CHAPTER 3

27 5 0
                                    


There is a saying in Tibetan,
' Tragedy should be utilized as a source of strength.'

No matter what sort of difficulties, how painful experience is, if we lose our hope, that's our real disaster.
-Dalai Lama XIV

______________________________________

PAGLAPIT ko sa kapatid ko naabutan ko siyang umiiyak at nakaluhod kung kaya't agad ko siyang niyakap dahil nasasaktan ako na makitang nagkaganito ang kapatid ko, alam kong mahina rin siya gaya ko, na nagtatapang-tapangan lang sa harapan ng madaming tao ngunit ang totoo ay hindi, hinding hindi.

"Ate, ate.... wala na sila" sambit nito habang patuloy na humihikbi, hindi! hindi ko kayang mawala ang mga magulang ko. Ayaw kong mawala sila sa piling namin ng kapatid ko huhuhu mama, papa huwag mo kaming iiwanan

"Ssh, hindi totoo 'yan okay? Buhay sila, at babalikan nila tayo! tandaan mo 'yan" bulong ko sa kaniya habang hinihimas ang kaniyang likod, kahit ang bigat ng nararamdaman ko ngayon ayaw kong ipakita 'yun sa kapatid ko, ayaw kong makita niyang mahina ako dahil siguradong manghihina din si lalo.

"Pero ate, dinala na sila sa morgue, dead on arrival na raw kasi sila" dagdag pa ng kapatid ko habang patuloy sa pagtulo ang kaniyang mga luha, niyakap ko nalang siya ng mahigpit dahil sa mga oras na 'to alam kong hindi na mapi-peke ang nararamdaman ko, ang sakit sakit na!

"H-hindi, hindi 'to totoo. " Sambit ko ng makitang nakahilata ang mga magulang ko dito sa morgue habang tinabunan na sila ng puting kumot. "M-mama.....p-papa bakit?" Patuloy ko pa habang niyayakap ko ang bangkay nila, ayoko nito! Ayokooo! patuloy paring tumutulo ang mga luha ko habang niyayakap sila, pinikit ko naman ang mga mata ko at inaalala ang mga masasayang alala namin dati, mga ala-alang hindi ko na mararanasan pang muli..dahil wala na sila... Wala na ang mga magulang namin


"Sa wakas anak at nakasabay kang magsimba saamin ngayon." nakangiting tugon ni papa habang inaakbayan ako, sumunod naman sila mama sa likod at si Klerk. Nandito kami sa simbahan dahil birthday ngayon ni papa, magpapasamat kami sa biyayang natanggap namin at sa another year ni papa. Nakakatuwa lang dahil nakasama na 'ko sa kanila, lagi kasi akong busy sa gimikan.
"Oo naman papa, birthday mo eh" tanging sagot ko habang nakangiti, nakasuot ako ngayon ng favorite kong dress na bigay ni mama at papa sa 14th birthday ko kaya gusto ko 'to, sa katunayan nga lagi ko itong sinusuot sa bahay kaya pinapagalitan ako ni mama dahil hindi naman daw 'yun pang bahay.

Pagkatapos naming magsimba agad kaming pumunta sa isang resto, dito kami mag c-celebrate ng birthday ni mommy, hindi pa kasi gaanong kalaki ang sweldo ni daddy kaya tipid tipid muna kami, balang araw magiging mayaman din kami.

"Papa... Mama ko, patawarin niyo ako sa mga naging kasalanan ko sainyo, hindi ko pinahalagahan ang mga sakripisyo niyo para sa pamilya natin, mama.. papa sana maging masaya kayo kung nasaan man kayo ngayon... Sana maging maayos rin kami at ni Klerk at makayanan ang mga pagsubok na 'to.... Patuloy niyo sana kaming gabayan kahit wala na kayo sa piling namin.. Mahal na mahal ko kayo, pasensiya na kung naging pasaway ang panganay niyong anak dahil sa kapabayaan ko sa lahat nakalimutan ko na kayo.. ang bobo ko! Sinayang ko ang mga panahong magkasama pa tayo...."

Hindi ko maiwasang maiyak ng lubusan habang yakap-yakap ang bangkay nila.. ang sakit sa dibdib, kasalanan ko 'to eh! Ito ang kabayaran ng lahat ng mga kasalanan ko

"Ate tara na.. kailangan na nilang maayos upang maihanda ang libingan." Sambit ng kapatid ko habang hinihimas niya ang likuran ko.

"Saglit lang." tugon ko at unti-unting kumalas mula sa pagkakayakap sa kanilang malamig na bangkay, sa huling sandali sumulyap muna ako sa kanila bago tuluyang lumabas.

Ilang araw na din matapos mailibing sila mama at papa pero nandito parin ang sakit at kirot sa puso ko. Hindi ko talaga matanggap na wala na sila. Nandito kami ngayon ni Klerk kasama si Aling Isadora sa cemetery upang bisitahin sila. Pinagpag ko muna ang mga lapida nila bago tuluyang umupo sa damuhan

" mama... papa, miss na miss ko na po kayo." Bulong ko habang nakatingin sa kanilang lapida, maganda ang pagkakaukit ng pangalan nila dito at pinalagyan ko pa ng mga picture nila.

"Ate, kung nandito lang sila papa sana nakapunta na tayo sa America ." Nabigla ako sa sinabi ng kapatid ko nasamid tuloy ako sa iniinom kong milktea, naalala ko 'yung araw na hinatid kami ni papa at nag promise siya na kapag good grades kami ipapapasyal niya kami sa America, ngunit dahil sa'kin hindi 'yun natuloy, nakakalungkot dahil alam kong sabik na sabik na ang kapatid ko pumunta at talagang nagsikap siya para doon ngunit sinira ko lang ito, lahat ng sakripisyo nila naging useless because of what I've done

"Balang araw makakapunta din tayo doon Klerk, asahan mo magiging successful tayo!" sabi ko sa kaniya upang hindi siya panghinaan ng loob, nakita ko naman siyang natawa nalang dahil alam siguro niyang impossibleng magiging successful ako kapag hindi ako nag-aaral ng mabuti, at talagang galing pa talaga sa'kin 'yun ha? Eh wala naman akong paki sa pag-aaral ko pero siguro dati 'yun, hindi na ngayon. Gusto ko na ulit mag-aral upang maitaguyod ko ang buhay namin ng kapatid ko dahil kami nalang dalawa sa buhay.

Napahawak ako bigla sa ulo ko dahil naalala ko 'yung panaginip na napaginipan ko noong isang gabi, ang weird pero bakit ganun 'yun? Baka naman dulot lang 'yun ng kapaguran ko, nakikita ko sa panaginip ko ang dalawang mag kasintahan na naghahabulan sa gilid ng dagat pero hindi masyadong malinaw 'yung mga mukha nila, ano kaya ibig sabihin nun? Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko, nababaliw na ata ako eh. Siguro dahil lang 'to sa matinding pinagdaraanan namin ngayon, siguro nga!

"Tara na Klerk, marami pa tayong dapat ayusin." tugon ko sa kaniya saka ako tuluyang umalis, bago ako pumasok sa kotse sinulyapan ko muna ang libingan nila mama at papa, "paalam mama, paalam papa.. nawa'y maging masaya kayo kung nasaan man kayo ngayon." sambit ko na may ngiti sa labi, pagkatapos kong titigan ang kanilang libingan tuluyan na akong pumasok sa kotse.

"Ate akyat muna ako sa kwarto ko ha." Tugon ng kapatid ko bago umakyat sa kwarto, naiwan naman akong mag-isa na nakatayo dito sa sala at nakatulala lang sa buong paligid ng bahay. Habang nakatitig ako sa bawat bahagi ng bahay napapatulo ang mga luha ko dahil sa sakit, ang sakit sakit! Parang ayoko na mabuhay sa mundong 'to, gusto ko na mawala!

"AAHHHHH!! " Isang malakas na sigaw ang binitawan ko bago ako mapaupo sa sofa. Nakita kong papalapit si Aling Isadora sa'kin dala-dala ang isang basong tubig

"Ah ma'am, pahinga po muna kayo..uminom po muna kayo ng tubig." tugon niya sabay abot sa'kin, agad ko namang nilagok 'yun dahil sa uhaw. Nasapo ko na naman ang ulo ko dahil naalala ko na naman 'yung panaginip ko.

"Argggg anu baaaa! Accckkkkk!" tanging sambit ko dahil sa sakit, nakaramdam ako ng panghihina

"Habulin mo ako hahaha" masayang tugon ng isang ginoo na tumatakbo sa dalampasigan...
Isang binibini naman ang humahabol sa kaniya at pilit siyang inaabot nito ngunit sadyang napakabilis tumakbo ng ginoo, " Ang bilis mo naman tumakbo talagang hindi kita maabutan niyan" tugon ng binibini sa ginoo kaya agad namang napahinto ang ginoo sa pagtakbo at lumapit ito sa babae. "Kahit anong mangyari, titigil ako sa pagtakbo upang masundan mo ako....Mahal ko" sambit ng lalaki at agad niyang niyakap ang babae ng napakahigpit

"Pero kahit gaano kapa kabilis tumakbo, handa akong gawin ang lahat upang maabutan kita... Dahil ayaw kitang malayo sa piling ko" masayang tugon ng binibini at bigla niyang hinalikan ang ginoo dahilan upang magulat ito...

_____________________________________

Abangan ang kasunod na kabanata mga mahal kong Lykiss!

No hate spread love.

AMOR POSPUESTO (ONGOING)Where stories live. Discover now