Chapter 4

45 16 1
                                    

"Fuck. My head hurts"

Napahawak ako kaagad sa ulo ko bago dahan dahan na bumangon. Inalis ko ang kumot sa sobrang init. I check my phone beside me. Napamura nalang ako sa inis dahil nalimutan ko itong icharge. Nalimutan ko din kung paano ako naka uwi.

Basta ang naaalala ko lang ay agad kaming umalis ni Miko bago pa kami mapansin nila Firence at agad bumalik sa table. Limang minuto pa bago bumalik si Firence. She's blushing. At wala na akong maalala.

Tinignan ko ang side table ko. May alarm kasi ako dun. Napailing nalang ako ng makitang alas onse na. Pero napakunot ang noo ko nung may makitang gamot para sa head ache or hang over. May tubig din. Wala namang notes gaya ng nasa ibang libro. Maybe Firence didn't drink much? May naamoy din kasi akong nag luluto. Iniisip na baka siya ang nag lagay ng gamot.

Dahan dahan ang tumayo sa kama ko. Dala ang gamot at tubig. Ang sakit talaga ng ulo ko eh. Letse naman ng Patron na yan. Soju nalang talaga next time. Better yet, hindi nako iinom. Nilapag ko ang gamot sa gilid saka dumeretso ng banyo para mag toothbrush. Pagkatapos ay pumunta ako ng dining. Naka upo dun si Firence at kumakain ng fried rice at scrambled egg. Hindi manlang ako nilingon. Dahan dahan akong umupo sa tapat nito. Tinignan lang ako at ngumisi bago kumain ulit.

"Wow. Goodmorning din ha"I sarcastically said. Hindi manlang ako binati ng magandang umaga.

"Correction. Good noon na"Gulat akong lumingon kay Tristan na may dala dalang pinggan. Sa isang kamay naman ay ang ulam na scrambled egg. Nilapag niya ito at bumalik sa kusina. I looked at Firence. With confused eyes. She just shrugged. Eh bakit ba kasi nandito to? Ang aga aga? Akala ko ba nasa Nueva Ecija?

"Gael texted me"Tristan said at umupo sa tabi ko. Nilagyan niya ng fried rice at ulam ang pinggan ko. Pinapanood ko lang ang galaw niya.

"Sana all"Mahinang sabi ni Firence at niligpit ang pinag kainan. "Kwarto lang ako"Sabi niya at iniwan kami ni Tristan.

Nag simula nalang akong kumain habang siya ay naka tingin sakin. Hindi ako nag salita. Hindi ko din naman alam ang sasabihin ko. At kung may sasabihin ba ako. Pasimple akong nag buntong hininga. Ayoko ng ganito. Hindi kami ganito eh.

"Bat ka galit?"Tristan softly asked. Nalunok ko agad yung nginunguya ko. Puta bat ba siya ganyan?

"Hmm? I'm not mad"I answered. Uminom ako ng tubig. Sakit sa lalamunan nun ah? "Atsaka bat ka pala andito? Ineexpect ko,bukas ang uwi mo"Pag iiba ko ng usapan. He sighed. Kinuha niya ang gamot,at binuksan ito. Tinapat niya ito sa bunganga. Iniwas ko ang mukha ko. Anong ginagawa niya?

Nilapag niya sa paglagyan yung gamot. "Gael texted me. Ang wasted mo na daw. You even flirted with Kuen"Umiwas ito ng tingin pero pansin ko ang pag lapat ng dila niya sa loob ng pisnge niya.

"What's new? Ganon naman ako pag nalalasing diba?"I smirked to hide the awkwardness  at ininom ang gamot na inihanda niya.

"Yes"He answered kaya tumango nalang ako. Napaiwas lang ng tingin nung tumunog ang phone niya. Grace's number was registered. He looked at me at tumayo sa upuan niya. "Ganon ka pag lasing..."He trailed off kaya nilingon ko siya. "Pero sakin ka lang dapat ganon"He added na kinagulat ko. I was about to react when he hurriedly left the apartment. "Yes babe?" Answering the phone.

I sighed. Hindi manlang nag paalam na aalis na. Hindi din siya ganyan dati kahit may girlfriend siya ah? I was always his priority. Funny. Was.

Inayos ko nalang ang napag kainan. Nag urong nalang din ako ng mga nagamit. Nawala ata bigla yung hang over ko dahil nawala din yung mood ko. Matutuwa na sana ako kasi pumunta siya dito kahit anlayo ng byahe. Tapos naasikaso pa kami. Pero wala, maaagaw at maaagaw pala talaga yung oras niya. Matapos mag hugas ay bumalik nalang ako ng kwarto ko. Sobrang nakakawalang gana. Dati kasi basta sabado, gagala kami ni Tristan or kaya ng Barkada.

LDM1: If I can't have you[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon