CHAPTER 1

60 8 14
                                    


What we really want to do
is what we are really meant to do.
When we do what we are meant to do,
money comes to us, doors open for us,
we feel useful, and the work we do
feels like play to us.
–Julia Cameron

___________________________________

Meet Ella Mariano the pure spoiled brat girl who loves to hangout everywhere. A girl who say's " I don't need to go to school anymore because I am already rich"

"Ate! Wake up! you need to be ready for the party mamaya!" tugon ng isang binata na kapatid ni Ella

"Hays! Ano baaa Klerk? 5 minutes naman oh inaantok pa ako" sagot niya sa kaniyang kapatid ngunit hinila lang siya nito at kinaladkad agad sa banyo

"Bwiset! kitang natutulog pa eh!" Sigaw niya sa kapatid ngunit lumabas na ito ng kwarto, she has nothing to do but to follow him.

"Ano ba meron mamaya? Ba't ang aga akong gisingin? anong oras na ba?" bulong niya sa sarili pagkatapos niyang maligo dahil hindi niya maalala kung anong meron

*Toktok*

Nabigla siya sa kumatok kaya pinagbuksan niya nalang 'to

"Ma'am? Ito na po ang gown na susuotin niyo nasa baba na din po ang make-up artist niyo kaya po magbihis na kayo utos po ng mama niyo" tugon ng yaya niya, matanda na ito mga nasa 50's na ata

"Okay wait yaya, ahm where's dad?" tanong niya agad ng maalala na birthday pala ng mommy niya ngayon


"Nasa office na po maaga po siyang umalis eh, si sir Klerk naman lumabas bumili ng cake" sagot ng yaya nito at napabuntong hininga nalang siya dahil busy na naman ang daddy niya sa work nito

Wala ng ibang inatupag Ito kundi puro trabaho minsan nalang sila makakapag bonding ng buong pamilya niya kaya nalulungkot na siya

Madalas pa nga siyang nagtatampo dahil minsan hindi na siya nito napapansin, kaya wala nalang siyang ibang nagawa kundi ang mamasyal.

"Ah sige yaya, salamat nalang dito." Tanging sambit niya at tuloyan ng lumabas ang kaniyang yaya

Napaupo nalang si Ella sa kama niya habang tinitigan ang gown na susuotin niya mamaya, kulay pula ito na may flower design na kulay ginto

"Magkano na naman kaya 'to? Baka mura lang 'to ayoko magsuot ng cheap na damit duh!" Naiinis na sabi niya

Ganiyan siya lagi, mag-iinarte kapag hindi nagustuhan ang isang bagay. Naniniwala kasi siyang marami silang pera at hindi ito mauubos agad inshort rich kid.

Makalipas ang ilang oras agad na umakyat ang mga baklang mag-aayos sa mukha niya, pasado alas 4:00 na at mamayang 7:30 pm magsisimula ang nasabing party

"Iha hindi mo na dapat kailangan mag make-up Kasi ang ganda-ganda mo na" sabi ng isang beke sa kaniya

"Nako, I'm used to it haha" plastic na sabi niya sabay inom ng milktea na 30% sugar lang dahil ayaw niya sa matamis ayaw na ayaw niya kasing tumaba, matangkad din kasi ito at pang model ang awra.

AMOR POSPUESTO (ONGOING)Where stories live. Discover now