Chapter 7

25 11 0
                                    

"Pass daw si Tristan. Check up ng aso ni Grace"Bungad ni James sakin at inabot ang vitamilk na pinapabili ko. Umupo ito sa tabi ni Vann at kumuha ng chips.




Andito kami ngayon sa bahay. Inaya kasi ni daddy ang barkada niya tapos mga anak nila. Birthday kasi ni tito Jovan. Inaya din nila si tita Jeydrein, but she turned down the invitation. Maybe she knows that it'll be awkward. Anniversary sana nila ni daddy ngayon. Blessing in disguise na din siguro ang check up ni Grcae. Di naman pupunta yun,kahit walang gagawin.





"May shot ba mamaya?"Bulong ni Julius kay Vann na rinig na rinig namin.




"Nom-i nanaman ang naririnig ko jan,mga utol!"Sigaw ni tito Jako. Pababa ito dala ang bilao ng palabok. Kasunod naman si tita Jadei na may hawak na dalawang petser ng nestea.





"Si Juan yun tito!"I shouted. Sumama ang tingin sakin ni Julius.



"Ang baho ng Juan"Reklamo niya. Binato ni James si Julius. Kaya lumingon ito kay James na naka ngisi.



"Ang baho ni Juan?"Ulit ni James. Kaya agad siyang hinabol ni Julius. Juan Luis kasi ang full name niya. Julius ang nickname. Ayaw niya kasi ng Juan.




"Julia Annica. Lowell Sevros" Ianna recited. "Tapos Juan Luis ang anak" Natatawa niyang dagdag kaya natawa nalang din kami. Ang ganda kasi talaga ng name ng parents ni Julius.





"Hoy, kain na dito! Nom-i mamayang alas kwatro" Pag aaya ni tito Jovan. Agad natigil sa pag hahabulan ang dalawa at nag unahan pa sa pag punta sa kusina.







Kinabukasan ay 11 AM na kami nagising. Nag aya naman sila Firence na mamili ng mga magagamit para next week. Sa susunod na linggo na kasi ang pag punta namin ng Zambales. Since I don't have some swim suits, I agree to go with her. Inaya din namin ang mga lalaki pero sina Andrei,Ole,Julius,Gael at Miko lang ang pumayag. Mag lalaro nalang daw sila James,Vann, at Dex.









1:30 na nung nakapag bihis kaming mga babae. I'm wearing my black jogger pants paired with white halter top and white adidas shoes. Si Firence naman ay nag suot ng denim skirt, blue buttons up na hanging at nag grey flat sneakers ito. Naka black pants and grey v neck shirt lang naman si Hanzei then black converse shoes. Si Ianna naman ay nag denim shorts, white and black stripes buttons up, and white converse. Gaydei is wearing a black tube top jumpsuit.




Sila Ole naman ay nag hihintay sa sala. Napailing nalang ang mga ito nang marinig kaming pababa. Tumayo at pumalakpak sila Andrei at Miko.





"Puta? San punta niyo? Mag s'shopping kayo, hindi fashion show"Andrei said. The others agreed.



"Nahiya suot natin mga bro"Iiling iling na sabi ni Julius. Naka nike jersery shorts na grey kasi ito at black sweatshirt, tapos slippers nalang.


Ganon din sila Ole. Si Gael at Miko naman ay naka jogging pants at black shirts. Napa face palm nalang si Hanzei.

"Mag palit kayo! Baka isipin nila yaya namin kayo"Natatawang sabi ni Ianna. The boys snorted pero sumunod din.


"Gagabihin tayo nito eh"OA na sabi ni Gael.










"Gael, samahan mo ako. May bibilhin tayo"I said to Gael. Inabot naman niya ang shopping bags kina Miko.





Naka anim na shopping bags na kasi kami. Naka bili na kami ng ilang mga swimwear sa H&M. Pati ang mga lalaki ay bumili ng bagong mga trunks. Napadaan din kami sa Zara. Bumili kami ng mga maxi dress doon. Napabili din ng flops sa Adidas sila Miko. Ngayon ay nandito kami sa baggage counter. Dadaan pa daw kasi sa Uniqlo, Hermes at Puma sila James.




LDM1: If I can't have you[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon