Halftime

2.4K 224 199
                                    

Pagkagising ko, tiningnan ko kaagad ang cell phone ko dahil alam kong naiwan ko siya kagabi sa mga salita ko.


Champ: Hope

Champ: Binabaliw mo ko.

Champ: And that's just an additional 0.01%

Champ: What more if it reaches 1%

Champ: Or 50%

Champ: Hey

Champ: Tulog ka na siguro.

Champ: You're unfair.

Champ: Leaving me like this.

Champ: Damn.

Champ: Is this your strategy? Puyatin ako para matalo ako bukas?

Champ: Because you're winning.


Tapos may picture ng pusa. Napangiti ako.

Pero nang napagtanto kong nakangiti nga ako, sinampal ko ang sarili ko.


Champ: Good night, Hope.

Champ: I'll win tomorrow. :)


"Asa ka, boy," sabi ko sa cell phone ko at bumangon.

Kumuha muna ako sa ref ng dark chocolate bago mag-home workout at saka ako naligo at nagbihis ng pang-basketball—itim na jogging pants at T-shirt. Alam kong maaga pa, pero ayaw ko kasi 'yong palit nang palit.

"O, may puntahan ka?" tanong ni Papa pagkababa. "Wala namang laro ngayon."

"May basketball ako, Pa."

Nakita kong tumaas ang kilay ni Francis habang papaupo para umpisahan ang agahan. "Kailan ka pa ulit nag-basketball?"

Hindi ko na lang siya sinagot. Alangan naman na sabihin kong kami ni Champ ang magba-basketball at baka lakihan lang ako ng mata nina Mama at Papa. Tahimik lang ako kumain.

"'Nak, pupunta ka ba sa next game ni Champ?" tanong ni Papa.

"Wednesday 'yon, Pa. May clinic ako."

"Ay, oo nga pala."

"Bakit?"

"Suportahan ko lang manugang ko."

Bigla akong nabilaukan dahil hindi ako handa sa sinabi ni Pa. Inabutan ako ni Mama ng tubig. "Juanito, ayan ka na naman."

"Bakit?" tanong ni Pa kay Ma. "Twenty-three ka naman nang kinasal tayo."

"At? Gusto mo ipag-asawa si Hope next year? May budget ka ba? May ipangkakain ka ba sa mga apo natin?"

Natawa si Francis. "Ate, ibig sabihin, okey na silang mag-asawa ka. Basta may budget," bulong niya sa 'kin habang nagtatalo ang mga magulang ko. Nag-eye roll na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Umakyat na ako sa taas pagkatapos at nagpahinga. Ang ginawa ko, nag-search ako sa YouTube ng "Champ Fernandez," at saka pinanood 'yong mga video tungkol sa mga "legendary moves" niya. Naghintay na lang ako hanggang sa mag-alas dose at saka nagpaalam at nagkomyut papunta sa Starbucks malapit sa 'min.

Buzzer BeaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon