CHAPTER 5

51 3 0
                                    


He who loses money, loses much;
He who loses a friend, loses much more;
He who loses faith, loses all.
-Eleanor Roosevelt

______________________________________

PATAKBONG pinasok ko ang office ni daddy, pinapunta kasi ako dito ng secretary niya because of dad's business. At sa hindi inaasahang pangyayari, nalugi pala si dad at matagal na siyang nalubog sa utang doon sa ka business partner niya. Sinisingil na kami nito at 'yun ang laman ng letter na binasa namin kagabi, ang nagpaguho ng mundo ko.

Hindi ko na tinitignan ang mga nakakasalubong ko, nagagalit na 'yung iba dahil nabubunggo ko na sila pero diretso lang akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa office ni dad.

"Hi ma'am, good morning." bungad sa'kin ng secretary ni daddy, ngumiti nalang ako sa kaniya habang hingal na hingal parin ako.

"Set." dagdag pa nito kaya agad nalang akong umupo. Nanginginig akong nakatingin sa paligid ng office ni daddy, ang matagal na niyang pinaghirapan pero baka ngayon o sa sumunod na araw ay tuluyan ng mawala sa 'min.

"Hmmn, okay let's begin." pambabasag niya sa katahimikan na bumabalot sa loob ng office, napatingin naman ako agad ng diretso sa kaniya.
"S-sige po." tanging sagot ko sa kaniya, kinuha naman niya ang ibang papeles na nakalatag sa lamesa niya at inabot 'to sa 'kin.

Inexplain niya sa'kin ang lahat ng nangyari sa business namin, kung papano ito bumagsak at dahil doon ang bahay namin ang ipapambayad sa mga utang. Bumuhos naman agad ang mga luha ko, papano na? Nawalan nanga kami ng mga magulang tapos pati ngayon bahay naman namin ang mawawala? Saan na kami pupulutin ngayon? Huhuhuhu

"So nais na talaga ni Mr. Smith na magbayad kayo, actually 1 year na 'yung utang ng daddy mo." Sabi niya na naging dahilan upang mapaluha ako ulit, naalala ko naman bigla si mommy noong umiyak siya dati sa library hawak-hawak 'yung mga papeles, at Ito pala 'yung mga papeles na 'yun na hawak-hawak ko na ngayon.

"W-wala na po ba talagang ibang paraan? O palugit man lang, kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko diyan." Sagot ko at napahawak nalang ako sa mukha ko, lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako habang hinihimas ang aking likuran, sumandal nalang ako sa kaniya at umiyak ng tuloyan.

" Ano okay ka na ba? Ihahatid kita sainyo." Sabi niya sa'kin. Ilang minuto rin akong umiyak at nag-isip ng paraan kung paano ko masusoluyonan ang problema na'to. Pero sadiyang napakahirap pala, lalo na't complicated na ang lahat at minamadali na kaming pagbayarin ni Mr. Smith. Siguro nga kailangan ko ng ipaubaya ang bahay namin bilang pambayad sa lahat ng utang ni daddy. Okay na siguro 'yun upang hindi kami singilin pa ulit. Wala naman din akong pera para bayaran siya kaya no choice ako kundi ipambayad ang bahay. Ang matagal ng pinaghihirapan ng pamilya ko, ang bahay namin ay mawawala na ng tuloyan sa aming mga kamay. Wala na, wala na ang lahat. Huhuhu!

"Hindi na po, uuwi nalang po ako at aasikasuhin ko muna ang mga documents ng bahay. Desidido na po ako doon dahil wala naman na akong magagawa, walang pera...ubos na." tanging sambit ko habang pilit na ngumiti sa kaniya.

"Magpakatatag ka Ella, andito lang ako para sa'yo. Minsan talaga kailangan mong isurrender ang mga ibang bagay, masakit man 'to ngunit kailangan mong tanggapin. Proud ako sa'yo dahil nagagawa mo paring ngumiti kahit na alam kong napapagod kana. Laban lang Ella!" Sambit niya sa'kin saka siya ngumiti, nginitian ko din siya pabalik at nag wave nalang ako sign na aalis na ako kaya tuloyan naakong lumabas sa opisina.

AMOR POSPUESTO (ONGOING)Where stories live. Discover now