Chapter 3

47 14 0
                                    

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Firence. Tahimik na sumasabay sila Ole samin. Tinatantsa ang mood namin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakd hanggang sa naka abot ng parking lot. Nandun din naghihintay ang coach nila-Coach Yuan.

"Wala ka nung game ah?"Bungad sakin ni Coach. Nakipag apir naman ang ibang players sakanya.

"Eh kasi coach. Nahuli nag phone sa klase. Si ma'am Ancheta pa mandin"Si Hanzei ang sumagot.

"Ayan. Text pa kay Tristan"Sagot niya. I didn't answer. Walang kumibo. "Ikaw pala ka text niya ah. Kaninang umaga pa may katext yang si Montalla eh. Habang nasa training"Tinanguan niya si Tristan.

Nilingon ko si Tristan pero umiwas ito ng tingin.Hindi siya sumagot pero dinikit niya yung dila sa loob ng pisnge niya.Tinaasan naman ako ni Grace ng kilay. Pigil tawa naman sila Julius. Mukhang mga aliw sa nangyayari.

"Ay boom mali"Ole said kaya napalingon si coach sa likod ni Tristan. Napakamot ito ng ulo ng may narealize. Napailing nalang si Firence at mahinang natawa. Gaydei even punch coach's arm. Mahina lang naman. Close kasi kami kay coach Yuan. Minsan nga Yuan lang tawag namin jan eh. Sa inuman.

"Mali nga"Natatawang sabi niya. Nakitawa naman sila James. "Anyway. Congrats team"Nakangisi niyang dagdag. Pang iiba niya sa topic.

"Pang anim mo na yan ah"Julius said na parang barkada lang si Coach.

Pasimple akong tumingin sa likod ko. Dala ni Tristan ang bag ni Grace. Nag bubulungan ang mga ito. Umiwas ako ng tingin kaya napunta kay Firence at Gael ang tingin ko. Tinaasan ko sila ng kilay ng makitang naka ngisi ang mga ito sakin. Trip nanaman nila mang asar. Hayop.

"Jerain. Sama kayo. Maghahanda ang team"Baling ni coach sakin. Nilingon ko sila Gaydei, pero nakikipag landian ito kay Miko. Nag bubulungan kasi habang naka upo sa hood ng kotse ni Andrei. "Nauna na sila Ivan doon"Banggit niya sa ibang players.

"Sige coach. San ba?" Hanzei asked at siniko ako. Kunot noo ko itong tinignan. But she didn't say anything.

"Doon daw sa bahay. Pool party with barbeque"Sagot ni coach kaya agad kaming pumayag. Nilingon namin si Tristan nang bigla itong sumingit.

"Pass ako Coach. Uwi si Grace sakanila"He said and turned his gaze to me. I avoided it and looked at my phone instead.

"Sunod nalang kayo,Montalla"

"Pero coach. Nueva Ecija pa siya. Baka dun ako matulog"Alanganin nitong sagot.

"Eh? Pano uuwi si Je?"Pasimpleng tanong ni Firence kaya siniko ko. Nananadya na to kanina pa ah? Makaka halata si Tristan niyan eh.

"Why? Can't she go home alone?"Gulat kong tinignan si Grace na biglang sumabat. "Babe,elem ba siya? Kapatid mo ba?"Nang aasar niyang dagdag habang naka tingin kay Tristan. Sinuway naman siya nito.

Si coach naman ay hindi na alam ang gagawin dahil mukhang naka ramdam ng tensyon. Si Firence naman ay mukha ng gustong sumagot pabalik. Si Hanzei ay kumapit sakin. Si Ole at Dex naman ay sinesenyasan si Tristan gamit ang mata.

I smiled at Grace.

"Je..."Firence called.

"I can go home alone. But I'm sure Tris won't let me"Ngiti ko sakanya. Umiling naman si Tristan. Inalis ko ang Id ko at pinakita sa harap ni Grace. "Yes elem. Kapatid din siguro ni Tristan Montalla kasi ako si Jerain Cruz"Kalma kong sagot sakanya.

"Babe oh. Inaaway ako"Sumbong niya kay Tristan at kumapit na parang linta sa braso nito.

Mahinang natawa ang mga kasama ko. Napailing nalang ako sa bagong jowa nitong si Tristan. Hinila ni Tristan palayo si Grace at kinausap. Sila Firence naman ay inaya sila Gaydei na lumapit. Pinaguusapan nalang namin kung paano yung pag punta kina Coach. Matutulog daw kasi sila Ole doon. Wala namang pasok bukas eh. Si Julius naman ay uuwi daw sakanila, same subdivision kasi sila ni Coach. Si James,Gael,Vann at Andrei lang ang uuwi. Si Gaydei ay sa apartment daw matutulog. Kalaunan ay nag paalam sila Tristan na aalis na. Lalapitan sana ako nito ng hilain siya ni Grace. Inismiran pa ako nito bago umalis.

LDM1: If I can't have you[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon