Overtime

2.2K 197 218
                                    

Lumabas ako ng kuwarto nang may kulot na buhok at puting lace na top at pants. Matagal na 'tong nakatago sa cabinet ko, pero wala kasi akong makitang paggagamitan. Fifty pesos lang kasi sa ukay-ukay, tapos parang kagaya pa ng mga suot ng J-pop idol na parang manika.

"Hoy, Francis," tanong ko pagkalabas ko ng kuwarto. "Oks ba itsura ko?"

"Okay lang," sagot niya. "Saan ba lamay?"

"Alam mo, peste ka, e."

Pero tinawanan lang niya ako. "Okay nga lang. Ano bang gusto mong sabihin ko? Na maganda ka? Na hindi ka kamukha ng kapatid ko? O, ayan, nasabi ko na."

Binato ko ng unan si Francis. "Scam talaga mga magkapatid sa telenobela, e. Napaka-helpful mo, ano? Thanks."

"You're welcome."

"Ma!" Bumaba ako para tanungin si Mama kung pasado na ba sa kanya ang get-up ko. "Okay ba OOTD ko?"

"Anong OOTD?" tanong naman ni Ma. "May sakit ka ba?"

"Ha? Hindi. 'Outfit of the day' 'yon."

"Wala ka bang ibang blouse? Parang galing sa kurtina natin 'yong blouse mo."

"Alam mo, 'Nak," sabat naman ni Papa, "kahit anong suot mo, kung gusto ka talaga ni Champ, magagandahan 'yon sa 'yo."

"So ang sinasabi n'yo ba ay pangit 'yong blouse ko?"

Nang nakatingin na silang dalawa sa 'kin, umakyat ako, nag-picture sa salamin, at saka pinadala sa group chat namin nina Rihanna.


Hope: Help

Hope: Ok ba to? Ano maganda isuot nyemas

Beyonce: Wow nagpakulot si ate girl

Beyonce: Cute mo te! Bet ko!

Hope: Bakit ganon? Sabi nina mama mukha raw akong kurtina. Itong si Francis mukhang aattend ako ng lamay

Lovely: Bet ko rin. Okay naman ha

Hope: Papalitan ko na lang

Lovely: Luh nagtanong ka pa samin 😂 😂 😂

Hope: Di ko na alam. Magbebestida ba ako

Hope: NAKAKAPRESSURE NAMAN

Beyonce: Yung naka clinic uniform ka nga, tinamaan si champ e. baka kahit naka rapper getup ka, sabihin pa rin non he wants nobody nobody but you

Beyonce: don't panic
Lovely: kung gusto mo pa ring maglace, sa underwear na lang. 👀 better ready than never

Hope: Tumigil ka 🙄 🔪 🔪 🔪

Lovely: may jersey ka na lang or basketball attire ganern

Hope: Hindi naman kami magbabasketball. Like legit date nga

Lovely: para ready ka in case magshoot that ball 👀

Beyonce: HAHAHA NAPAKAAAA ANO ang aga aga lovely!!!!!!!

Hope: 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪 🔪

Beyonce: I suggest doon ka sa comfortable. Kailan ka pa naging comfortable sa bestida???? Last time na nagbestida ka kasama naming nasa damit mo lang kamay mo

Buzzer BeaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon