon seeing the things we bought an extra help would be really needed.

"Okay lang naman po, salamat." Ngumiti siya at sinundan lang ako sa lahat ng pinupuntahan ko.

"Ada, mahilig ka ba magsulat?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. How did he know?

"Hindi po." Pagsisinungaling ko, I just don't enjoy writing. I love writing but somehow things went out of hand and I think I lost my passion in it.

"Bakit kasi?" Tanong ko habang nakatuon ang pansin ko sa mga pitsel at icecube maker sa harapan ko.

"Wala naman, akala ko kasi mahilig ka." Tumingin ako sakaniya at ang unang nakita ko ay ang mata niyang naka-titig lamang saakin kaya naman agad akong umiwas ng tingin.

"Madami talaga kayong nabili ano?" Pag-iiba niya ng topic nang mapansin sigurong hindi na ako umiimik sa sinabi niya.

"Oo nga po eh." Natatawa kong sagot nang makita ko ang dalawang cart na hila-hila ko dahil sa pesteng ihi ni Serena. 

"Asan yung tatlo?" Tanong niya nang mapansin na da-dalawa lang kami ni Serena ang mag kasama.

"Nasa ibang aisle sila kuya, kami kasi in-charge ni Serena sa appliances." Sagot ko.

Reckless Decisions of YouthWhere stories live. Discover now