Fourth Quarter

2K 202 223
                                    

Pagkagising na pagkagising ko, binuksan ko kaagad 'yong chat box namin ni Champ. Ayun na nga, nakita ko na naman ang pa-"I love you" niya.

Wala pa nga pala akong reply. Di ko rin kasi alam ang isasagot.


Hope: Good morning.

Hope: Sorry di na ako nakapagreply kagabi. Shookt haha

Hope: Hindi pa ba maaga?

Champ: Good morning :)

Champ: Maaga. 6 a.m. pa lang.

Hope: WEH EWAN KO SAYO 🔪 🔪 🔪

Champ: Haha

Hope: But seriously. Yung sinabi mo kagabi.

Champ: I love you

Hope: Yeah...that

Champ: I mean, I'm saying it again.

Champ: I love you.

Hope: LUH 🙄 🔪

Hope: 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪

Hope: Kakakilala lang natin halos a month ago. Parang mabilis?

Champ: When's the right time to say that then?


Bigla akong natameme. Naisip ko nga kung maaga pa para maramdaman namin—I mean niya—'yon. Pero kailan nga ba ang tamang panahon? Kailan ang "maaga"? Kapag one year na ba kaming magkakilala, "tama" na ba 'yon? So may maling oras ba?

Siyempre "maling oras" ang "I love you" na taken na 'yong tao. Pero romantically at sexually at spiritually available kaming dalawa, so walang humahadlang.

Uulitin ko, self, tanong ko sa sarili ko. May maling oras ba?


Hope: I don't know.

Champ: We can talk about this next time. Kapag mas mahaba ang oras.

Hope: Malay ko sa love na yan. Di pa naman ako romantically na in love

Champ: Even with me?

Hope: Hmm. 🔪

Champ: Hahaha kidding

Champ: Be safe okay? Let me know kung nasa arena na kayo. :)


Bumangon na ako at nagluto ng hotdog, corned beef, itlog, at sinangag, at pinagtimpla ng kape sina Mama at Papa. Milo lang ang hinanda ko para sa sarili ko at sa kapatid ko dahil hindi nga kami mahilig sa kape.

"Wow, ano 'to, practice sa pag-aasawa?" tanong ni Francis nang nakita niya 'yong breakfast na nakahain.

"Ilang taon na akong nagluluto ng agahan para sa 'yo, ngayon mo lang ako sasabihan niyan?"

"Ngayon mo lang ako tinimplahan ng Milo," sagot niya. "One level ahead 'yon."

"Nag-good morning ka na ba kay Champ?" tanong naman ni Papa. Nanlaki ang mata ko. Luh, ako pa talaga ang inutusan ni Papa, ano?!

"Ayan ka na naman sa anak mo," gatong ni Mama pagkatapos niyang paluin si Papa sa braso. "Tumigil ka nga."

"Pang good luck lang kamo."

Buzzer BeaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon